Amnesia

13 0 0
                                    

***

Amnesia

Written by xxxheartgirlxxx

***

~His POV

Ang ganda nya talaga...

"Hahaha shut up Eva! Di ko yun gawain!" sigaw nya sa kausap nyang babae.

Makulit pa rin sya...

"Oh, come on! You did!! Hahaha"

"No! I didn't hahahaha~"

Napa-ngiti nalang ako. Ang sarap alalahanin ang dati. Namimiss ko syalalo.

"Gio?" sabi ng tao sa likod ko tsaka tinapik ang kaliwang balikat ko.

Nilingon ko sya at binigyan agad sya ng isang ngiti "Ikaw pala Eric."

Umupo sya sa tabi ko "Ayos ka lang ba?"

Nginitian ko sya ulit "Oo naman." sagot ko at ibinalik ang tingin ko sa kanya.

"Tinitignan mo na naman sya." sabi nya. Bumaling din siguro sya sa tinitignan ko.

"Wala na akong ibang pwedeng gawin kundi ito na lang e."

"Bakit 'di mo sya lapitan?"


Nilingon ko sya. Nakatingin pa rin sya dun. Tahimik lang ako. Maya-maya pa'y bumaling sya sakin.

"Sagutin mo ang tanong ko Gio. Bakit 'di mo sya lapitan?" tanong nya ulit.

Yumuko ako. Natatakot kasi ako...

"Gio, answer the question."

Nanatili lang akong tahimik.

Narinig kong bumuntong hininga sya.

"Ok lang kahit di m..." di ko na sya pinatapos.

"Natatakot kasi ako Eric." inangat ko na ang ulo ko. "Natatakot ako na pag nilapitan ko sya, maulit ulit yung nangyari noong araw na iyon. Natatakot ako na baka 'di nya ako maalala. Natatakot ako na ma-reject." tumigil ulit ako sa pagsasalita. Naglalakad sila ngayon papunta sa isang bench. Ang cute nya nga tignan e. Naka-dress sya tapos pinartner-an nya ng converse na sapatos. Ka-wirdohan talaga nya. "Pero, may parte sakin ang gustong lumapit sa kanya. Gustong-gusto ko na syang lapitan at sabihing 'Alexa, si Gio 'to. Natatandaan mo ba ako? Ako yung boyfriend mo.'. Pero kasi mas nangingibabaw nga lang sakin ang takot. Kaya di ko magawa. Tsaka isa pa..." naka-titig pa rin ako sa kanya. Nakita ko, niyakap nya ang isang lalake sabay halik dito sa pisngi. Niyakap din naman sya nito at inakbayan pagkatapos. "... mukhang may mahal na syang iba. Kaya, hayaan na lang. Masaya na sya. Ayoko ng manggulo."

Natahimik kami pareho ni Eric.

Pero matapos ang ilang sandali...

"Kagaguhan lang yan Pre!!" sabay batok sakin. "Takot? Nako naman Gio, wag ka matakot. Sigurado akong maalala ka niya! Mahal ka nun!! Wag kang panghinaan ng loob. Mahal mo naman sya diba? Bakit 'di mo ipaglaban?! Sumugal ka Gio! Ayos lang masaktan, atleast nag-try ka! Kesa naman manahimik ka lang dyan at kalauna'y pagsisihan ang 'di mo paglapit sa kanya. Wag kang tanga. Alam ko na matalino ka Gio. Gamitin mo ng maayos ang utak mo." tumalikod sya sakin at nag-simulang maglakad papalayo.

Pero nakaka-ilang hakbang palang sya, ng bigla syang humarap sakin at naglakad pabalik. Tumayo sya sa harap ko atsaka ako sinuntok sa mukha.

"P*ta naman Eric! Para 'san naman yun?!" <( <(`△')/ tanong ko habang nakahawak ako sa may pisngi ko.

"G*go! Pampagising lang yan para sa mga tarantadong tulad mo!" ( ̄□ ̄#) sigaw nya. "Dapat kasi binabaon mo sa lupa yang katangahan mo. Gumising ka nga. Wag kang duwag!!"

Nakatitig lang ako sa kanya. Di pa kasi nag-si-sink in sakin ang mga bagay na lumabas sa bibig niya e. Aba, minsan lang mag-advice si loko ah!

Napa-ngiti nalang ako ng wala sa oras matapos kong ma-realize na tama sya. Di nga dapat ako maging duwag.

Binigyan ko sya ng napaka-lawak na ngiti tsaka sinaludo sya gamit ang middle finger ko "Pakyu ka Pre! Di kailangan manuntok. Uso naman ang maayos na pag-e-explain." (凸^^)凸

Sinaludo nya rin ako ng ganun "Nako Pre, pakyu ka rin. Alam ko naman na di ka madadaan sa matinong usapan. Tsaka mas dama ko pag medyo may sakitan hahahahahaha!!" 凸(^^ 凸)

"Siraulo!!" sigaw ko sa kanya.

---

Matapos ang Advice Session namin ng G*go kong bespren. Dumiretso ako sa supermarket. Kailangan kong bumili ng mga ingredients para sa gagawin ko, at matapos kong makabili ay agad akong umuwi at ginawa ang dapat kong gawin.

---

Kinabukasan, gumising ako ng maaga. Maaga kasi ang pasok ni Alexa tuwing araw na 'to. Pano ko nalaman na maaga sya? Syempre! I have my sources 'ya know? XD

Kinakabahan ako. Ano ba ang sasabihin ko sa kanya pag nasa harap na nya ako?

---

At ngayon... ten ten nenen!! Ito na! As in! Ito na talaga.

Nasa may malapit lang ako sa kanya. Nandun sya sa kabilang bahagi ng fountain ako naman opposite lang ng pwesto nya. May naalala tuloy ako...

Magkalayong agwat,
Gagawin ang lahat
Mapasayo lamang
Pagibig na alay sayo~

Ang awit na 'to
Ay awit ko sayo
Nag-iisa ka lang
Kahit mag-kabila ang ating mundo~

Lol! Hahahaha tama nga ba ang lyrics? = ̄ω ̄=

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AnythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon