thank you..

69 1 1
                                    

"Andito na ako pearl" nakangiting bati ko sa kanya

"May dala nga pala akong cake at mga bulaklak para sayo, diba paborito mo tong chocolate cake? Happy birthday!"

Nilapag ko na ang cake at bulaklak na dala ko, at nagsindi ng kandila sa may gilid ng puntod ng aking mahal, na si Pearl.

"Kala mo nakalimutan ko no. Posible bang makalimutan ko ang espesyal na araw ng pinakamamahal ko?" napangiti ako

"Sorry ah, malayo kasi to sa bahay eh. Kaya ngayon lang ako."

Ngayong araw ang ika 17th birthday ni Pearl. Halos apat na buwan na din pala nung namatay si Pearl.

Sinidihan ko na ang kandila sa cake at kinantahan siya

"Happy birthday to you.. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday, happy birthday to you" sabay ng pagpatak ng luha sa mata ko.

"Apat na buwan na pala" bulong ko

Apat na buwan na pero parang kahapon lang. , parang kahapon lang nung una tayong nagkita, masungit, mataray, snabera, yan si Pearl Alcantara kaya nga nachallenge akong ligawan ka, na challenge akong mahalin ang babaeng hindi ko akalaing magiging buhay ko.

Naaalala ko pa nga noong sinagot mo ako, ako na siguro ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo.

"Pearl kamusta na?" tanong ko sa kanya na para bang sasagutin nya ko

"haha! Siraulo ko no? Nag tatanung pa ako alam ko namang 'di mo ko masasagot" siguro pag may nakakita sa akin dito iisipin nila nababaliw na ako kasi tumatawa ako habang umiiyak.

"kung tatanungin mo ako kung okay ba 'ko? Hindi ako okay. Alam mo bang miss na miss na kita? Ako ba namimiss mo?" basag na ang boses ko at halos wala na akong makita dahil sa luha habang nakatingin sa puntod mo.

               Pearl F. Alcantara
     January 11, 1998- October 7, 2014

Tiningnan ko ang aking relo, 3 pm na iilan ilan nalang ang tao dito sa sementeryo, mga papaalis narin dahil malapit ng mag dilim

"Alam mo ang daya mo." patuloy ko ulit sa pagsasalita

"Diba nangako ka sa akin na  lalaban ka. May plano pa nga tayo nung Christmas at New year pero dumaan ang pasko't bagong taon wala ka na."

"Next year 18 kana. Sobrang excited mo nga habang ikinikwento mo ang gusto mong mangyari sa debut mo. Sabi mo pa nga ako ang escort mo at ako ang last dance mo."

"Pinipilit mo pa nga akong pakantahin sa debut mo. Sabi mo kantahin ko ang theme song natin kahit 'di naman maganda ang boses ko."

"Gusto mo kantahan kita ngayon?" nakangiti kong tanong sa kanya habang tuloy sa pag agos ng luha sa aking mga mata.

Itong awiting ito
Ay alay sa iyo
Sintonado man tong
Mga pangako sa iyo
Ang gusto ko lamang
Kasama kang tumanda

"thank you sayo pearl dahil binigyang ilaw mo ang aking madilim na buhay, thank you sa pag luto mo sa akin kapag may sakit ako, kahit di masarap yung luto mo dahil ikaw ang gumawa kina kain ko pa rin"

Patatawanin kita
Pag di ka masaya
Bubuhatin kita
Pagnirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

"di man kita mapatawa ngayon alam kong masaya ka para sa akin dahil ga graduate na ako this year, hindi man kita mabuhat pag nirayuma ka, pinapangako ko na kasama ka sa aking pag tanda, dahil andito ka sa aking puso habang buhay."

Sasamahan kahit kailanman
Humigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa 3 thousand one

"kahit di tayo naka abot ng three thousand one, nag papasalamat ako sa panginoon, sa onting panahon  na nakasama kita, kahit may awayan kung sino mag uurong nauuwi parin sa habulan at sabay nating uurungan ang ating mga pinag kainan"

Mag mukha mang bruha
Pag gising sa umaga
Pupunasan ko pa
Ang muta mo sa mata
O kay sarap isiping
Kasama kang tumanda

" mahirap mang tanggapin na wala ka na ngayon, pero mas nahihirapan ako nung nakikita kitang nahihirapan sa ospital,

Ayaw kitang nahihirapan pearl, kung pwede nga lang na ako nalang yungn nawala eh. Na hihirapan ako sa sitwasyon natin ngayon, wala ka na, pano kong i pag papatuloy ang buhay ko? Pero huling sabi mo sa akin nung araw na namatay ka 'ituloy mo ang buhay mo, ayaw kitang umiyak, masaktan dahil mahal kita, humanap ka ng babaeng karapat dapat sayo, maging masaya ka sana blake, sana kalimutan mo na ako i love you and thank you'

Kaya ito kahit nahihirapan ako pinag papatuloy ko ang buhay ko dahil sayo, sabi mo sana kalimutan kita, alam mo pearl pinilit kitang kalimutan ng halos apat na buwan na yon, pero di ko kaya, hanggang mamatay na din ako ikaw lang ang mamahalin ko, pearl Alcantara, Thank you.

-------------

Okkkk this is my first story sana magustuhan nyooo love y'all xx

-lulumaanuelll

Thank you..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon