Bestfriend love story

230 4 2
  • Dedicated kay Darah Alipio
                                    

Editors Note:sorry po kung napaka simple ng title wala akong maisip eh..xD

ito ang love story nang magkakabata na si David Alipio and Sarah Jane Cruz.

Isingit na rin natin ang mga barkada ni Sarah na sina Lucy, Caroline, Prince, Leo, at si Alyssa.

(maraming barkada si sarah ung mga may kinalaman lang sa love story na to ang inilagay ko ) 

P.S. (true life story of: Sarah and David) HOPE YOU'LL LIKE IT :)

                              .............................................................................

Ako si Sarah Jane Cruz pala kaibigan  at mahilig mag biro. Ung tipong gusto laging masaya ayaw ng tahimik... :)

Tulad ng iba may mga barkada ako sila si Prince, Leo, Caroline, Lucy etc. marami kasi eh kaya di ko na sinabi ung iba :)

Lagi silang nandyan lalo na pag may prob. ka isang msg mo lang andyan na sila hehe. Para kaming magkakapatid dahil sa pagiging stick together namin hehe... yan nag tropa... x)

                             ................................................................................

Ako si David Alipio. Seryoso, tahimik, di mahilig makipag kaibigan,  kunti ang pasensya, at mahilig sa away..

may isa akong kaibigan si J.R. tahimik din siya sa school lang pero mahilig siya sa biroan.

bago ko pa siya makilala .. una kong nakilala si Sarah....

FLASHBACK:

2007 ng lumipat sila dito sa subdivision. Tapos na kasi ung bahay na ipinatayo ng parents niya.

six years old ako nun eh.. siya 7.. 1 year age gap kami.

isang araw nakita ko ung kuya niya si RS nag laro kami naging kaibigan ko muna ung kuya niya tapos sinama ako ng kuya niya sa bahay nila dun ko siya unang nakita....

nakaupo dun sa may pintoan nila.. tinawag siya ng kuya niya at lumapit siya..

"Sarah si David pala bago kong kaibigan" sabi ni RS...

natulala ako sa sobrang ganda niya.. tapos bumilis ung tibok ng puso ko ewan ko kung bakit...

tumingin siya sakin at ngumiti... SH*T mas gumanda siya..

" Hi ako nga pala si Sarah" :) sabi niya

grabe di ako makapag salita nauunahan ako ng hiya...

SILENCE.......

"kuya pipi ba siya??" tanong niya...

halos mapanganga ako sa tanong niya.. 

tinignan ko ung kuya niya nagulat ako kasi tumawa ung kuya niya...

" hahahahahahaha......" tawa ng kuya niya

nakakaloko to ah... 

"Sarah hindi siya pipi" sabi ng kuya niya...

"mag salita ka nga David" itinuloy niya pa..

hindi ko alm gagawin ko nun kasi nahihiya ako.. ewan ko nalove at first sight ata ako...

" ha...h.. h.i.. hi.. " nagiginig na sabi ko..

ano ba yan sigurado tatawanan nila ako... :(

tinignan ko si Sarah.. 

"tara laro tayo" :) nakangiting niyang sinabi.

nagulat ako kasi hindi pala ako tatawanan.. 

simula nun naging mag best friend na kami... 

magkaramay sa hirap at ginhawa sa mga kalokohan at katarantaduhan...

dahil jan mas lumala ang nararamdaman ko sakanya... ewan ko nga kung ano un eh....

isang araw nakita ko si Sarah may kasama siyang dalawang lalake.

masaya silang tatlo grabe ang tawa ni Sarah.. wagas na wagas..

habang tinitignan ko sila parang may mga maliliit na karayom ang tumutusok sa puso ko, ang sakit...

na hindi ko maintindihan.. :(

halos di ako makalapit sakanya... sino kaya ung mga lalakeng un??

bago ko pa malaman kung sino un.. nag bakasyon kami sa bhay ng mga pinsan ko..

may pwesto kami sa bayan kaya dun na ako pinag stay ng parents ko kaya matagal kong hindi nakita si Sarah...

NEXT CHAPTER: INTRODUCING: ANG DAKILANG TIMER!

stay tuned.. sino kaya si dakilang timer?? find it sa next chap.. :)

Bestfriend love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon