"Mom, ano po ba yang ginagawa niyo?" nakita ko kasi siyang ini-impake ang mga gamit ko. Parang alam ko na kung ano ang mangyayari kesyo gusto kong marinig ito mula talaga kay mommy.
"Oh, dear anak. I haven't told you pa ba?" Umiling ako. "Alam mo naman na ang sakit mo diba? Ma hassle pa kung andito kalang sa bahay, mas mabuti pa kung sa hospital ka para may mag babantay sayo at di na ka na mahihirapan pa. Makabubuti din sayo ito." Tumango nalang ako like parang may magagawa pa ba ako diba. I just helped her pack my things nalang.
"Mommy, is ate leaving us here? WherWhere is she going? Why are you packing her things?" I faced the door as soon as I heard the cute voice of my little brother. I can see sadness in his eyes and tears flowing through his chubby cheeks.
"No baby, ate will just go to a vacation. I'll go back soon. I'll see you pa naman." I can't help myself not to cry. Another lie. I averted my gaze somewhere else. I can't handle seeing my brother smiling after he heard that I'm going to a vacation. He bought my reason.
"Promise me you will go back to us ha. Bring me some pasalubongs, Ate. Promise?" sabay taas ng pinky finger kaya I made a promise sealed with our thumbs.
"Promise"
Napabuntong hininga nalang ako ng makita na ang building na pagsisimulan ng aking mga paghihirap. This is it. Ito na nga. Wala ng bawian to. Hospital pa nga.
"Mom, Dad, So, u-hm, this is it. I think its time na para malayo ako sainyo. Independent naba ako nito?" napatawa ako ng mahina ng sabihin ko iyon.
"Yeah, I guess so anak. We will visit you naman sometimes. So don't worry. Behave ka ha? Wag mo naman pahirapan ang mag babantay sayo."
"Yes, ok po. Goodbye po. Pasok nako." I kissed their cheeks before entering the hospital.
As I entered the hospital as expected naman na amoy gamot at kung ano ano pa. The whole hospital is painted white and the tiles is also color white. Wala naman sigurong hospital na kulay pula ang sahig diba? Nakita ko naman agad ang nurse na mag babantay saakin for my whole stay in this freaking hospital.
"Hi good morning. Jersel, right? I'm your ate Chin, personal nurse mo." Sabay lahad ng kamay kaya nakipag kamay na din ako.
"Uhm, yes po. Hershey Jersel po. Nice to meet you po, Nurse Chin." She gave me her sweetest smile. And I think di naman siguro grabeng pahirap ang madadanas ko sa hospital na to. I hope na may maging friend ako dito kahit isa lang. Ayaw ko naman na forever alone lang ako no.
"Ate Chin nalang"
Sumakay na kami sa elevator and pinindot niya ang floor ng room ko. 5th floor pala naka assign ang room ko. Wala pang tatlong minuto nagulat nalang ako na nakaharap na pala kami ni ate Chin sa isang kwarto and sa palagay ko kwarto ko na iyon. Tinignan ko ang room number. Room 170. Pag pasok palang, na amaze na ako sa design ng kwarto, clean and organized. I wonder sino kaya ang nag design ng kwarto na to. Siguro naman pina designan naman nina Mommy.
"5th floor pala ang floor ng mga pasenyete gaya mo, Jer. Mga naka tira na dito." Ate Chin said. Kaya pala wala akong nakitang mga bantay sa mga patients. Gaya ng mga na admit or gaya sa emergency room.
"Akin na pala mga gamit mo, liligpitin ko. Pahinga ka muna jan, baka pagod kapa sa byahe. Lagay ko lang to sa cabinet mo."
I didn't sleep kasi may plano ako na mag libot libot mamaya sa floor para naman familiar na ako kahit na antok na ako. Mag papaalam na sana ako kay ate Chin na lalabas lang ako saglit nang may kumatok sa pintuan. Binuksan naman ito ni ate Chin at bumungad saakin ang 4 na halata mong patients na kasi naka damit pang patient na and hula ko mga same age lang kami nito. May dala silang isang box ng cupcakes tas may candle din. Isang girl na mukhang normal naman pero I wonder ano sakit nito. Tas may lalaking naka wheelchair. And may twins! Oo may twinsss!! Puro babae.
"Welcome to the group Jersel!Neighborhood na tayo! I'm so happy!" Sabi ng isa sa kambal. Siniko naman siya ng kambal niya at sinabihan na mag pakilala daw muna.
"Oh. oops. Sorry. I'm just exited kasi may bago nanamang neighbor. Btw, I'm Faith, She's Grace." Sabay turo sa kambal niya. "She's sheena. And he's Elvin, the boy in the wheelchair and the one and only thorn among the roses." sabay tawa. Anong nakakatawa?
"Hi! I'm Hershey Jersel. Nice to meet you all."
"Hala! masarap ka Jersel no?" tanong ni Faith. Anong masarap? baka. siguro. anong masarap ba tinutukoy ng kambal nato. Siniko siya ni Grace na natatawa din.
"Ano?! Baka masarap si Jersel . Masarap pangalan eh."
"Ang korni mo, Faith!" Natatawang sambit ni Elvin.
"Tara na nga! Let's celebrate!"
Nakisali nalang ako sa kanilang kasiyahan kahit antok na antok na talaga ako. We ate the cupcakes they baked daw for me and we asked questions to each other, getting to know each other kumbaga.
Don ko nalang nalaman na si Elvin pala ay naaksidente kaya ayan naka wheelchair nalang, dito nalang siya nakatira kasi namatay daw parents niya nung pag aksidente nila so tita niya nalang ang natirang pamilya sakanya kaso ang tita niya ay nasa states di din naman daw maka uwi kasi may pamilya doon at doon ang trabaho ng tita niya kaya dito nalang sa nakatira. Sinu-sustain naman siya ng tita niya. Then kay sheena naman ay may sleeping disorder din gaya ko. Pero mag kaiba na sakit. Nalimutan ko ano tawag. Sa kambal naman ay yung sa bone basta about bone marrow yun eh. Kulang daw. Ewan. Di ko medyo narinig pagkasabi nila kasi sobrang antok na talaga ako.
"So ikaw Jersel, What's your disease ba?" I heard Sheena asked me before everything went black.