Chapter 14

8.1K 293 30
                                    

Chapter 14

Kash's POV

Hindi ako mapakali dahil kasama ko ngayon itong babaeng nagngangalang Pamela sa loob ng unit ko. Nakaupo siya habang pinagmamasdan ang buong tinitirhan ko.

"Uhm, gusto mo ba ng maiinom?" Tanong ko sakanya. Ano bang ginagawa mo Kash? Inaalok mo pa sya ngayon ng inumin, for pete's sake.. fiance sya ni Kylan.

Tumingin sya sakin tsaka ngumiti, "hindi na! Hinihintay ko lang naman si Ky tsaka nakakaabala pa ko sayo." Tumawa sya.

"Err.. okay." Tugon ko rito, somehow this feels awkward,

"Lagi kang kinu-kwento sakin ni Ky, kaya curious din ako kung anong itsura mo." Sabi niya't napatingin ako sakanya. 

"G-Ganun ba. Sorry.. wala kasing nabanggit si Kylan tungkol sayo. Nasorpresa talaga ako nung sinabi mong fiance ka nya." Sabay pilit na tawa ko. OO nasorpresa talaga ako ng sobra-sobra at gusto ko nang sumalangit sa mga oras na 'to. 

Tsk. Ngayon hindi ko na alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga nangyayari, and here I thought may meaning yung mga kilos ni Kylan pagdating sakin. Nagkamali ba ko? Kash.. Masanay kana, you're always wrong when it comes to him.

"Okay lang ano ka ba!" Sabay tawa nya. "Anong oras ba umuuwi si Kylan? Ganito ba talaga sya katagal pag umuuwi? Hindi pa rin talaga nagbabago yung lalaking 'yun, baka mamaya nambababae sya ng hindi ko alam, papatayin ko talaga sya!" 

"Ah hehe.." iyon lang ang nasabi ko. I'm surprised na umaakto sya ng ganito sa harapan ko kahit kakakilala palang namin, I suppose madali syang maging komportable sa isang tao. Magkaiba kami ng sitwasyon during this time.. hindi ko alam kung ano bang ipapakita kong galaw sa babaeng ito. Kakausapin ko ba sya o makikinig nalang sa mga sinasabi niya? Argh.

"Magkaibigan na kayo simula pagkabata hindi ba Kash?" tanong niya't napabalikwas ako tsaka tumango. 

"Anong itsura ni Kylan nung bata pa sya? Ganun din ba sya katulad ngayon?" tanong nito at natahimik ako ng ilang segundo..

"Ibang-iba sya.." mahinang tugon ko, "gustong gusto ko yung pag-uugali niya nung bata pa kami. Siya yung tipong pag may nambully sayo ay ipagtatanggol ka nya, hindi pa rin nawawala yung pagiging mapag-alaga niya ngayon pero may mga bagay na hindi ko kayang matiis pagdating sakanya.. masamang tao na sya ngayon." Naalimpungatan ako sa mga pinagsasasabi ko, "ah! Um. sorry kung ano-anong pinagsasasabi ko." 

Tumawa naman ang babaeng kinakausap ko ngayon, "talaga? Sana pala nakilala ko yung batang siya. Iba kasi sya sa mga nakwento mo, pero nag-a-agree ako sa pagiging masama niyang tao! Ang sarap niyang ipakulam hindi ba?" Nabigla naman ako sa sinabi niya. Akala ko kanina ay magagalit sya dahil sinabi kong masamang tao si Kylan but for some reason.. she agreed with me.

Tumango ako, "maya-maya nandito na si Kylan, nag-overtime kasi sya ngayon sa trabaho." Sabi ko't ngumiti siya. Hindi ko rin alam kung bakit ko kinakausap ang babaeng ito in this way.. hindi ko matanggal ang tingin ko sakanya.. she's gorgeous. Kanina ko pa sya tinititigan.. agh! Why do I feel this way!? I can't compare myself to her. 

30 minutes later ay naghihintay pa rin si Pamela rito sa unit ko. Nag-uusap kami tungkol sa kung ano-ano. Nalaman ko na 24 years old na siya't naging sila ni Kylan noong 19 years old palang siya, doon ko napagtanto na iyon ay noong saktong nawala nalang si Kylan ng biglaan sa paningin ng lahat. Walang nakakaalam kung nasaan siya, maging ako. So all this time, he's with this girl. 

I sighed, why now? Walang binanggit si Kylan sa akin na may dinidate siya, may girlfriend or my fiance. Kung meron man, bakit pa niya ako papakiusapan na dito tumira kung pwede naman sa place ng babaeng ito? There seems to be something suspicious going around here.. Nagsisinungaling ba ang babaeng to na fiance sya ni Kylan?

Pounding Heart [VOL. 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon