Narito ako sa gate ng school at hinihintay si Felony. Sabi niya kasi hintayin ko siya dito at may sasabihin sakin yung lokong yun."MOIRAAAAA...." sigaw ni Felony sakin na hingal na hingal.
Tumakbo kasi ito di 'ko alam bakit tumakbo ito papunta sakin.
"Ohh anyari sayo Felo bat parang pagod na pagod ka?Bakit ka kasi tumakbo pa ang lapit-lapit na nga tas tatakbo ka pa." sambit ko rito.
Hinila niya ako ng hinila hanggang sa makapasok kami sa loob. May sasabihin daw ito kaya nagkakaganyan siya. May nalaman na naman siguro itong chismis kaya nag kakaganyan.
Pagkapasok namin ng room. Bawat studyante naghahanap ng magandang upuan at hindi sira-sira. Ayaw kasi nila ng sira kala mo naman bago sila.
"Moi kalat na kalat si Matteo sa loob ng school buti na lang hindi siya na guidance,kung nagkataon yun kawawa crush mo." ani sakin ni Felo na ikinabigla ko.
" Crush ko? " sambit ko rito.
" Oo crush mo, diba crush mo si Matteo?" pagtatanong niya pa sa akin.
Binatukan ko siya dahil ang lakas ng pagkasabi ni Felo na crush ko si Matt.Si Matteo na sa kabilang row lang ng upuan at dalawang upuan ang pagitan nito sakin.
"Pinagsasabi mo Felo saan mo naman yan nabalitaan" pagpapanggap ko pa rito.
Ayaw ko kasi na may gawing masama itong si Felo sakin kaya nag iingat ako.
"Sayo,sayo ko nalaman na crush mo yun"at itinuro pa si Matt na nanahimik sa upuan.
Agad kong inalis ang kamay na nakaturo kay Matt. Ayaw kong isipin niya na siya yung pinag chismisan namin.Marahas itong si Felo sa pagturo kahit may nakatingin pa.
" Hayssstt, bakit mo naman tinuro para 'tong timang na ewan. Oo na crush ko na yung tao bakit may masama ka bang gagawin ulit? Subukan mo talaga Felo di kita papansinin." pagbabanta ko pa sa kaniya.
Alam kong may gagawin ito kaya inuunahan ko na siya. Baka kong anong kalokohan na naman ang gagawin niya. Kaya ingat na ingat talaga ako magsabi sa kaniya ng nga bagat na 'yan.
Nag simula ng mag rap este mag lesson si Maam medyo strikto ito sa science.Siy a lang naman 'yung unang guro na magtuturo sa amin. Kaya nanahimik lahat ng studyante maging si Matt ay tutok na tutok sa paglelesson. Lahat ng mga pinagsasabi ni maam na mahalaga ay inililista niya.
Ganon na ba talaga si Matt tutok na tutok. Kahit na may nakatabi siyang babae na kasing kapal ng kaldero ang pag mamake-up.
"Mas maganda ata ako kay Chloe." pagbubulong ko sa sarili ko.
" Miss Wensclet. " pagsasalita ni maam ng ikinapukaw ng utak ko.
"Yes Maam." Ikli kung sagot rito.
" Give the common uses of acetone, and formalin. " pagtatanong nito sa akin.
Ang mga tinatawag ni maam ay ang mga hindi nakikinig sa lesson. Kaya tinawag ako ni maam huuhuhu.
"Ahh maam ano po kasi oum..." pagsasagot ko rito ng nakagat labi.
Kinakabahan ako kaya nirerelax ko ng sarili ko gamit ang pagkagat labi.
" Saan ka ba nakatingin Miss. Wensclet kay Matt ba? Crush mo ba iyan Wensclet? pagtatanong ni maam.
Na ikinagulo ng loob ng room puro tili lang ang nasa room na maririnig maging si Felony ay tumitili rin. Pero nanatiling tahimik si Matt.
Naka pout lang ako at namumula isa itong kahihiyan para sa akin.
" Hindi Maam. " pagpapalusot ko pa rito ng nagsalita itong si Felony.
"Ma'am ang totoo po yan Maam-" ani ni Felony.
Agad kong tinakpan yung bunganga niya para hindi matuloy ang sasabihin niya.
"Maam my answe is:
Acetone and formalin are examples of simple carbonyl containing compounds which have common uses." pagsasagot ko pa ng nakataas ang kilay." Good Miss Wensclet " ani sakin ni Maam.
Pagkatapos kung sagutin ang pinasasagutan ni ma'am pasimpleng sumilip ako gamit ang libro na natatakpan ng mukha KO at tumingin sa mukha ni Matt.
"Sh*t, ang gwapo niya pa din kahit nagsusulat."
"Uyy babae tama na yang pasilip-silip mo sa mukha ng crush mo magsulat ka na at mamaya ay ipapakita 'tong mga sulat natin Kay ma'am. Pasalamat ka at di ko natuloy sasabihin ko kung hindi wala ka ng maiihaharap na mukha Kay Matt." sambit ni Felo sa akin.
Kahit kailan bitter talaga 'tong kaibigan kung ito buti na lang may nagta-tagal sa kaniyang relasyon.
"Hiyang-hiya na ako tapos magkukuda ka pa, sarap ipakain 'tong ballpen sayo piste ka! " panggigil ko sa kaniya.
Akmang itutusok ko na 'yung ball pen sa pisnge niya dahil sa gigil na gigil ako ng biglang humarap si Matt at tiningnan ako. Kaya ginawa ko kunwari may dumi at hinawis ko hung buhok niya, ayokong isipin ni Matt na masama akong kaibigan.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang aming pag lelesson.
Lumabas ako ng room ng naka simangot at hindi ko tinitingnan ang mga classmates ko. Galit rin ng tingin itong si Chloe at ang mga alipores niya dahil siguro kanina kaya ito nagkakaganyan.
Si Chloe na may pagtingin rin kay Matt ngunit kahit anong gawing pagpapansin ni Chloe kay Matt ay hindi ito pinapansin.
"Naksss akin ka lang Matt ha." CHAROTT HA-HA-HA-HA.
Naglalakad ako papuntang locker para kunin ang naiwang libro at notebook na may assignment. Ayoko na namang ma zero sa assignment kaya kinuha ko na ng biglang makasalubong ko itong sina Chloe at ang mga alipores. Galing ata ito sa Cr kaya makapal na naman ang face nila.
" Hey bitch girl!!! " sigaw ni Chloe sakin.
Imbes na harapin sila naglakad na lang ako na para bang walang narinig.Agad na hinila ako ng mga alipores ni Chloe. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil sa pagkakahawak nila sakin.
" Malandi ka!!! " ani sakin ni Chloe na may halong sampal.
Hindi ko mapigilang umaray dahil sa sakit na pagkakasampal sa'kin ni Chloe. Hindi rin ako makaganti dahil hinahawakan ako ng mga alipores niya.
" Once na makawala ako sa pagkakahawak ng mga pokpok na'to lagot ka saking babaeta ka. " ani ko sa sarili.
Wala man lang ibang dumadaan na mga students kaya walang nakakakita samin. Namimilipit na rin ako sa sakit dahil sa pagkakahawak at pananampal ng mga alipores ni Chloe.
YOU ARE READING
THE NIGHT HAS COME
Детектив / ТриллерHELLO PO!!! Supportahan niyo po ako sa First Story ko. Ito po ay kathang isip lamang kaya sana po ay masupportahan niyo. Hope you like it my first story everyone!!!