Love doesn't make the world go 'round. Love is what makes the ride worthwhile.
-Franklin P. Jones
***********
Maaga ang mga estudyante ngayon, palibhasa kasi first day of school. Marami akong nakikitang nagkalat na mga estudyante kung saan-saan. May grupo na nag-uusap, nagtatawanan, at nagyayakapan dahil siguro matagal-tagal bago nagkita ulit. Iba – ibang pagbati ang nasaksihan ko sa bawat nakakasalubong ko na mga kapwa ko mag-aaral.
"Katty," lumingon naman ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Napansin ko ang isang balingkitang babae na hangang leeg lang ang haba ng kanyang buhok.
Ngumiti ako sa kanya pabalik.
"Hi Ronna. Kumusta ang bakasyon?" pagbati ko ng nakalapit na ako sa kanya.
Naging kaklase ko na siya simula nung elementarya pa kami kaya medyo close kami.
"Nah, as usual, sa bahay na naman ako nag-stay. Ang boring nga ng buong bakasyon ko, gawaing bahay lang naman ang pinagkaabalahan ko." Kwento niya habang nakasimangot sa pagbanggit sa huli niyang salita.
Nagkwentuhan pa kami ng kaunti bago namin na desisyonan na pumunta sa magiging classroom namin.
Habang naglalakad kami, naramdaman ko na nalang na parang may kulang. Isa-isa kong chineck ang gamit sa backpack ko. Baka nakalimutan ko ang ballpen ko! Nakakahiya pa naman yun lalo na't first day of school.
"Oh, anong ginagawa mo? Tara na baka maubusan na niyan tayo ng mauupuan."
"Teka lang, pakiramdam ko kasi may nalimutan akong dalhin." Iniisip ko parin kung anong kulang.
"EYEGLASSES!" Sabay naming sagot.
Sabay naman kaming natawa.
Kaya naman pala parang may mali dahil nakalimutan kong isuot yun. Ginagamit ko lang kasi yun kapag nandito ako sa school.
Nagpaalam na muna ako na uuwi dahil kukunin ko lang yung eyeglasses ko. Malapit lang naman ang bahay naming, nasa harap nga lang ng gate eh.
Matapos ko makuha ang kailangan ko sa bahay ay bumalik na ako sa paaralan.
Isang public school lang pala ako nag-aaral dahil ito ang pinakalapit na paaralan dito sa aming baryo.
Malapit na ako sa magiging classroom ko at natatanaw ko na si Ronna na naghihintay sa akin kung saan ko siya iniwan kanina. Napansin ko naman sa di kalayuan na parang may pinagkakaguluhan ang mga estudyante, malapit lamang sa magiging classroom naming.
"Ano bang nangyayari doon?" tinuro ko kay Ronna ang ibig kong sabihin.
"Naku, alam mo ba. May bagong transferee dito ngayon at ang gwapo raw." Tugon niya na parang nakakain ng cloud nine habang nagsasalita.
Nag d-daydreaming ba siya?
Napakunot ang noo ko. Yun lang gwapo? Sorry ha, pero di talaga big deal sa akin kung gwapo ang isang lalaki. Ni minsan nga wala naman akong pakialam sa kanila.
"At take note, magiging kaklase pa natin siya aaaaahhh." Parang nag fa-fangirling lang siya sa inaakto niya.
Kaya naman ng nasa tapat na kami ng building naming ay naiwan na ako. Sumama na siya doon sa mga babaeng nagkakagulo sa isang transferee. Pansin ko din na halos lahat ng kaklase ko ay nadoon rin, pati mga lalaki!
Tsk. Nababakla na ba sila sa kagwapuhan ng lalaki?
Syempre, joke lang! Baka nakikipagkaibigan lang naman sila diba?
At dahil wala naman akong kainteres interes sa pinagagawa ng nasa kapaligiran ko, pumasok na ako sa loob. Naghanap ako ng maganda pwesto ng mauupunan. Pinili ko ang pinakagilid sa ikalawang linya at tsaka nagbasa nalang ako ng libro. Hindi ako pwede sa pinakadulo dahil I'm pretty sure hindi rin naman ako papayagan ng guro namin. Medyo malabo ang mata ko kaya nga ako nagsusuot ng eyeglasses.
May naririnig pa akong usap-usapan tungkol sa lalaking nasa labas pero pilit kong itinuon ang atensyon ko sa pagbabasa. Maya-maya pa ay dumating na ang aming guro. Nasa loob na rin pala ang mga kaklase ko. Kung hindi pa ako kinabit ni Ronna na nakaupo sa gilid ko ay hindi ko mapapansin. Hindi ko lang siguro narinig ang bell dahil naenjoy ko sobra ang binabasa ko.
Nagsalita na si Mr. Oliar sa harapan at ipinaliwanag ang mga gusto niya, rules sa klase, at kung ano-ano pa. Pagkatapos ay pinagawa na naman sa amin ang 'introduce yourself' na hindi talaga yata mawawala kapag unang pasukan.
Isa-isa naman nagpakilala ang lahat.
"Hello everyone, Katlina Maurie Centillas. Its nice meeting all of you." Maikling pakilala ko. Hindi naman kasi ito ang unang beses na naging kaklase ko sila dahil halos sa kanila ay elementarya palang ay magkaklase na kami.
Maliban nalang sa bago namin na kaklase ngayon.
Nagpatuloy lang pagpapakilala isa-isa. Hanggang sa narinig ko ang isang pangalan nakakuha ng buo kong atensyon.
"I am John Christopher Castro. I'm new here but I do hope you will be good to me. Nice meeting you."
Siya?
Ang transferee, siya... nagbalik siya.
Sa mga oras yun, alam ko na hindi magiging matiwasay ang buhay ko dito sa buong taon.
BINABASA MO ANG
Candy Hearts
Genç KurguIsang ordinaryong lovestory ng dalawang tao na nagsimulang nagmahalan sa highschool. Ngunit ano nga ba ang mga problemang kakaharapin nila sa kanilang relasyon? ********* Si Katty ay mahilig sa mala-fairytale lovestory. Kahit hindi lahat ng relasyon...