to Jose Rodriguez, with Love by Larry Fisherman

0 0 0
                                    

" Pose! Yan! Ganda mo dyan! "

"Sige guys, break muna, start tayo ulet mga 9:30, pahinga muna kayo or kumain, Go!! "

" Hoy Au, ano na? Yung laptop nahanap na ba? Nakuuu! Magagalit yung kliyente natin, jusko! "

" Yun nga mare, di pa nahahanap, nireport ko na nga sa mga Pulis, wala pang update. Kinakabahan nga ako. Pektus abot ko kay ser nito."

Hep! Hep! Hep! Bago ang lahat ng itooo!

Hi, I am Aurehlia Marie Buenaventura, isa nga pala akong photographer sa isang sikat na kumpanya dito sa Pinas.6 years na'ko sa pagiging ganito. Baka magtanong kayo kun bakit ako ng photographer? Ang maisasagot ko lang is simple lang, kase mabilis ang pera. 'Di ko alam kung bakit pero, im very happy whenever I take photos of anything, so i choose to be a photographer. Since I started doing this I never thought that I will encouter the one who will take me and my heart to the other world dahil sa isang LAPTOP lamang.


CHAPTER 1 :

" Aurelhia, gising na! "

" Oh, ano Aurehlia Marie, hihintayin mo talaga akong umakyat dyan, hahambalusin talaga kita!! "

" OO NA MA! TATAYO NA! ETO NAMAN KE-AGA-AGA!!! "

" Maligo ka na habang maaga pa. parang tanga naman to, araw-araw kitang ginigising ng 6:30, ganyan ka parin hanggang ngayon! "

" Juskoo, Aurehlia! Susunod na ako maya-maya sa tatay mo, ganyan pa din ugali mo. "

" Si nanay, wag muna ngayon, soon ka na sumunod."

( Pinalo ng syanse )

" Araaaayy!! SI NANAY NAMAN, syempre joke lang, eto naman."

Ang Aurehliang nababasa nyo dito ay 18 years old na Aurehlia. Kami nalang ng nanay ko sa buhay, nagtutulungan. Si tatay, masyadong maaga umalis, dahil sa Cancer. Si tatay lang nakakalam lahat ng plano ko, pati sa plano 'kong maging photographer. Si nanay, gusto nya na maging nurse ako, sinunod ko si Nanay. Syempre, wala na si tatay, wala nakong kakampi. Nasa 1st Year college na'ko ng pagiging nurse. Mahirap, of course, pero kakayanin.

" Sige Nay, alis nako. "
( kiss )
" Sige Nak, mag-aral ng mabuti. "
" Sige Nay, labyuu, mag-ingat ka dyan! "

" MANONG TRYCICLEEEE!!!! "

Mag boyfriend ako ngayon, 'di alam nina Nanay hehe. Bawal pa kasi sabi ni Nanay, pero ako heto, go lang ng go!!

" AU!!!!!! "

Eto yung best friend 'kong saksakan ng ingay si Mariel, Maye for short. Sya nagtulak sa boyfriend ko ngayon na feeling ko anytime mag-bebreak 'din kami.

" Ano na Au, hinahanap ka na ni Josh, nagtatanong kung saan ka na daw? "

" Parang tanga naman to, ke aga-aga. Text mo andito tayo sa ground. "

Wala akong cellphone, kaya halos magwa-one year na kami ni Josh. 'Di kami naaabot ni Nanay eh. Si Maye lang nakakaalam sa relasyon namin. Kami lang tatlo. Pagnakita nyo kami, halos magtropa lang galawan namin. Kaya di halata.

Medyo mahangin si Josh, 'di katalinuhan, 'di din kagwapuhan, sakto lang kung sa iba. Ewan ko ba kung bakit ko 'to sinagot.

" Maye, pwede ba iwan mo muna kami ni Au, mag-uusap lang kami. "

Eto nanaman.

" Sige, Au, sa canteen lang ako, makikipagsabunutan. 'Di joke lang. "

" Hoy, Josh, best friend ko! Babaliin ko kasu-kasuan mo pag pinaiyak mo yan. "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

to Jose Rodriguez, with LoveWhere stories live. Discover now