Diary 1

621 23 3
                                    

UNEDITED..MAGULO.
NAKAKATAMAD..LANGKWENTANG UPDATE

*kriiing...kriii--*
''Aahy!!~ Good morning, bed! Rise and sun.'' bati ko sa mga bagay sa paligid ko, opo baliw po talaga 'ko, takas sa mental. Ganito lang talaga 'ko pag umaga, napapa-english.

''Teka? Tama ba yung grammar ko? Yae na nga, wala namang ibang nakarinig eh.''

Inayos ko na agad yung pinag-higaan ko at nagpuntang banyo.
Pagkatapos, naghanda na rin ako ng lunch...ay, breakfast pala...ay, hinde... Basta almusal!

Unang araw kasi ngayon sa school ko. Transfer lang ako d'on sa praybeyt skul na 'yun. Paaral lang ako ni Tita, 4th year college na 'ko.
Masaya 'ko sa ngayon, isa't kalahating oras bago ang pasok ko pero di ko pa rin maitatago yung kabang nadarama ko. Tingin ko kasi iba ang mga taga-maynila kumpara sa'kin, sila mayaman, ako? Nganga.
Matalino sila, bobong bobo 'ko.
Magaganda't gwapo sila, basahan lang ako... At tingin ko, mapapahiya lang ako d'on mamaya. Pero...ok lang, kotang kota naman na 'ko sa kahihiyan mula pa ng ipinanganak ako eh.

Agad na 'kong kumilos, kumain, naligo, nagbihis at nag-ayos ng gamit para maagang makapasok, sa pag-asang wala pang tao. 'Malay mo ako ang mauna, at para wala masyadong makakita sa'kin.'

6:15am
''Ayos, maaga pa!'' 7:20am pa naman ang umpisa eh.

Lumabas na 'ko ng nirerentahan kong bahay dito sa Maynila. Medyo malapit 'to sa school, kaya ayos din.

*school*

Kung akala ko na wala pa masyadong tao ng ganito ka-aga, eh nagkamali ako. Mukhang kanina pa sila naandito

Pagpasok pa lang sa gard haws, matatanaw na yung matataas na buildings ng skool, mga limang palapag. 'May elebeytor siguro dito?!'

Makikita rin 'yung pakalat-kalat na mga estudyante.
May kumakain, nagdadak-dakan, harutan, barahan, payabangan, nagbubugbugan at lampungan.
Parang wala nga yata 'kong nakitang nag-babasa man lang ng libro. Magazine, oo.
'Play boy' yata yung nakita kong hawak ng isang lalaki na tuwang tuwa habang titig na titig d'un sa magasin n'ya. 'Ano kayang meron d'on? Komiks? Joke?'

Halos walang napansin sa'kin dito. Para 'kong hangin sa kanila.
Pero mabuti nang gan'on, kaysa naman maging agaw atensyon, pa-bida!

Tahimik kong nilibot yung buong lugar. Maraming puno't halaman, parang parke, may upuan, bulaklak, pawnteym(water fountain) at kung ano-ano pa.

May mga naglalaro din ng saker sa isang malawak na damuhan.

Naupo ako d'on sa may malapit sa isang puno. Nilapag ko yung gamit ko.
Ang dami rin kasing nakatambay dito eh, naki-join na 'ko. Yun nga lang, lahat sila may kanya-kanyang kaharutan. 'Tss, wala namang forever!'

Ayos na sana ang lahat, nakapikit akong lumanghap ng hangin ng biglang...

*blag!!*

''Aahhhh!'' nakanganga lang ako habang nakahiga sa damuhan matapos akong matamaan sa noo ng kung anong matigas na bagay.

''Oh my gawd! What happened to...'' sabi ng isang mukhang malanding babae na lumapit sa'kin.

''H-hinde o-okay lang a--''

''What happened to my iPhone!?'' sabi n'ya sabay kuha sa selpown na nasa tabi ng ulo ko.
Akala ko ako yung kinamusta, yung selpown n'ya pala! At basta na lang akong nilayasan na parang walang nangyari. 'Gan'on ba ka haytek dito, pati selpown lumilipad? Makabili nga n'yan!'

Nakahiga pa rin ako sa damuhan n'on, payapang nakatingala sa puno.

*ting..ting..ting..ting..ting!~*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng BoboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon