Edited at 06/05/21
TW:SELF HARM, DEATH.
ADRIELLE'S POV (POINT OF VIEW)
Ako si Adrielle Ramos, I'm eighteen and pretty!. Isa akong pabigat sa bahay, sana kayo rin. I'm currently grade 12, last year ko na rin to kaya medyo ginagalingan ko. Tatlo kaming mag kakapatid, ako ang bunso. Ang palayaw ko sa karamihan rito ay "Ganda", lalo na sa palengke hehe. Hindi naman ako nag papauto sa kanila. Akala naman nila bibili ako, wala naman akong pera.
"Rielle, paki abot naman ng basket sa ate mo" utos ni mama. Since wala akong magawa kung hindi sumunod, kinuha ko nalamang ang basket. Nasa park kami ngayon ng subdivision namin. Tapos na ang pag picnic namin kaya kailangan na naming mag ligpit.
Habang tinatanaw ko ang ate ko mula sa malayo naramdaman kong may sumusunod sa'kin. Siyempre ay ma fefeel mo iyon. Binilisan ko nalang mag lakad.
"Shuta sino 'to." Bulong ko ng hindi parin tinitignan ang nasa likod. Nang tumigil ako ay napa tigil rin siya. Roon na ang chance ko kung sino iyon.
"Puking ina!." Sabi ko noong nakita ko ang aso. Wala ma akong pakialam sa mga damo na natatapakan ko ngayon. Mabilis akong tumakbo para mapuntahan ko ang ate ko at para sagipin niya ako.
"Rielle!." Sigaw ni ate noong nakita niya ako. Gusto ko mag mura habang tumatakbo, pero mas pinili ko nalang tumakbo ng mabilis kaysa gawin iyong naisip ko. Nang tinignan ko ang nasa likod ko ay tumatakbo parin siya.
"Fucking shit!" Mura ko noong naramdaman kong mas palapit ito sa'kin. Nang umabot na ako sa ate ko ay mabilis ako ng tumakbo sa likuran niya at nag tago roon. Buti nalang walang laman na ang basket namin kaya walang natapon.
"Adrielle!." Tawag nito sa pangalan ko bilang babala noong ginamit ko siyang pang harang sa sarili ko.
"Kunin mo na kapatid ko, 'wag ako." Sabi ko sa aso. Alam ko namang hindi niya ako maiintindihan, inaasar ko lang si ate.
"Shoo!." Taboy ni ate sa aso. "Ate!." Sabi ko noong lumapit ito sa'min. Tang inis! Hindi ko na alam gagawin ko. Nang umusog si ate pa kaliwa ay sumunod din ang katawan ko. Pati ang aso ay sumunod rin.
"Isa, dalawa." Nag taka ako noong biglang nag bilang si ate. Wala naman kaming pinag uusapan na mag bibilang. Naistatwa ako sa kinaroroonan ko noong biglang tumakbo si ate at iniwan ako. Ang aso naman ay lumapit pa sa'kin.
"Adrielle!." Tawag ni ate noong naka layo ito. Hindi ko mawari kung natatawa ba siya o concern. "Ate!" Hingi kong pag saklolo habang umaatras. Sa hindi inaasahang pang yayari ay natapilok ako noong natamaan ko ang puno. At roon sa pag bagsak ko ay dinilaan na ako ng aso.
"Ahh, tulong!." Sigaw ko at pilit na nilalayo ang aso. Takot ako sa aso, halata naman diba.
"Pochi, come here buddy!."
Nang narinig iyon ng aso ay nilubayan na niya ako. Ka-agad akong nag punas ng mukha. Ew!!. Sa pag tayo ko ay nakita kong dinidilaan ng aso ang kamay ng lalaki. It looks like he's feeding him. So dinidilaan niya ako kanina, paano kung kinain na ako ng buhay nung aso niya!.
BINABASA MO ANG
Tanging Hiling
Romance"One lie is enough to question all truths" Adrielle Marsielle Ramos is a charming eighteen-year-old ABM student who slowly fell for Jacob Miguel Hermios after the Pochi incident. Adrielle loved him from the first time she laid her eyes on him until...