"Kumusta naman ang nilakad niyo kahapon? "Si Meg Arbues , bestfriend ko. Mala-Anghel ang mukha niya . Sa grupo, siya ang inosenteng bata at good influence kaya siya rin ang tagapagsaway sa mga trippings namin.Pero hindi siya KillJoy, nilulugar lang niya ang mga kalokohang gusto naming gawin. Sila ang may ari ng Macon Georgia Academy kung saan nag-aaral si Tristan. Tagapagmana si Meg ng kanilang Dental Clinic na may humigit kumulang 400 branches sa buong bansa.
"Huy!"
"Ay! Ipis na panis! , ano ba?"
"Hahaha. Ipis? Panis? Hahaha Kanina ka pa kasi tulala.Ano bang nangyari kahapon?"
"Nagmeet kami ni Iveth at nung Organizer ng Debut. Ipinakita sakin yung list ng mga names sa invitation , 18 Roses , 18 Candles chuchu. Pero nagtataka ako kung bakit wala sa invitation si Tristan, si Iyaszh tsaka si Lovie."
Lagi naman kasi silang present tuwing birthday ko . Pero bakit sa debut ko pa sila mawawala?
"Baka naman busy sila kaya tumanggi sa 18 chuchu na yon. Tsaka, agents lang naman ng organizer ang nag-invite sa mga yun. Pero kung ikaw ang mag-iinvite sa kanila, aattend yung mga yun." paliwanag ni Meg.
"Hmmm. Baka nga."nagbago ang direksyonng mata ko. Napapunta ito kay Zes.
"Uy, kinukumusta ka nga pala ni Tristan kahapon sa amin. Yiiiiiiiiiiiie". singit ni Zes.
"Oh ? Ano namang sinabi niya sa inyo?"
"Wala. Wag mo nang alamin. Sa amin nalang yun ni Zes di ba Zes.?" Tumaas ang kilay ko at itinama ang tingin sa mga mata ni Zes. Tingnan mo tong babaeng to , napakadaldal talaga.
"Hahaha okay." fake na tawa ni Meg na kaagad nagpabago sa mood niyang masaya.
----------------
"Tara! Mag-Cutting tayo! Movie? Libre ko."yaya ng isa pa naming kaibigan. Si Bruce Abad.
Nasa Cafeteria kaming apat nina Zes, Meg at Bruce. Lunch break kasi pero hindi pa kami kumakain, nakaupo lang kami sa couch , sa Sarili naming couch. Classmate ko nga pala si Meg at Zes sa Entrepreneur.1st year college pa lang kami. Lahat kami ay tagapagmana ng bussiness ng aming mga magulang. Hindi naman sinasadya pero talagang nagkatagpo-tagpo kaming lahat sa hindi malaman na rason.
"Abad! Bad ka ha! May subject pa tayo ngayong hapon di ba?" tutol ni Meg.
"Sure! Tara! Wala naman si Sir Demez eh." (Hahahaha) evil laugh. Umirap ng bahagya si Meg sa amin.
"Ehdi kayong dalawa nalang ."
"Hindi pwede. Dapat Kasama kayong lahat!"pagmamaktol ni Bruce.
"Ayaw ko. Bahala kayo. Kayo nalang."...si Meg talaga , isang tutol pa. Proceed to plan B na talaga.
"Ano ba naman. Sumama ka na Meg" yaya pa ni Zes na parang ayaw makatanggap ng sagot na "ayaw ko"
"Ayaw ko. Hindi ako sasama. Period , Tuldok , Exclamation point!"
BINABASA MO ANG
R E U N I T E D
HumorBARKADA - pitong letra. Hindi kumpleto kapag kulang ang isa. Marami na ang nagbago sa buhay ng bawat isa. Kasi once na masaktan ka, mag-iiba na ang pananaw , kilos at isip mo. Sana, kung paano binuo ng PAG-IBIG ang BARKADA. Ganoon din niya aayusin...