Dedicated to ate Kurowinerosa mwehe
Uno(one shots) Land of Rosas
Bulaklak na kulay pula, kahit saan ay makikita. This is land where I was born, the land full of roses. Roses can be seen anywhere, magaganda din ito at palaging pinipitas ng mga ka lalaki han upang I bigay sa kabilang mga napupusuan.
"Louie,alam mo ba na may pagdiriwang sa plaza mamaya ng Gabi?" napalingon ako ng tawagin ako ni Aria, ang aking kaibigan.
"Lahat ba ay imbetado?" hindi ko nais pumunta dahil nahihiya ako ngunit....
"Para iyon sa lahat Sabi ni Mayor," ngumiti ako ng pilit,
"Ngunit ako'y nahihiya, alam mo na hindi ako sanay sa maraming tao." hindi ako masyadong umalis sa bahay, kung aalis man ay mas gusto Kong gabi. Umiilaw kasi ang mga rosas.
Nakakatawa kasi ito ay hindi isang ordinary on rosas laman, ito ay rosas ng among diyosa. Si Diyosa Rosa, ang diyosa ng among Bayan, ang bayan ng Rosalia.
"Subukan mo lang Louie, atsaka hindi ka talaga maiiwasan. Sa Ganda mong yan ay kahit ang kababaihan ay mahuhumaling." napatawa ako ng mahina. Pilit ko man itanggi ay maraming nagsasabi na ako y maganda. Ang aking mga mata ay berde na parang diamante ng emerald.
Hindi na ako nakipagtalo sa Kay Aria. Sinabi ko sakanya na pupunta ako ngunit hindi ako magtatagal.
Kinagabihan ay nag ayos ako ng simple ng puting bestida. Bagsak ang aking buhok na Hanggang bewang at kita ang natural na kulit sa dulo nito.
2 oras bago dumating si Aria ay napagpasyahan Kong maglakad-lakad sa labas. Ang mga rosas ay unti unting nagliliwanag, hudyat na palalim na ang Gabi. Ngunit hindi madilim sa aking dinaraanan. Nakangiti ako habang pinaglalandas ang kamay sa mga rosas.
"Tunay nga Sila ay magaganda," nagulat ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran. Liningin ko ito at nagulat ako sa angking kagwapuhan at kakisigan ng lalaking aking kaharap.
Tumibik ng malakas ang aking puso ng magtama ang aming paningin. Namangha ako sa kulay asul niyang mata. Ang kanyang buhok ay kayumanggi at magulo, mapula ang kanyang mga labi at matangos ang kanyang ilong.
"Good evening Milady, the names Apollo," nagulat ako ng hawakan niya ang aking kamay at hinalikan ang likod ng aking palad.
Hindi ako makagalaw, malakas ang tibok ng aking puso na para bang nakikipagkarera ito.Parang nahihipnotismo ako sa kanyang mga mata.
" H-ha? "nauutal ako. Ngumiti siya dahil an upang mas lalong tumibok ang aking puso.
" Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan? "lumambing ang kanyang boses.
" Louieciana,"
" Kay Gandang ngalan, "umiwas ako ng tingin, hindi ko kaya ang kanyang mga titig.
"Pasensya kana ngunit, Bakit ikay narito? Teka taga-dito ka ba?"
Umiling siya, "ako ay hindi ordinaryong tao ,"naguguluhan akong napatitig sakanya. Ano ang kanyang sinasabi?
" Dahil ako si Apollo, ako ay isang prinsipe mula sa kaharian ng liwanag. At nandito ako upang ikay su din, aking Mahal. "
Biglang humangin ng malakas, at na patingin ako sa paligid ng biglang lumipad ang mga rosas sa paligid. Unti-unting lumapit saakin ang prinsipe ng liwanag at nakatingin ito sa aking mga labi.
" Ikaw ang nakatakda para saakin,ang aking mamahalin habang buhay." sinapo niya ang aking magkabilang pisngi. Lalong nagliwanag ang mga rosas, kasabay ng pagdampi ng kanyang Malambot na labi saakin.
+++++++