prologue

12 0 0
                                    

Masakit habang tinitignan ko siyang umiiyak sa harapan ko. Kung may magagawa lang ako para mapawi ang sakit na nadadama niya ay gagawin ko ng walang pagaalinlangan.

Pero, wala na kaming magagawa. Wala na akong magagawa. Dahil nakasulat na sa buhay niya na ang isang Selene Berno ay hindi kailanman magiging kanya.

Masakit mamuhay ulit ng mag-isa, pag katapos ka niyang sanayin, iiwan ka naman.

Mahirap magising ng mag-isa ulit, dahil sa sobrang sanay mo siyang kasama. Maalala at maalala mo siya.

Na isasalpak ko pa sa kokote ko na wala na siya, wala na yung kasama ko palagi.

Ngunit kailangan tanggapin.

Hindi tama ang magmahal ng dalawang tao, dahil iisa lamang ang puso. Kailangan may masaktan at magsakripisyo.

Kailangan kong bitawan na ang taong minsan ng naging dahilan ko magising at sumaya.

Hindi na pwedeng kami pa ulit dahil meron kang 'siya'.

Tinignan ko siya at pinunasan ang luha ko. "Let's break up."

 Be Enraptured By Memoir.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon