Mapapansin Kaya ?

228 7 6
                                    

- Eya's Point Of View -
Ano ba 'yan ? Lagi ko na lang sya tinitingnan sa malayuan. Kaylan kaya nya ako mapapansin?

Kaylan ko kaya sya makaka usap? Haay. Sana kahit sandali tingnan mo rin ako Drei.

Ako nga pala si Aleah, pero eya ang tawag sakin ng mga kaibigan ko. Nandito kami sa Basketball Court sa school kasama ang aking mga kaibigan. Pinapanuod namin mag laro ng basketball ang mga varsity dito sa school.

Pero ako , isa lang talaga ang pinapanuod kong mag laro.. si Drei.First Crush ko sya.

4 years ko na syang crush pero ngi-isang tingin wala akong natatanggap galing sakanya :(

4 years ko na syang tinitingnan sa malayuan. Haay. Minsan na iisip ko na lang 'sumuko na lang kaya ako? Tanggapin ko na lang na hindi nya ako mapapansin.'

Oonga naman? Marami pa namang iba jan.

Atchaka..hindi lang dapat sakanya umiikot ang mundo ko!

Sapat na ang 4 years na pag hihintay.

Oras na siguro para huminto na ako sa pag asa na mapapansin nya din ako.
" Oh Eya? San ka pupunta? Hindi mo ba tatapusin panuorin yung laro? " tanong sakin ni Sandra. Isa sya sa mga kaibigan ko.
" Ay. Hindi na siguro, nagmamadali kasi ako eh. May pupuntahan pa ako"
" Ah. Sige , ingat. "
Ang totoo nyan .. Wala talaga akong dapat puntahan. Nasasaktan lang talaga ako.

Baka kasi any time, may pumatak nalang na luha galing sa mga mata ko :'( ang sakit pala noh?

Ang sakit na hindi mapansin at hindi mapapansin kahit kaylan ng taong gusto mo.
" Araaaay !! " ang sakit!!
" Ay sorry, miss! "
" * PRRRRRT * "
Natamaan ako ng bola.

Grabe ,ang sakit! Naalog ata utak ko.
" DREI ?!?! " Hala. Hala! Matutuwa ba ako? O malulungkot?

Si Drei yung naka tama sakin ng bola? Mamatay na ata ako sa kilig. Pero.. kaylangan kong mag move on.. move on? Eh?

Wala naman nangyari diba? Hahahaha , nababaliw na nama ak--

" Hey ? Are you okay? " naputol ang pag i-imahinasyon ko ng nakita kong nasa harapan ko na si Drei , ang nakaka kilig pa .. ang lapit ng mukha namin sa isa't - isa!!
" E-eh? U-uhm.. oo! Ayos lang ako! " Nauutal - utal pa ako.

Sino ba namang hindi ma u-utal pag kaharap at kausap mo ang iyong crush?

Eto na ba? Eto na ba yung pinapangarap ko?

Ayos na sakin na nagkausap kami. Kahit sandali :) Ayos na sakin ang mapansin nya ako kahit muntikan na akong maaksidente - Ay nako! Ano bang sinasabi ko?

Ang hilig ko talagang mag imahinasyon >3<

" Dadalhin ko po sya sa clinic, coach. "
" O sige , tutal ikaw ang naka tama sakanya ng bola . Bilisan mo kaylangan maka abot ka sa 4th quarter , ipapasok kita sa laro . " rinig ko pa yung pinag uusapan nila ni Drei at ng coach nila .
" Uhm .. dadalhin na kita sa Clinic. "
" A-ah ? E-eeeeh! Wag na. Kaya ko na . Salamat. " ano ba 'yan. Nauutal na naman ako.
" Hahahaha , sigurado kang kaya mo ?? " bago pa ako maka react binuhat nya ako ng kadalasan buhat na ginagawa ng bagong kasal.
" AYIIIIIIIIIEEEEEE !! " Hala ! Kinikilig ako >3< Kasi naman yung mga estudyante dito sa cover court eh . Nanunukso !
" A-ano ba ? Kaya k-kong maglakad :) "
" Hindi na . Ako na , kaya naman kitang buhatin eh . Malakas kaya ako ! " Oo ang lakas mo Drei.

Mapapansin Kaya? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon