Sabi ng matatanda, masyado ka pa raw bata kapag magmahal ka ng highschool.
Siguro, tama sila.
Pero anong wastong ba edad ba dapat para magmahal?
May basehan?
Siguro ang iba meron. Tingin ko nakadepende naman iyon sa isang tao.
Ako kasi, highschool ako ng makilala ko ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko ng napakabilis kapag nakikita ko siya.
Cliché? Alam ko.
Pero kapag dumating na talaga ang pag-ibig, hindi mo na maiisip na ang kadramahan mo sa iyong buhay. Yung mapapa-MMK ka nalang.
Anyway, that's how love works.
Ako si Katty, 14 years old nung nagsimula ang lovestory namin ni Christopher – ang unang lalaki na napaibig at sinaktan ang puso ko.
Akala ko napakadali lang magmahal. Yung iniisip mo lang ang magiging pagsasama niyo araw-araw, paano pasayahin ang isa't-isa, ano ang magiging future niyo, pero... hindi pala ganun 'yun.
Kung sa isipan ko ang dali dali lang gawin ang gusto, kapag nasa totoong sitwasyon ka na pala hindi mo na maiisip yun.
Kagaya sa una kong pag-ibig. Akala ko, magagawa ko na mapasaya siya araw-araw sa piling. Pero puro nalang pala ako akala. Hanggang sa nagising nalang ako na pati sarili ko sinasaktan ko na dahil sa labis na pagmamahal ko sa kanya.
Ngunit, pagmamahal nga ba itong nararamdaman ko?
"Love is patient and kind; love is not envious or boastful or arrogant or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful; it does not rejoice in wrongdoing, but rejoices in the truth. It bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. " (1 Cor. 13:4-8a)
BINABASA MO ANG
Candy Hearts
Teen FictionIsang ordinaryong lovestory ng dalawang tao na nagsimulang nagmahalan sa highschool. Ngunit ano nga ba ang mga problemang kakaharapin nila sa kanilang relasyon? ********* Si Katty ay mahilig sa mala-fairytale lovestory. Kahit hindi lahat ng relasyon...