Hindi to kwento, isa tong liham para sa taong iniwan ko para sa sarili kong kaligayahan. Oo, ang sama ko. Pero kung alam nyo yung sitwasyon ko, alam ko maiintindihan nyo din ako.
Para sa lalaking ginawa ang lahat, wag lang akong makitang malungkot.
Sana magkaron ka ng time na basahin 'to. Ilang minuto lang naman hinihindi ko
sa oras mo, alam kong napakalaking bagay yun lalo na ngayong sino ba naman
ako para humingi ng pabor sa'yo. Gusto ko sanang humingi ng kapatawaran sa
lahat, sa mga pagkukulang ko. Sa mga atraso ko sayo, sa mga pagkakamali ko.
Sa lahat-lahat.
Pangalawang gabi palang 'to na walang goodnight, walang goodmorning,
walang text, walang tawag, walang away, walang sumbatan, walang
lambingan, walang sisihan sa ating nangyayari. Kasi wala na tayo. Naiiyak na ako,
bigla nalang pumasok sa isip ko lahat. Alam ko mahirap 'to. Etong naging desisyon ko, sana wag mo ako sisihin kung bakit ganito yung naging desisyon ko. Hndi ko sinasabing ikaw yung may pagkukulang, kasi ako? Mas marami, mas malaki. Sa part ko, bilang isang Girlfriend, hndi ko nagawa. Sorry. Hndi ko naipakita yung dapat na kung ano ako sayo. Hanggang dun lang yung kaya ko eh. Hndi ko alam kung ano pa mga dapat kong sabihin sa'yo, sorry ha? Abala pa, okay lang kahit wag mo na ituloy, konsensya mo yun. Hndi joke lang, maiintindhan naman kita. Kung magagalit ka sa 'kin, kung magtatampo ka, kung kinakamuhian mo ako, maiintindihan kita.
"Thank you Cjay!" Sa lahat, ah ah. Ayoko kasi ng umiiyak e, may pasok pa bukas
kaya di ko maderetso e. Sorry ha? Hanggang ngayon maarte parin ako,
hanggang ngayon hindi paiba-iba parin mga desisyon ko. Salamat ha? Kasi the
best ka eh! Boyfriend na Bestfriend, Boyfriend na Brother, Boyfriend na Father,
Boyfriend na Yaya, Boyfriend na Teacher, Boyfriend na Tutor, Boyfriend na Lolo. Sayo
ko lang naramdaman yung pagibig na 'to, yung walang kapantay. Yung walang
katulad, yung walang kagaya. Kasi isa ka lang, ikaw lang.
Ang hirap talaga. Hndi ko alam kung paano ako mabubuhay pagkagising ko,
wala akong mababasa na long sweet text message, yung wala ng
magpapaalala sa akin na kumaen na ako, yung uminom ako ng gmot kpag
masama pkrmdam ko, Yung pinagcheecheer ako kapag natae ako. Hndi ko alam
kung paano ako makakatulog na walang goodnight text na mahaba. Hndi ko
alam kung paano ako mabubusog, kung dala ko, dinadamdam ko yung sakit.
Hndi ko alam kung anong gagawin ko, kapag dumating yung time na
makakasalubong kita. Hndi ko alam kung iiwas ako, dahil nahihiya ako sayo. Kung
iiwas ako kasi hndi ko kaya na mkita ka, lalo na't hndi tayo magpapansinan. Hndi
ko kaya, pero wala na akong magagawa. Andito na tayo, ganito na tayo, kaya
kakayanin ko. Kakayanin natin pareho. Cjay, wag ka magisip ng kahit ano na
alam mong masasaktan ka, lalo na wag mo isipin na mayroong akong iba kaya
naging ganito yung desisyon ko. Stay Positive! Wag negative ha? Alam ko
magiging okay din ang lahat, hindi tayo pababayaan ni God. Magaral ka ng
mabuti ha? Magpakabait ka? Sana, wag mo akong kalimutan. Na kahit
papaano naman, napasaya kita.
Cjay, ang tagal. Ang tagal natin, kung ikukumpara sa iba. Talagang iba, pero hndi
na naman kaylangang ipagkumpara kasi alam natin, alam ntin sa srili ntin, tayong
dalawa. Mas malakas tayo, mas pinakita ntin na lumaban tayo. Sobra, sobra na
yung mga problemang dumating sa atin. Pero nanatili tayong matatag. Eto lang,
wala tayong problema. May mga bagay lang talaga siguro na hindi ko
maipaliwanag, kaya naging ganito ang epekto. Hayaan mo, lilipas din 'to.
Magpapakabait ka ha? Wag mo din kakalimutan na madaming nagaalala sa'yo.
Dade mo, Mame mo, Mga Ate mo, Si Mother, Si Inay, Mga pinsan mo, Mga
kaybigan mo, at syempre Ako.
Hindi ko alam kung anong ginagawa mo ngayon, hindi ko alam kung nasan ka,
hindi ko alam kung sinong mga kasama mo. Ngayong mga oras na 'to gusto
kong malaman mo na "Mahal na mahal na mahal na mahal kita." At alam mo
yan, nandito kalang ohhh <3 nandyan ka lang. Hndi ka mawawala dyan. Tandaan
mo yan.
Cjay, ang sakit no? Yung pinagsamahan natin ng mahigit isang taon at tatlong
buwan, nawala. Naglaho, nagpaalam. Yung mga pangarap natin, diba?
Napako. Ah basta, kakayanin natin 'to. Malay natin, hindi ngayon. Sa tamang
panahon. Wag mong sayangin yung mga oras na 'to, mga pagkakataon para
maging maayos yung buhay mo, yung pagkatao mo. Wag ka mawalan ng pag-
asa. Unang-una mong isipin ngayon, na sa tuwing nasasaktan ka, nasasaktan din
ako. Maging masaya ka, nandiyan ang mga barkada mo, pamilya mo, ako, at
higit sa lahat ang Diyos. Mas gugustuhin mo bang mag-alala ako? Diba hindi. Part
ng buhay natin 'to, na mangyayari 'to. Alam kong mahirap, pero kailangan. Please
be strong. Alam kong magiging masaya ka. Ibalik mo ang pride na nawala sa'yo
dahil sa 'kin. Tingnan mo, ang haggard mo na. Magpulbo ka nga. Para lagi kang
pogi. Time will come, na kung tayo talaga, panahon na ang gagawa ng paraan.
Memories, wag mong idedelete, yung photos natin ha? Let it remain, dahil sa
lahat ng pinagdaanan natin, lahat yun ay totoo at may pagmamahal. Alam ko
may darating, hindi lang sa akin kundi pati sa'yo. Oo meron yan, yung mas
maibibigay yung higit na pagmamahal kesa sa binigay ko.
Kapag handa kanang kausapin ako, nandito lang ako. Mahal na mahal kita.
Magingat ka palagi ha? Asahan mo, nandito lang ako. Hndi ako lalayo.
