the presentation

417 21 6
                                    

Ken is getting ready for school, His phone rings.

"Hello Ken?," Sejun asked.

"Bakit dre?,"

"Pakibilisan malapit na tayo mag present,"

Nanlaki naman ang mata ni Ken at agad na pinatay ang tawag. Hindi na siya nag abala pang kumain at agad na tumakbo na lang papunta sa bus station.

"Umaayon talaga ang panahon sakin," Bulong niya sa sarili niya.

Agad naman siyang nakasakay at mabuti na lang ay agad din umalis ang Bus.

Nagbayad na siya at tsaka bumaba, Tumakbo na siya papasok sa Campus at hinahanap ang room nila.

Shit nakalimutan ko kung anong room number.

Nag vibrate naman ang cellphone niya at naka receive siya ng message galing kay Sejun.

Paulo
Room 308, Mrs. Kim and Mr. Jung ang nasa loob. Bilis dre

Agad naman siyang umakyat sa 2nd Floor at hinahanap ang room. Nang mahanap na niya ay nakahinga na siya ng maluwag at pumasok sa loob.

Buti na lang ay hindi pa siya late. Mahilig lang talaga magpakaba si Sejun dahil ayaw niyang pinaghihintay siya. Bugnutin.

"Dre sino na ba nag pepresent?," Tanong ni Ken na hinihingal pa.

"Grupo ni Stell," Sagot ni Sejun habang nag cecellphone.

Tumango lamang si Ken at umayos ng upo. Maya maya pa ay tinawag na sila ng isang prof.

"Nase and Suson next,"

Nag taas ng kamay ang dalawa.

"Dre kinakabahan ako ikaw na bahala sakin ah," Kabadong sabi ni Ken.

"Bobo wala din akong alam dito, kung babagsak ka babagsak din ako hindi kita iiwan dre," Nakangiting sabi ni Sejun.

"Gago," Nagtawanan silang dalawa.

Natigil sa pagtawa si Ken ng biglang lumabas ang dalawa sa kwarto, si Justin at Stell.

"Uy Sej!," Tawag ni Stell.

Lagot, yari na.

"Hi Ken!," Bati ni Justin.

Ken's face heated. Hinihiling niya na sana lamunin na lang siya ng lupa ngayon. Hindi siya prepared sa ganto.

"Hello," Sabi ni Ken.

Natawa naman si Justin, "Kabadong kabado ah? Namumula pa,"

Lalo lang namula ang mukha ni Ken. Buti na lang ay tinawag na sila para mag simula.

"Goodluck!," sabay na sabi ni Justin at Stell.

~

Matapos ang presentation ay nakahinga naman ng maluwag si Ken.

"Dre di ko alam kung anong mga sinasabi ko kanina may sense ba?," Tanong ni Ken.

"Tanga ang galing mo!," Hinampas naman ni Sejun si Ken. "Di ko nga alam kung anong structure structure yon, hanggang type at printing lang talaga skills ko," Nagtawanan naman silang dalawa.

Biglang naalala ni Ken ang note na ididikit niya ngayon sa locker ni Justin.

"Dre una na ako may pupuntahan pa ako eh," Paalam ni Ken. Tinapik lamang ni Sejun ang balikat ni Ken at nagpasalamat.

Bumaba si Ken sa ground floor para pumunta ng locker room,

"Hmmm De dios, Justin ayun!," Napangiti pa siya ng makita niya.

Tinignan niya muna ang paligid bago idikit ang note sa locker. Little did he know nakita ni Justin ang ginawa niya.

"Uuwi na ako Stell!," Sigaw ni Justin.

"Hindi ka ba hihintayin ni Santos?," Tanong ni Stell.

"Hindi ko alam wala naman siyang sinabi, hindi nga ako naalala, hindi nag text," Nakasimangot na sabi ko.

Paano niya nga ba talaga ako maalala kung lagi niya naman ako nakakalimutan? Kung sasabihan ko naman siya laging excuse niya nakatulog or ang daming ginagawa kahit wala naman talaga.

Alam ko din naman na may posibilidad na ginagamit niya lang ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko siya maiwan?

"Bakit kasi hindi mo pa iwan?," Tanong ni Stell habang nilalagay ang gamit sa bag.

"Mahal ko eh," yun lang ang  nasagot ko.

Pagkatapos kong mag paalam kay coach ay agad na akong lumabas ng court at pumunta na sa parking.

Nang bubuksan ko na ang kotse ay doon ko naalala na nasa locker pala ang susi ko. Napamura pa ako dahil pagod na ako maglakad at gusto ko na lang matulog.

Naglalakad na ako papuntang locker room nang bigla ako may nakitang pamilyar na tao na nakatayo sa "locker ko yan ah?," 

Tatanungin na dapat ni Justin ang lalake ng bigla niya itong nakilala.

"Ken?!,"

locker notes | kentinWhere stories live. Discover now