Paalam na

2.5K 3 1
                                    

Hindi to kwento, isa tong liham para sa taong iniwan ko para sa sarili kong kaligayahan. Oo, ang sama ko. Pero kung alam nyo yung sitwasyon ko, alam ko maiintindihan nyo din ako.

Para sa lalaking ginawa ang lahat, wag lang akong makitang malungkot.

Sana magkaron ka ng time na basahin 'to. Ilang minuto lang naman hinihindi ko 

sa oras mo, alam kong napakalaking bagay yun lalo na ngayong sino ba naman 

ako para humingi ng pabor sa'yo. Gusto ko sanang humingi ng kapatawaran sa 

lahat, sa mga pagkukulang ko. Sa mga atraso ko sayo, sa mga pagkakamali ko. 

Sa lahat-lahat.

Pangalawang gabi palang 'to na walang goodnight, walang goodmorning, 

walang text, walang tawag, walang away, walang sumbatan, walang 

lambingan, walang sisihan sa ating nangyayari. Kasi wala na tayo. Naiiyak na ako, 

bigla nalang pumasok sa isip ko lahat. Alam ko mahirap 'to. Etong naging  desisyon ko, sana wag mo ako sisihin kung bakit ganito yung naging desisyon ko.  Hndi ko sinasabing ikaw yung may pagkukulang, kasi ako? Mas marami, mas  malaki. Sa part ko, bilang isang Girlfriend, hndi ko nagawa. Sorry. Hndi ko  naipakita yung dapat na kung ano ako sayo. Hanggang dun lang yung kaya ko eh. Hndi ko alam kung ano pa mga dapat kong sabihin sa'yo, sorry ha? Abala pa,  okay lang kahit wag mo na ituloy, konsensya mo yun. Hndi joke lang, maiintindhan  naman kita. Kung magagalit ka sa 'kin, kung magtatampo ka, kung  kinakamuhian mo ako, maiintindihan kita.

"Thank you Cjay!" Sa lahat, ah ah. Ayoko kasi ng umiiyak e, may pasok pa bukas 

kaya di ko maderetso e. Sorry ha? Hanggang ngayon maarte parin ako, 

hanggang ngayon hindi paiba-iba parin mga desisyon ko. Salamat ha? Kasi the 

best ka eh! Boyfriend na Bestfriend, Boyfriend na Brother, Boyfriend na Father, 

Boyfriend na Yaya, Boyfriend na Teacher, Boyfriend na Tutor, Boyfriend na Lolo. Sayo 

ko lang naramdaman yung pagibig na 'to, yung walang kapantay. Yung walang 

katulad, yung walang kagaya. Kasi isa ka lang, ikaw lang. 

Ang hirap talaga. Hndi ko alam kung paano ako mabubuhay pagkagising ko, 

wala akong mababasa na long sweet text message, yung wala ng 

magpapaalala sa akin na kumaen na ako, yung uminom ako ng gmot kpag 

masama pkrmdam ko, Yung pinagcheecheer ako kapag natae ako. Hndi ko alam 

kung paano ako makakatulog na walang goodnight text na mahaba. Hndi ko 

alam kung paano ako mabubusog, kung dala ko, dinadamdam ko yung sakit.

Hndi ko alam kung anong gagawin ko, kapag dumating yung time na 

makakasalubong kita. Hndi ko alam kung iiwas ako, dahil nahihiya ako sayo. Kung 

iiwas ako kasi hndi ko kaya na mkita ka, lalo na't hndi tayo magpapansinan. Hndi 

ko kaya, pero wala na akong magagawa. Andito na tayo, ganito na tayo, kaya 

kakayanin ko. Kakayanin natin pareho. Cjay, wag ka magisip ng kahit ano na 

alam mong masasaktan ka, lalo na wag mo isipin na mayroong akong iba kaya 

naging ganito yung desisyon ko. Stay Positive! Wag negative ha? Alam ko 

magiging okay din ang lahat, hindi tayo pababayaan ni God. Magaral ka ng 

mabuti ha? Magpakabait ka? Sana, wag mo akong kalimutan. Na kahit 

papaano naman, napasaya kita.

Cjay, ang tagal. Ang tagal natin, kung ikukumpara sa iba. Talagang iba, pero hndi 

na naman kaylangang ipagkumpara kasi alam natin, alam ntin sa srili ntin, tayong 

dalawa. Mas malakas tayo, mas pinakita ntin na lumaban tayo. Sobra, sobra na 

yung mga problemang dumating sa atin. Pero nanatili tayong matatag. Eto lang, 

wala tayong problema. May mga bagay lang talaga siguro na hindi ko 

maipaliwanag, kaya naging ganito ang epekto. Hayaan mo, lilipas din 'to. 

Magpapakabait ka ha? Wag mo din kakalimutan na madaming nagaalala sa'yo. 

Dade mo, Mame mo, Mga Ate mo, Si Mother, Si Inay, Mga pinsan mo, Mga 

kaybigan mo, at syempre Ako.

Hindi ko alam kung anong ginagawa mo ngayon, hindi ko alam kung nasan ka, 

hindi ko alam kung sinong mga kasama mo. Ngayong mga oras na 'to gusto 

kong malaman mo na "Mahal na mahal na mahal na mahal kita." At alam mo 

yan, nandito kalang ohhh <3 nandyan ka lang. Hndi ka mawawala dyan. Tandaan 

mo yan.

Cjay, ang sakit no? Yung pinagsamahan natin ng mahigit isang taon at tatlong 

buwan, nawala. Naglaho, nagpaalam. Yung mga pangarap natin, diba? 

Napako. Ah basta, kakayanin natin 'to. Malay natin, hindi ngayon. Sa tamang 

panahon. Wag mong sayangin yung mga oras na 'to, mga pagkakataon para 

maging maayos yung buhay mo, yung pagkatao mo. Wag ka mawalan ng pag-

asa. Unang-una mong isipin ngayon, na sa tuwing nasasaktan ka, nasasaktan din 

ako. Maging masaya ka, nandiyan ang mga barkada mo, pamilya mo, ako, at 

higit sa lahat ang Diyos. Mas gugustuhin mo bang mag-alala ako? Diba hindi. Part 

ng buhay natin 'to, na mangyayari 'to. Alam kong mahirap, pero kailangan. Please 

be strong. Alam kong magiging masaya ka. Ibalik mo ang pride na nawala sa'yo 

dahil sa 'kin. Tingnan mo, ang haggard mo na. Magpulbo ka nga. Para lagi kang 

pogi. Time will come, na kung tayo talaga, panahon na ang gagawa ng paraan. 

Memories, wag mong idedelete, yung photos natin ha? Let it remain, dahil sa 

lahat ng pinagdaanan natin, lahat yun ay totoo at may pagmamahal. Alam ko 

may darating, hindi lang sa akin kundi pati sa'yo. Oo meron yan, yung mas 

maibibigay yung higit na pagmamahal kesa sa binigay ko.

Kapag handa kanang kausapin ako, nandito lang ako. Mahal na mahal kita. 

Magingat ka palagi ha? Asahan mo, nandito lang ako. Hndi ako lalayo. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paalam naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon