*tukturaok*
"Denise gumising ka na jan.!"
“Denise”
“DENISE!”
“OPO!OPO! Gigising na po” anu ba yan, ang aga aga pa oh.
“Oh Shuta! Alas 8 na pala”. Dali dali akong tumakbo sa banyo.
“Ma naman, bakit hindi niyo ako ginising ng mas maaga.” Tuwalya, sabon, shampoo. Anu pa ba?
“Tigil-tigilan mo ako jan Denise Robin Cena. Panlimang gising ko na yan sayo. Anong oras ba dapat nasa Day Care ka na?”
“Alas 9 po.” Malalate na ako. Papagalitan nanaman ako nito ni Ma’am Cherry.
“Alas 9 pala tapos matutulog ka anong oras na, magpapagising ka pa sa akin. Ang hirap hirap mo pa namang gisingin, sa lahat ng mamanahin mo sa tatay mo ay yang pagiging tulog mantika pa talaga.”
“Mmmmmhhaakdjhfaiuewyfg kajhdislf”
“Ano? Hindi kita maintindihan.”
“Ang sabi ko po, Si Lex po kasi ang kulit. Ayaw pa po akong pauwiin kagabi kasi daw po walang maghahatid sa akin”
“Saan ba kayong dalawa galing at bakit walang maghahatid sayo?”
“Sa burol po, tapos pumunta po kami ng mansion kasi daw tinatawag daw siya ni Don Sebastian. Ay Ma siya nga pala nakuha niyo na po ba yung pinapapabigay ni Don Sebastian?”
“Oo eto na. Yun lang pala, Bakit alas 11 ka na nakauwi?”
“E kasi po nang pumunta po kami ng mansion, nakita po ako ni Donya Angela kaya ayun pinakain ako ng pinakain. Tapos nakipag kwentuhan sa akin. Hindi daw muna ako umuwi kasi daw kakakain ko pa naman pa lang daw tapos andiyan naman daw po si Lex para ihatid ako.”
“Ano naman ang pinag-usapan niyo ni Donya Angela?”
“Wala, tungkol kay Lex. Kung inaalagaan daw ba niya ako? Kung ginugutom? Kung palaging inaaway?. Natatawa nga po ako eh.”
“Bakit naman?”
“Eh kasi po nakita ko po si Lex tumatago sa may pinto at sumisilip habang nakikinig, tapos hiyang hiya siya. Oh siya Ma, una na po ako.”
“Hindi ka man lang ba mag-aalmusal?”
“Di na po.”
*KISS*
“Sige po Ma. BYE!” Papagalitan nanaman ako nito ni Ma’am Cherry.
Ay sorry di pa pala ako nakakapagpakilala ng maayos.
Ako si Denise Robin Cena, 17 years old. Papunta ako ngayon sa Day Care. Nagkukwento kasi ako dun sa mga bata. Ang kausap ko kanina ay si Mama Bella. Hindi ko siya tunay na ina. Matalik siyang kaibigan ng yumao kong nanay. Ang aking nanay ay namatay sa panganganak at ang tatay ko naman ay namatay sa edad na 24 dahil sa isang aksidente noong 1 taong gulang palang ako. Si Mama Bella na ang kumupkop sa akin. Wala siyang anak kaya tinuturing niya ako bilang tunay niyang anak. Kahit ganito ang nangyari sa buhay ko, hindi ko sinisisi ang Diyos dahil sapat na sa akin ang binigay niyang buhay, and besides maraming nagmamahal sa akin, at nangunguna na dun si Steve Alexander Nicolas, ang aking best friend at boyfriend. Grabe baka sabihin niyong malandi ako. Hindi naman po, nagkataon lang na nagkagustuhan kami, nanligaw siya, sinagot ko at walang tumutol. Sila ang pinakamayaman dito sa lugar namin. Sa kanila nagtatrabaho si Mama Bella, sa mansion nila, bilang katulong. Bata palang kami magkaibigan na kami ni Lex. Kilalang kilala na ako ni Don Sebastian at Donya Angela at ganundin naman si Mama kay Lex kaya botong boto sila sa relasyon naming dalawa. Ang mga magulang din pala ni Lex ang nagpapaaral sa akin. Noong una ayaw kong tanggapin kasi nakakahiya naman pero pinagpilitan pa rin nila kaya humiling ako ng kapalit at ang naisip ni Donya Angela ay ang magbabasa ako ng isang istorya sa mga bata sa Day Care tuwing Sabado. Tinanggap ko na dahil gusto ko rin naman sa mga bata at mahilig din naman akong magbasa, tsaka alam ko namang mahihirapan si Mama sa pagpaparal sa akin sa high school, kaya eto ako ngayon tumatakbo papuntang Day Care dahil late na at sigurado akong magtatampo nanaman sa akin ang mga bata.