Sa loob ng dalawampung taon ay nanirahan si Megumi sa mundo ng mga mortal kasama ang kaniyang ina.
Pinilit niyang itago ang buong pagkatao upang hindi mahusgahan ng mga normal na tao, pinili niyang itago ang kakayahan upang hindi magkaroon ng gulo.
Ngunit isang lalaki mula sa nakaraan ang bumalik upang sunduin siya at dalhin sa mundo kung saan siya nabibilang, kung saan siya ang inaasahan na tatapos ng gulo sa pagitan ng dalawang panig.
Sa pagtapak niya sa mundo ng mga bampira ay nag-iba ang lahat. Ang telang tumatakip sa kaniyang magandang mukha ay nawala, nagkaroon siya ng mga kaibigan na matagal na niyang hinahangad.
Ngunit sadyang magulo at mapaglaro ang tadhana, sa dami nga naman ng lalaki sa mundo ay bakit sa kalaban pa siya nahulog?
Pinilit niyang tanggihan ang tinitibok ng puso, pinilit niyang ipaalala sa sarili na kalaban ito, pinilit niyang pigilan ang nararamdaman pero hindi niya maloloko ang sarili.
Sa paglabas ng mga katotohanan, sa pagtuklas ng mga misteryong nakatago sa nakaraan, sa pag-aagawan sa pinakamalakas na baraha, dadalhin sila ng propesiya sa malaking digmaan na magtatapos sa alitan.
-COMPLETED-
[TAGALOG-ENGLISH]
BINABASA MO ANG
Best Fantasy Stories
FantasyFairy tales are more than true: not because they tell us that dragons exist, but because they tell us that dragons can be beaten. - Neil Gaiman