Christine and Joyce

409 24 38
                                    

Paano ko ba mahahalintulad pa at ano pa ba ang masasabi ko tungkol ang isang babaeng pinakamamahal ko mula pa nung ako'y sampung taong gulang. MInahal ko siya sa paraan kung paano niya ako pagtawanan sa mga bagay na nagkakamali ako. Yung unique way niya kung paano niya ako tuksuin sa mga bagay-bagay at higit sa lahat yung sobrang iniiyakan niya yung mga walang kwentang movies sa late night show. Haay.

Siya ang aking best friend at nakilala ko siya simula pa nung bata pa kami. Alam niya ang halos lahat ng aking sekreto na kung saan nagpapakita ng aking nararamdaman para sakanya. Minahal ko siya hindi dahil lamang sa matalino siya at maganda kundi dahil sa kung paano niya tanggapin at tingnan ang lahat ng bagay sa buhay at ang kanyang paraan paano harapin ang buhay at pag-ibig.

Naalala ko pa nung una kaming nagkita. Limang taong gulang palang ako nun. Isang mahangin na tanghali at wala akong ibang makalaro kundi ang aking best friend na si Troy. Siya at ang kanyang pamilya ay lumipat sa lugar naming dahil sa trabaho ng kanyang ama na kung saan napromote ito. Umakyat ako sa aming tree house at nakita ko ang isang sasakyan papasok sa aming kalye. Kasunod nito ang isang pampamilyang sasakyan. HUminto ito sa harap mismo ng aming bahay at lumabas ang pamilya lulan nito. Iaalis ko n asana ang aking tingin ng may isang magandang batang babae nahagip ng aking tingin na sa buong buhay ko ngayon ko palang nakita.

Siya'y apat na taong gulang pero sa murang edad nito taglay na nito ang angking kagandahan. Kulot ang mga buhok nitong abot hanggang beywang. Hindi kaputiang balat at ang mga mata nito'y taglay ang isang gandang makakatunaw ng mga puso ng mga lalaking tititig dito. Pinagpatuloy ko ang pagmamasid sa kanya nang bigla itong tumingin sa derksyon ko at nakita nitong makatingin ako sakanya mula sa bintana ng tree house. Magtatago na sana ako nang bigla siya ngumiti at kumaway. Gumanti ako ng kaway at namangha nang bigla itong tumakbo papunta sa aking kinaruruunan. Kaya't pumunta akos a dulo ng hagdan at niyaya siyang umakyat.

"Gusto mo bang umakyat?" At sumagot ito "pwede ba?"

Tinulungan ko siyang umakyat at nung narating namin tuktok lumingon ito at nagsalita "Ako nga pala si Joyce, anong pangalan mo?"

Sumagot ako "Ako nga pala si Christine, pero pwede mo akong tawaging Chris". Ngumiti ito at nagsabing

"Gusto ko ang pangalan mo. Hey! Ang linis ng tree house mo."

"Salamat" sagot ko. "Ginawa namin to ni troy. Ito ang malimit na hide-out namin. Nakasanayan naming maglaro dito, magbasketball at magbiking. Siya ang bestfriend ko at namimiss ko na nga siya."

NGumiti ito at nagsalita "Nandito na ako. Pwede nating gawin yung mga ginagawa niyo ni troy noon at pwede mo narin akong maging bestfriend. Hindi pa ako nagkaroon ng bestfriend kaya na-e-excite nakong magkaroon. Pwede kong aralin ang maglaro ng bola at magbike para masamahan kitang magbike. Ano sa tingin mo?"

Ngumiti ako at nagsabing "Parang okay nga yang naiisip mo."

At yun nga hinawakan niya ang kamay niya at halatang galak na galak ito habang nagsalita " oKAY! Deal!"

Dun kami nag-umpisa. NAging matalik kaming magkaibigan at kahit na may mga bagay na nakakmangha kahit na pareho kaming babae pero magkaiba kami ng hilig. Siya ang unang babae na naging bestfriend ko. Dahil nung una palang alam kong mas malapit ako sa lalaki o sabihin na nating mas malakign part ng puso ko ang lalaki. May mga bagay na nag-aalangan nakong gawin tulad ng paghuli ng palaka, maligo sa ilog at pag-akyat sa mga puno pero ayun siya pinipilit na sabayan at gawin lahat ng gusto kong gawin para lang mapasaya ako. Nalala ko pa nung isang beses na nahulog ito sa besekleta dahil lamang sa gusto nitong maunahan ako sa karera naming dalawa at walang ibang gumamot sa nasugat nitong tuhod kundi ako lang din. May isang beses din na nabasag nito ang salamin na bintana ng kapitbahay nung sinubukan naming maglaro ng baseball at walang ibang kumasap kay Mrs. Santos kundi ako at nangakong babayaran ang nabasag na ibig sabihin wala akong magiging allowance sa buong linggo. Naalala ko rin yung isang beses na nahulog ako sa puno ng bayabas sa kagustuhang iligtas ang isang pusa na nasabit sa ibang sanga dahil sa kaiiyak ni Joyce nung nakita niya ang pusa sa sanga. Nasubukan ko naring makipag-away sa mga lalaking tumutukso sakanya at nagpapaiyak rito at sa huli umuuwi akong may black eye at pasa sa pisngi. Naalala ko ring umiiyak si Joyce na nilalagyan ng icebag ang pasa sa king mata at pisngi at pagkatapos hinalikan niya ito ng get-well kiss. Ginawa ko lahat para mapasaya ito at mapagbigyan ang simpleng hiling ng kanyang puso.

Sulat  - (Send my Love to Heaven) #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon