Chapter 3: --

7 1 0
                                    

"Bastos na bata" turan ng matanda

"Bakit lolo? anong ginawa?" tanong ni Steph sa kanyang lolo habang nakaupo sa tabi nito. Kinabahaban sya dahil baka kung ano na naman ang gawing kalokohan ni Guia.

"Ibaba daw ba ang telepono ng hindi nagpaaalam. Bastos talaga oo." Napangiwi naman sya. Inaasahan na nya na ganito ang kahahantungan kung tatawagan nila si Guia ngayong gabi. At dahil gabi na ay hindi makakausap ng maayos ang dalaga dahil kung antok na ito or tulog na ay tulog na talaga ito at bawal nang istorbohin pa.

"Sabi naman po kasi sa inyo eh. Hindi nyo po talaga makakausap un pag gabi na. Ayaw nyo namang makinig sakin eh parang hindi ko naman kilala si Guia." kakamot kamot sa ulo na saad ni Steph

"Kahit na! Walang delikadesang babae! Pero..." napapaisip naman ang kanyang lolo, nag-aalangan kung may sasabihin ba o wala. 

"Bakit po?" nag-aalala nyang tanong

"Parang nahihirapan sya kaninang magsalita. Hindi kaya... lumalabas na ang mga palatandaan ng pagiging itinakda nya?"

"K-kung ganoon po ay nasa panganib sya sa mga oras na ito?" 

"Oo, maaaring ganoon na nga. Dapat siguro ay puntahan mo sya."

"At pagkatapos?"

"Dalhin mo na siya sa Academia de Olympus. Mas magiging ligtas sya doon."

"Opo."

Papaalis na sya nang hawakan ng lolo nya ang kanyang kamay.

"Mag-iingat kayo. At magmadali. Wala na tayong sapat na panahon pa."

Tango lang ang naging sagot nya dito. Pumwesto sya sa veranda ng kanilang mansyon at kalauna'y inilabas ang pakpak na itinatago. Hindi na nya pwedeng sayangin ang nalalabi nyang mga oras.

Agad syang lumipad at yumanig ang buong mansyon dahil sa pwersang inilabas nya.

'Nasobrahan ata ako? Lagot na naman ako kay lolo pag nasira ko na naman ung mansyon. haay'

Pagkadating nya ay napansin agad nya ang sirang bintana sa kwarto ni Guia kaya nagpasiya syang bumaba ng dahan dahan para hindi sya mapansin.

Sumulip sya nang dahan dahan sa bintana at nakita ang isang bulto ng lalaki na nakaluhod sa harap ni Guia na walang malay. May hawak itong espada ng puno ng dugo. 

'Hindi kaya...? Mahabaging Zeus h'wag naman sana. Bata pa si Guia para mawala' 

Napansin nyang kumilos ang binata at binuhat si Guia. Humarap ito sa may bintana.

Nagulat sya nang bigla itong magsalita. "Kung iniisip mong pigilan kami ay h'wag ka nang umasa. Hindi mo ko kaya."

Lumabas sya sa pinagtataguan nya at hinarap ito. "Ah talaga la..." hindi sya natapos makapagsalita dahil napagtanto nya kung sino ang lalaking nasa harapan nya ngayon. 

"Amaze to see me huh?" aroganteng sabi ng lalaking ito nang makita nitong natigilan ang dalaga.

Agad namang yumuko si Steph at nagbigay galang. "Paumanhin sa aking kapangahasan ngunit kailangang ibigay mo sa akin si Guia."

"Paano kung ayoko?"

"Mapipilitan ang gumamit ng dahas." Sabi nya na itinaas ang noo nya. Ngunit nagitla sya nang biglang kumilos ang binata at pasugod sa kanya humanda sya ngunit hinampas lang nito ang batok nya dahilan para mawalan sya ng malay. Ang huli nyang natatandaan ay umalis ang binata kasama si Guia.

'Nakidnapped si Guia!'

*         *        *

"Steph! gising ka na ba?" Narinig nya ang boses ng kanyang lolo na paulit ulit na sinasabi ang pangalan nya.

"GUIA!!!" ito lang ang nasabi ni Steph pagkagising na pagkagising pa lang.

"Steph huminahon ka nga! Nasaan ang apo ko? Anong nangyari?!" tanong ng lolo ni Guia.

Saglit na huminahon si Steph at pinilit alalalahanin ang nangyari bago sya nawalan ng malay. "N-nakidnapped si Guia! Ohmygahd!"

"Huh?! N-nakidnapped? Nino? Sinong gagawa ng bagay na iyan?" sabi ng lolo ni Guia

"S-si..." Hindi natapos ni Steph ang sasabihin nya nang pumasok ang principal ng paaralan. Ngayon lang nya napagtanto na nasa Academia de Olympus.

"Nasaan ang itinakda?" Walang sinuman ang nagsalita

"Uulitin ko pa ba ang tanong ko Steph?"

Sumabat na ang lolo nya at sinabing "Naunahan na tayo."

Nagulat ang principal. "Akala ko ba ay binabantayan nyo syang mabuti?! Paanong naunahan tayo?!"

"P-patawarin nyo ko. Andun ako ng gabing un ngunit wala akong nagawa."

"Wala na tayong magagawa. Wag na tayong magsisihan. Kailangan na nating maghanda sa araw na pagdating nya."

"Dumating na sya..." tulalang sabi ni Steph

*          *          *          *         *

-Dyindyiiin <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Warrior of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon