part 8 true love kiss #desire

3 0 0
                                    

Jan pov

Masayang - masaya akong isipin na kami na ng babaeng pinakamamahal ko, kaya naisipan ko sa gabi na ako papasok para makasama si yanna ngayon , nandito kami sa store niya , mabuti naman wala ng customer masosolo ko na rin siya, kanina kasi sunud-sunod ung customer.

Pasimple akong Lumapit kay yanna, at niyakap ko siya habang nakatalikod , mukhang di naman siya tumutol, kaya hinalikan ko ang leeg niya.

Jan- tawag ni yanna Sakin na parang nahihiya.

What?

Baka may makakita sa atin

Ano naman, maiinggit sila basta ako masaya ako na girlfriend ko na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa - nakangiti kong sabi sa kanya habang nakapatong ang muka ko sa balikat niya , at Natawa lamang siya at humarap sakin, kaya naman magkalapit na ang mukha namin.

Lakas mo mambola ah - tinaasan ako ng kilay ni yanna , kaya ninakawan ko siya ng mabilis kiss

Hoy jan - sigaw ni yanna Sakin na halatang nagulat, hahampasin niya sana ako kaso mabilis ako tumakbo, tinatawanan ko lamang siya.

Kyle pov

Hindi ko alam kung huli na ba ang lahat pagkatapos ng nakikita ko ngayon, masaya na siya guguluhin ko paba?

-------

Dude what happen to you napaparami ka na ng inom - suway ni Andrew Sakin na halatang Nag-aalala.

Enshoyin nalang atin ang buhay dude ano kaba naman, bakit shila lang ba may karapatan mamamashing masaya?

Sino ba kasing babae yan huh at mukhang baliw na baliw kana?

Siya ung babae mahal ko

Oo na mahal mo na, sino ba UN ah, sobrang ganda ba UN para maglasing ka ng ganyan.

Oo naman sobrang ganja niya, pero ung kasama niya kanina Panget, hahahahaha , sige dude alis na ako.

Saan ka na naman pupunta, hindi ka pwede magdrive

Uuwi na papasok na ako bukas.

Hays sige hatid na kita, pero bago yun, halika magkape muna tayo baka sakaling mahimasmasan ka, may alam ako convenient store na 24hrs

Syege i wantt coffee hehe..

Yanna pov

Dahil hindi ako makatulog, naisip ko lumabas ng bahay at maglakad-lakad, sa totoo lang ang hirap matulog dahil may isang taong di mawala sa isip ko.. bakit ko ba siya iniisip,,, ?

Si jan si jan ang mahal ko, siya ang boyfriend ko, tama si jan ang dapat kung isipin..

Wait ang kotseng yan kay Kyle, si Kyle yan.. Siyanga..

Yanna - masayang bati sakin ni kyle,

Kyle san ka pupunta- inis na sigaw ng lalakeng kasama ni kyle, mukhang familiar Sakin ang lalakeng yun, tama yun ang lalakeng kasama niya sa restaurant, dali - dali ito lumabas ng kotse para sundan si kyle pero nabilis ako nahila ni kyle, at sabay kaming tumakbo.

Nandto kami ngayon ni kyle sa madilim na parte na parang likod ng building, ewan ko ba dito bat niya tinataguan ang kaibgan niya, at tawa lamang ito ng tawa, at mukang nakainom ito.

Jan ano ba ginagawa natin dito bat mo tinatakbuhan ung kaibigan mo.

Tumingin lamang Sakin si kyle habang nakangiti , at nilabas niya ang kanyang cellphone at binuksan ang flashlight nito.

True Love KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon