Chapter 32

1.4K 37 19
                                    

"Love. I need your help, please.."

Zoey?

I looked around but I couldn't see her. I started searching for her pero hindi ko pa rin siya makita.

"Love, I'm here."

Narinig ko 'yon sa may likod ko kaya lumingon ako pero wala naman siya. Wala si Zoey.

"Zoey!" sigaw ko.

Nakailang ulit ako ng sigaw para tawagin siya but in the middle of finding her, biglang bumuhos ang malakas na ulan, kasunod ang malakas na pagkulog at pagkidlat.

Instead of running back to my car, I continued searching for her because she's more important and I am so scared because I keep hearing her voice but I couldn't see her.

"Zoey!" sigaw ko ulit.

"Love.."

Natigilan ako sa pagtakbo nang marinig ko 'yon malapit sa pwesto ko.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko siyang nakatali ang kamay at paa, may panyo din sa bibig niya. Gulo gulo ang buhok niya at basang basa siya katulad ko dahil sa malakas na ulan.

"Zoey.." I whispered.

I was about to walk pero huli na dahil nakarinig na ako ng putok ng baril at sa isang iglap ay bumagsak siya.

Nanlalaki ang mata akong napasunod ng tingin sakaniya.

"Zoey!"

Hinihingal akong bumangon at napahawak sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Panaginip. Panaginip lang pala.

Tumingin ako kay Grace na natutulog saka ako huminga ng malalim at tumayo.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kitchen para uminom.

Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay nakaramdam ako ng takot para kay Zoey. Hindi ko rin alam. Basta ko nalang naramdaman.

Sa lahat ng napanaginipan ko ay 'yon lang ang parang totoo. 'Yon lang ang makatotohanan at natatakot ako.

Nagbuga ako ng hininga at kinuha ang phone ko saka walang pagdadalawang-isip na tinawagan si Zoey.

Panay lang ang pag-ring ng phone at wala sa sarili akong napatingin sa wall clock. 2:30AM. Kaya siguro hindi na siya sumasagot.

Pero hindi ako makakatulog at hindi ako mapapakali hangga't hindi ko naririnig ang boses niya. Hangga't hindi ko nalalaman na maayos lang siya.

Inis kong ibinagsak ang cellphone ko sa lamesa dahil nakailang tawag na ako ay hindi niya pa rin sinasagot.

Uminom ulit ako ng tubig dahil hindi talaga ako mapakali.

Mabilis kong kinuha ang phone ko dahil nag-ring 'yon pero ganon na lang ang panghihinayang ko dahil si Rasheed ang tumatawag.

"Hello?"

Sandaling natigilan si Rasheed.

["Gising ka pa rin?"]

"Nope. Nagising lang ako. Bakit ba?"

I heard him sigh and because of that, I know that something's bothering him. Plus, hindi siya tatawag dahil lang gusto niya.

"Why? What is it?"

Matagal siyang hindi umimik.

"Rasheed."

["I'm... Zoey is.."]

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now