"Sige Pre, next time nalang . Mga tampururot talaga kayo."
"Sus".
Kaagad na umalis ang kabarkada ni Tristan. Mabilis naman na nagtama ang kamao niya sa kamao ko. Barkada Signature Greetings ba.
"Oh ano ? Tara ? " tanong ni Tristan.
"Bilisan niyo na naghihintay yung driver." sagot ko habang mabilis na lumakad papasok sa Van at doon sumakay kaming tatlo.
Nasa gitna naming dalawa ni Zes si Tristan.
Maya maya'y pinakita ni Zes ang cellphone niya.
"Ano yan?"
"Magkatext kami ni Tristan.Hahaha" bungisngis nito.
"Hindi halatang namiss niyo ang isa't isa"sambit ko
Umirap ito at bumalik agad sa maayos na kinauupuan.
"Kumusta ka na Gel ?"binasag ni Tristan ang katahimikan.
"Okay lang naman. Nagfa-function pa rin ang puso at utak ko. Ikaw , kumusta ka naman?" sagot ko
"Okay lang din naman. Gwapong gwapo pa rin. Wait , tatawagan ko lang si Mommy."
Ako nga pala si Gel Devil Heaven. Gulat kayo no? Oo yun talaga ang pangalan ko. Lintek! syempre hindi ganon. Ako si Gel Fama. Seventeen years old na ako. Sa magbabarkada , ako pinakapasaway, bad influence, maliga, pero minsan ismidera. Tanging mga TUNAY na kaibigan ko lang ang kayang umintindi sa ugali ko. Kaya kung ayaw mo sakin pwes ayaw ko rin sayo. Dahil unang una, Close ba tayo?
"Ang ingay mo Gel, yan pinatayan tuloy ako." Mula sa tainga ni Tristan binaba niya ang cellphone niya.
"Bakit ka ba kasi uuwi?"
"Eh kasi umalis na si Daddy sa bahay. Nung isang araw lang pinagsabihan ko si daddy . Sabi ko, Daddy kung hindi mo kayang sumunod sa mga utos at batas ko, lumayas ka na dito. Anghirap kaya magpaaral. Anghirap din magtrabaho".
"Ikaw kung makaganyan ka sa Daddy mo.hahaha"panandaliang tawa ko.
"Angseryoso mo kasi e.Tingnan mo to si Zes tulog na. Kung may Front Camera lang tong cellphone ko, kaninan pa to nasa facebook. Hahaha" bungisngis ni Tristan.
"Tulog na nga di ba, pano mapupunta sa facebook? Hindi siya makakalakad.Tss" irap ko kay Tristan.
"Ikaw, Gel kung ano man yang ginagawa mo sa buhay mo tigil tigilan mo na ha. Kaya pumapayat ka e."itinapat nito ang braso sa braso ko. Napansin ko namang mas mapayat pa ang braso ko kesa sa braso niya.
"Aba! Ikaw nga dyan ang DrugLord!"
Mula sa unahan , nagtinginan sa amin ang mga pasahero. Medyo napalakas ata boses ko.
"Hindi ko po yan kasama"
Mula sa pagkakatungo, lalo namang sumubsob ang mukha ni Zes sa may bintana.Sinubsob ko naman ang ulo ko sa unahan ko para magtago at bahagyang tumawa.
Nagpatuloy naman ang pagkukwento ni Tristan tungkol sa buhay niya ngayon at sa school nila. Kwento niya, may daily dues daw sila at hindi raw niya alam kung saan napupunta. Hinala raw niya , ipinang-iinom lang ito ng teacher niya. Maloko talaga ang lalaking to! Hahaha.
BINABASA MO ANG
R E U N I T E D
HumorBARKADA - pitong letra. Hindi kumpleto kapag kulang ang isa. Marami na ang nagbago sa buhay ng bawat isa. Kasi once na masaktan ka, mag-iiba na ang pananaw , kilos at isip mo. Sana, kung paano binuo ng PAG-IBIG ang BARKADA. Ganoon din niya aayusin...