CHAPTER ONE

177 2 2
                                    


"We're back." Walang kagana ganang anunsyo ni Keith sa kanyang kapatid.
Kinuyom ni Kreissa ang kanyang kamay at huminga ng malalim.
Tahimik itong tumayo at kinuha ang kanyang maleta.

"I'll carry it for you. Sige na mauna ka na bumaba." Hinayaan nalang niyang bitbitin ito at dumiretso na palabas ng eroplano.

*****

"Where are we heading?" tanong ni Kreissa sa kuya niya.

"Sa mansyon tayo sa Batangas tutuloy hanggang hindi pa ayos yung condo mo." tahimik na nakatingin ang dalaga sa bintana ng kotse habang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan.

Tahimik ang lahat sa loob ng kotse nang biglang nag play ang isang kanta....

Now Playing: My Valentine

If there were no words, no way to speak
I would still hear you
If there were no tears, no way to feel inside
I've still feel for you
And even if the sun refused to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart until the end of time
You're all I need my love, my valentine
All of my life
I have been waiting for all you give to me
You've opened my eyes
And shown me how to love unselfish---

"Manong paki tigil ho yung kanta."
Ayaw na ayaw niya makarinig ng kahit anong bagay na tungkol sa pag-ibig dahil naaalala niya lahat ng masamang bagay na pilit niyang binabaon sa limot.

Tinitigan ni Keith ang kanyang kapatid at napansin ito ni Kreissa kaya naman napatitig din siya dito.

"You wanna say something? Come on spill it." malamig na sabi ni Kreissa.

"Kreissa, starting tomorrow papasok ka na sa Clarkton University."

"What?! Kakarating lang natin ng bansa papasok na agad ako? Hindi ba pwedeng magpahinga muna..." Reklamo nito sakanyang kuya.

"Everything's settled. Papasok ka bukas ng 7:00 am at wala kang magagawa dahil ako ang maghahatid sayo at dun nadin ako papasok."
Gusto man magprotesta ni Kreissa ngunit wala na siyang nagawa at sumunod nalang sa sinabi ni Keith.

Bumaba na sila at pumasok sa loob ng mansyon.

Tumigil sa paglalakad ang dalaga at yinakap ang kanyang kuya.

"Kuya, I can't promise you na magiging okay na ang lahat." yinakap din ni Keith ng mas mahigpit ang kapatid.

"Don't worry. I will protect you my little sister." sabay pisil nito sa pisngi ni Kreissa.

"Aray! Masakit yun ha!" nakangusong saad nito. Gagantihan sana niya ang kapatid subalit nakita niya ang pag bago ng ekspresyon sa mukha nito. Biglang sumeryoso ang binata at malalim na napabuntong hininga.

"Hindi ko na papayagang maulit ulit ang nangyari sayo noon. I will make sure na pagbabayaran niya lahat ng ginawa niya sayo at  hinding hindi siya makakalapit sayo dahil kung gawin niya yun sisiguraduhin kong hindi na siya sisikatan ng araw!" Naninigas baggang na saad sakanya. Pinilit niya hawakan ang kamay ng kapatid na nakakuyom para pakalmahin ito.

"Relax kuya, nagbago nako. Hindi nako yung dating mahina. Kaya ko na ang sarili ko. Kung sakali man makita ko ulit siya, sisiguraduhin ko naman na sa oras na makita niya ko ay pagsisisihan niya lahat ng nagawa niya noon."
Tipid na nginitian siya ng binata. Proud ito dahil mas lumakas na ang loob ng kanyang kapatid. Hinalikan niya ang noo ng dalaga at nagpaalam upang makapag pahinga.

Dumiretso na si Kreissa sa kwarto niya at ginawa lahat ang kanyang seremonyas. Pagkatapos mag shower humiga na agad siya at dahil pagod sa byahe mabilis na itong nakatulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taming Two Cold HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon