Prologue

2 0 0
                                    

"Hi. Pweding pasali?" nakangiting bati ng batang si Knight Mhearzle sa mga batang naglalaro ng habulan sa malawak na parang.
Yakap ang alaga nyang kuneho ay napawi ang mga ngiti nya ng mapansin na hindi intresado ang mga ito na makipaglaro sa kanya.

Isang bagay na hindi nya lubusang maintindihan.
Bakit ayaw nilang makipaglaro sa kanya? Napatingin siya sa damit ng mga ito at pagkuwan ay inilipat ang paningin sa sariling damit.

Kailangan ba na dapat ay madungis din sya para makipaglaro ang mga ito sa kanya?

"Mhearzle! Anong ginagawa mo?" mula sa paglalagay ng putik sa puting-puti nyang bestida ay lumipat ang atensyon nya sa tiyahin na tila namutla sa pagkabigla sa ginawa nya.

"I want to play with them po kasi tita kaso ayaw nila. Then naisip ko po na kapag madungis na rin ako katulad nila ay makikipaglaro na sila sakin" nakangusong paliwanag nya. Lalong namula ang labi at kutis nya kaya ang mga tao sa paligid na kahit ilag sa kaniya ay hindi napigilan ang mga sarili na mamangha sa kakaibang kagandahan na taglay ng bata.

"we'll play later na lang sa bahay okey?" nakangiting kinuha nito ang maliit nyang kamay at marahang inalis ang putik sa kamay nito gamit ang suot na damit.

"pero bakit po hindi pweding sila ang kalaro ko?" inosente niyang tanong habang ang mga mata ay nangungusap. Hindi naman iyon sinagot ng tiyahin kaya naman bigo nyang ibinaba ang paningin sa alaga na ngayon ay sumisiksik na sa paahan niya.

_____________________________________




"tinitingin mo dyan?" nakataas ang kilay na tanong sa kanya ng tiyahin na si Amanda. Naabutan kasi sya nito na pinapanood ito habang umiinom.
Sa tatlong kapatid ng ina nya ay ito lang ang tanging mainit ang loob sa kanya.

Hinigpitan nya ang pagkakayakap sa alaga bago tuluyang lumapit dito.

"tita, pwedi po ba akong magtanong?" bagaman kinakabahan ay puno ng pagsuyo iyong lumabas sa labi nya na lalong ikinainis ng tiyahin.

"nagtatanong ka na diba?" singhal nito sa kanya.
Si Amanda na simula bata palang ay sinanay upang maging isang 'prim and proper'. Ito ang prinsesa ng pamilya kaya naman lahat ng gusto ay nakukuha nito. Ngunit nagbago iyon ng ipinanganak si Knight Mhearzle.

Hindi na ito ang prinsesa. Hindi na ito ang palaging pinagbibigyan. At higit sa lahat hindi na ito ang pinakamaganda.
Naiinis ito sa kanya pero higit sa sarili nito dahil masyado itong immature.

"may nagawa po ba ako na masama sa inyo kaya po galit kayo sakin?" malungkot na tanong nya dito.

"sus! Wala!" naka-angil na tanggi nito ngunit bilang isang bata, agad nya itong pinaniwalaan.
Mas lumiwanag pa ang awra nya at gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi nya. Napaerap naman si Amanda. "saya mo eh 'no?" kimi, pilit at naaasar na puna nito sa pamangkin.
Agad namang nawala ang ngiti sa labi ng bata.

"tita, kilala mo po ba ang papa ko?" sa halip ay tanong nya dito.

Sa edad na lima ay iyon na ang gumugulo sa isipan nya. Kung sino nga ba ang ama nya at kung nasaan ito? Kung bakit nagagalit at pagkatapos ay nanginginig sa takot ang ina nya tuwing nagtatanong sya dito tungkol sa ama nya.

"oo, alam ko" sagot ng tita nya at agad syang nakaramdam ng excitement. Sa wakas, malalaman na nya kung sino ang ama nya.
Mas lalo siyang lumapit sa tiyahin at inilapit naman nito ang bibig sa tenga nya tsaka bumulong.  "ang papa mo demonyo, andoon sya sa impyerno" bulong nito sa kanya. Hindi pansin ang pagkasarkastiko.

"talaga po? Saan po ba ang impyerno tita? Gusto ko pong puntahan si Papa. Samahan nyo po ako" puno ng excitement ang boses nya. Hindi naiintindihan kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng 'demonyo' at 'impyerno'.
Laglag naman ang panga ni Amanda sa tinuran ng pamangkin.

Princess of the hidden kingdomWhere stories live. Discover now