Lindsay's POV:
*Rrrrriiiiiiinnngggggggg*
Pasensiya na, di ko kayang idescribe ang tunog ng bell e, shunga lang ang author neto. Para tuloy tunog ng telepono.. haha. Anyway, eto na, sumingit lang sandali si author...
gawd! malalate na naman ako neto, kakapasok ko pa lang sa main gate ng school at malayo pa ung building na kinatatayuan ng room kung saan ang klase ko. Terror pa naman yung teacher na yun, kala mo kung sinong maganda, kulobot naman ang balat sa mukha siguro dahil narin sa laging stress araw-araw. hahahaha
maka tawa naman tong babaeng to wagas!
wag ka nga jan author, sumisingit pa eh.
ayan na, lakad takbo na tong ginagawa ko makarating lang on time sa room, sana lang late rin ung monster naming teacher na yun. Pero imposibleng ma-late yun, aba! kung oras lang ang pag-uusapan panalo yun dahil walang labis walang kulang yun pagdating sa oras ng subject niya. Nananalangin lang naman ako baka by this time mag dilang anghel ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.... sa wakas nasa 6th floor na ako, at eto ako pawisan. Dali-dali akong dumeretso sa may dulo ng hallway kung saan nandon ang pintuan ng classroom na kinabibilangan ko. Pag dating ko sa may tapat ng pintuan huminga muna ako ng malalim para makakuha ng lakas ng loob saka ko binuksan ang saradong pinto.
wooh! -mahina, sapat na para ako lang ang makarinig
Good morning maam - lindsay
"what's good in the morning like this miss navarro?! You're 10 minutes late, good bang matatawag yon?" -mrs. Rosquita
eto na naman, ang sakit talaga ng boses niya sa teynga.
uuhhmmm, sorry maam for being late, n-natrafik lang ho...
"Don't give me that lame excuse miss navarro! Sa tagal ko na sa propesyong eto gasgas na ang palusot na yan. Now go to your sit!"
Nagmadali naman akong pumunta sa upuan ko, baka kung ano pa maisipan nung iparusa sakin. Nag simula na si maam Rosquita monster na magsalita, pero ako di maka concentrate sa mga sinasabi niya, physically present but mentally absent. Yan ang kondisyon ng utak ko ngayon, ewan ko ba. Naaalala ko na naman yung lalaking matagal ko nang gusto pero taging ako lang ang nakakaalam. Ni best freind kong si gina hindi alam na may lihim akong nagugustuhan, yan ang isa sa mga rason kung bakit hanggang ngayon myembro parin ako sa samahang NBSB (NO BOYFRIEND SINCE BIRTH).
Nakakalungkot, kung bakit ba kasi anak pa siya ng mortal na kaaway ng pamilya ko.
Kanina kasi, nung papunta na ako sa school nakasalubong ko ang kotse niya. Nasa iisang village lang kasi kami nakatira, at magkasosyo sa negosyo ang aming mga magulang, kaya simula pagka bata kilala na namin ang isa't-isa, pero hindi kami close. Nahihya kasi talaga ako, kasi noon pa man may gusto na talaga ako sakanya. Ang cute naman kasi ng lalaking to nung bata pa.
Magkasundong magkasundo ang pamilya namin noon, pero matapos nung umalis yung kapatid niya na si Ingrid at tangay ang ilang milyon ng companya na naging dahilan ng pagka lugi nito, nasira narin ang magandang relasyon ng aming pamilya.
nasa ganung pag iisip ako ng may kumalabit sakin at narinig ko na parang may tumatawag sa pangalan ko. Si gina pala, katabi ko lang siya ng upuan
"linds, kanina pa kita tinatawag, ano ba nangyayari sayo ha? - gina
ah, a-ako? wala naman, oh asan na sila? sabay lingon sa magkabilng sulok ng classroom
"wala ka nga talaga sa sarili, wala nang klase noh, maagang nag dismissed si mam kasi may meeting daw siya na aatenan, nagbigay lang siya ng seatwork at assignment."
ahh, ganun ba...pa kopya naman nung assignment natin, di ko kasi nasulat yon eh
"alam ko kasi hindi ka naman nakikinig kanina, kung saan saan na naman lumilipad yang utak mo. May problema na naman ba s bahay niyo?"
naku wala ah, tara kaen muna tayo
"mabuti pa nga baka gutom lang yan kaya naka tunganga ka jan."
pumunta kami sa paborito naming cafe at umorder agad kami.
chocolate cake at lemon juice yung saken at mango pie at iced tea naman yung inorder niya.
habang masaya kaming kumakain at nagkukwentohan, biglang napatili si gina
" gooossshhh!!! he's here"
who???????????? O.o
"yung bagong campus hearthrob sa school natin! oh my, he's sooo handsome! At balita ko napaka yaman raw ng pamilya nila."
ow? talaga? patingin nga
"look at your back, yung papalapit na lalaki sa counter"
laking gulat ko nung makita ko ang taong tinutukoy nitong kaibigan ko.
O.O
O.O
O.O
O.O
.
.
.
.
.
s-si
s-si
s-si
.
.
.
.
.
A/N:
Bibitinin ko muna kayo pasok muna ako sa klase. hahaha
Sana lang makapag log-in pa ako mamaya. Kung hindi man edi bukas nalang.
Ciao ^.^