"Hay... sana naman matupad ung wish ko ngayong summer," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa labas ng window ng bus na sinasakyan namin.
May outing/overnight kami ng team (3rd year and 2nd year students) namin ngayong summer papunta sa isang beach kasi nag-champion kami sa isang competition.
"Alyzza," tinapik ng best friend kong si Cristine ung balikat ko since magkatabi kami. "okay ka lang?"
Lumingon ako sa kanya. "H-huh? Ah.. oo," tumingin siya sakin ng parang hindi naniniwala. Nag-sigh ako, "Gusto ko sanang matupad ung wish ko. Kaso parang imposible..."
Tumango siya tapos nag-smile. "Ahh... ung wish mo ever since bata pa tayo?"
"Yeah," sagot ko. "Unti-unti na nga akong nawawalan ng pag-asa eh,"
Hinagod niya ung likod ko, "Pumunta ka nalang kaya sa ibang bansa para ma-experience mo. Hindi ung nag-aantay ka sa wala,"
May point din naman siya. Ever since bata kasi kami, lagi kong wini-wish na sana magkaroon ng snow dito sa Pilipinas kahit isang araw lang. Dahil hindi yun nangyayari pag Christmas time, naisip ko na sana kahit sa summer man lang. Ang weird ko, 'no? Kahit 15 years old na ako ay nag-aantay parin ako ng snow.
"Nandito na tayo!" nakakabinging sigaw ng isang kaklase namin.
Pagkahinto namin ay isa-isa kaming bumaba. "Wow!" Namamanghang sabi ko. "Ang ganda!"
Ang peaceful ng atmosphere kasi wala masyadong tao. Tumakbo kami ni Cris sa assigned cottages namin. Ang bait nga ng advisor namin kasi pinag-partner niya kami.
Habang nag-a-unpack kami ng mga damit namin ay nagkwentuhan kami ni Cris.
"Uy, 'Lyzza," pagtawag niya sakin.
Tumingin ako sa kanya, "Bakit?"
"Ano..." mahinang sabi niya. "Uhm... Nakita ko si Kian kanina, kausap si Holley,"
Natigilan ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. "Ahh.. Si Kian tsaka si Holley lang naman pala eh. Anong problema dun?" tanong ko tapos binalik ung tingin ko sa ginagawa ko. Medyo mahirap palang mag-pretend na hindi ka nagseselos.
Si Kian, naging crush ko since bata pa kami pero parang ayaw niya sakin kasi lagi niya akong inaasar at pinapahiya at si Holley naman, younger sister ko na 2nd year na. So, siyempre nagseselos ako.
Pagkatapos naming mag-unpack ay nagpalit na kami ni Cris ng damit tapos lumabas na kami ng kwarto.
"Uh-oh," narinig kong bulong ni Cris sabay tigil sa paglalakad.
Tumingin ako sa direction na tinitignan niya. Ouch... Kapatid ko nakikipagtawanan sa crush ko. Umiwas kagad ako ng tingin tapos hinila na si Cris paupo sa sand.
"'Lyzza?" bulong niya habang nakatingin ako sa dagat.
Liningon ko siya, "Bakit?"
Pasimpleng tinuro niya ung direction nila Holley. "Okay lang ba sayo?"
Binalik ko ung tingin ko sa dagat. "Oo naman. Masaya nga ako para sa kanila eh."
Narinig ko siyang mag-sigh, "Okay, sabi mo eh."
Pinatong ko ung ulo ko sa knees ko. Hay... Bakit ba ako nagseselos sa kapatid ko, eh crush ko lang naman si Kian? Umayos ka nga, Alyzza! Ikaw ung ate kaya dapat ikaw ung magparaya. Bigla akong may naramdaman na basa sa cheeks ko. Pinunasan ko yun gamit ung panyo ko at dun ko na-realize na umiiyak pala ako... Dali dali akong tumayo at dumerecho papasok ng cottage namin.
"'Lyzza!" malakas na pagtawag sa'kin ni Cris. "Saan ka pupunta?"
"Sa dagat, gusto kong mag-swimming eh," I answered, sarcastically nang hindi lumilingon sa kanya.
"Eh, opposite direction kaya yan ng dagat!" sigaw niya kasi medyo malapit na ako sa cottage.
"Tss... ang slow mo!" Umikot ako para humarap sa kanya tapos tinuro ko ung cottage. "Malamang sa cottage ako pupunta. Naglalakad ako sa direction na 'to, diba?"
Bigla siya nag-smirk tapos nag-widen ung eyes ko. "Nagpipilosopo ka, ah..."
Inirapan ko siya tapos pinagpatuloy ung paglalakad ko. Kainis! Hindi ko napansin na namilosopo ako kanina. Alam na tuloy ni Cris na nagseselos ako. Kasi nagpipilosopo lang ako dati 'pag nakikita ko si Kian na kausap ung mga kaibigan ko at nagtatawanan pa. Si Cris lang ang nakapansin dun at sabi niya na siguro kaya daw ako namimilosopo ay dahil nagseselos ako.
Padabog akong pumasok sa kwarto namin tapos humiga sa kama. Kinuha ko ung phone ko galing sa bulsa ko at in-open ung facebook ko. Natigilan ako sa unang nabasa ko.
Kian Thorne with Holley Steele
Can't wait for tonight! I'm finally gonna ask the girl of my dreams out. I hope our plan works! grin emoticon –feeling in love
Cristine Locke, Holley Steele, Jake Talonne and 27 others like this
View 38 more comments
Jake Talonne Wow! Finally at naisipan mo narin kumilos. Hahaha
Kian Thorne Oo nga eh. Thank you talaga Holley!
Holley Steele No prob smile emoticon basta siguraduhin mong gagana yan ha?
Kian Thorne Siyempre, ako pa!
Write a comment...
Nag-comment ako tapos nag-antay ng reply.
Alyzza Steele sino yun?
Kian Thorne tongue emoti wala ka na dun panget
Diba? Wala siyang ibang ginawa kundi asarin at pikunin ako. Nag-comment ulit ako...
Alyzza Steele edi wala! Nagtatanong lang yung tao tapos kailangan pang laitin
After a few seconds may nag-reply...
Kian Thorne tao ka? Hindi halata.
Naiiritang binalik ko sa bulsa ko ung phone ko tapos pumikit. Matutulog na nga lang ako. At least, sa dream land, walang manlalait.
YOU ARE READING
Summer Snow >One Shot<
RomanceAko si Alyzza Steele, ang babaeng kahit teenager na ay nagwi-wish parin na magkaroon ng snow dito sa Pilipinas... Matutupad na kaya ung wish ko this summer?