Chapter 1

0 0 0
                                    


"kakaiba ang ganda"



"I love you KM!!!!"

Nakangiting kinawayan niya ang mga tagahanga kaya naman mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga ito.

Sa edad na 16, pinasok nya ang pagmomodelo ngunit sa dami ng kanyang taga-hanga ay daig pa nya ang isang sikat na teenstar.

"you're too famous for a part time model" puna ng kaibigan na si Gabriel na siyang nagsisilbing personal assistant nya tuwing may shot at ramp siya.
Gabriel is a gay. Anak ito ng katiwala nila at isa ito sa mga batang pinayagan ng ina nya na maging kaibigan nya. She have 10 of them pero habang lumalaki, si Gabriel lang ang natira.

"yeah, and it feels so weird" mahinang sagot nya dito na ikinailing ng kaibigan.

He understand her anyway. Buong buhay ni Mhearzle ay nasa loob lang sya ng mansyon nila sa probinsya. Lalabas lang kung isasama sya ng ina at ng tita nya. Nagkaroon nga sya ng kalaro pero ang mga ito ang pumupunta sa kanila at hindi rin lingid sa kaalam nya na binayaran ito ng ina nya.
Homeschool din sya at tuluyan lang na pinayagang harapin ang tunay na mundo ng humantong sya sa edad na dise-sais.

Ginawa nya ang mga bagay na gusto nyang gawin noon. Ang mamasyal sa mall, mag shooping, lumangoy sa beach at ang kumilala ng iba't ibang tao. Hindi iyon naging madali pero masaya sya.

And during her second month of so called freedom, she went to a beach in quezon. Doon nya nakilala ang isang babae; Nancy na naglalako ng sarili niyang gawa na perfume na talaga namang nagustuhan nya.

Lahat na yata ng mamahaling pabango na collection ng ina nya ay naamoy na nya ngunit kahit isa ay wala pa syang nagustuhan. Masyadong matamis at matapang para sa kanya ang amoy niyon.

She posted that perfume in her instagram story; which gain of thousand follower in first week of making it.
Maraming tao ang bumili at naging interesado sa pabangong iyon na ngayon ay sikat na sikat na lalo na sa mga artista.

Sya ang naging mukha ng pabango na naging dahilan para lumago pa ito. Co-owner din sya nito ngunit ipinaubaya nga kay Gabriel at Nancy ang pag-mamanage nito.

She focused in her studies at paminsan-minsan ring nagmomodel sa mga ramp.

"Hi Mhearzle, I am Aldo Flores. I really want to have you in my show. And ofcourse kung mamarapatin mo lang naman" she know this guy. Sikat itong host at kasalukuyang host ito ng isang sikat na talk show.

"Hi, nice to meet you po. Gusto ko rin po sanang paunlakan ang imbitasyon nyo pero hindi ko pa po kasi maiisingit sa schedule ko" sagot nya na agad namang ikinagulat ng kausap. Hindi mukhang filipino si Mhearzle kaya naman nakakagulat na matatas syang magsalita ng tagalog.

"sayang naman kung ganon" bakas sa mukha at boses nito ang panghihinayang. Marami rin kasi na gustong mainterview si Mhearzle lalo na at sikat na sikat ito. Marami rin ang curios sa buhay ng dalaga.

"sus! Talk show bakit di pa nila ginawang tsismis show? Nakikitsismis lang yang mga yan sa buhay ng may buhay eh" palatak ni Gabriel ng makaalis si Aldo Flores. Nagbigay din ito ng calling card.

"at ang maimbitahan sya ng isang Aldo Flores at pangangahulugan lang na sikat na sikat na talaga sya" sagot naman ng manager nya na si Mhobby na kanina pa tahimik sa tabi nila. She is actually her classmate na nagprisinta na maging manager nya kahit hindi naman kailangan dahil part time model lang naman sya. Hindi nga lang nya ito matanggihan dahil alam nya na na gusto lang nitong makakita ng mga sikat na artista at mga modelo.

Nakakapagtaka rin na kapag may ramp sya ay mga big time na mga modelo at minsan ay mga artista pa ang kasama nya.

"kakaiba kasi ang ganda" hiyaw ng kaibigan nya na ikina-irap nya.

Para bang iyon ang dahilan ng lahat, dahil maganda sya.

Hindi sya basta-basta pinapalabas ng ina nya dahil maganda sya.

Maraming humahanga at naiinggit sa kanya dahil maganda sya.

Sikat sya dahil maganda sya.

Modelo sya dahil maganda sya.

Maraming gustong maging kaibigan sya dahil maganda sya.

Na mahalaga sya dahil maganda sya. 

At maraming nagkakagusto at nagmamahal sa kanya dahil maganda sya.

Iyon ang dahilan, dahil maganda sya. Na minsan ay naiisip na na kung hindi ba sya maganda edi baliwala sya sa lahat? Kung hindi ba sya maganda edi hindi sya magiging mahalaga? Kung hindi ba sya maganda edi walang maraming magmamahal sa kanya?

"kahit kelan hindi patas ang dahilan na maganda ako kaya sikat ako. Feeling ko tuloy, ganda lang ang meron ako" sagot nya kaya nagkatinginan ang dalawa.

Yes, she's indeed beautiful. Yung ganda nya, para sa iba ganda lang at wala ng kasunod na pero.

"Other people may only see your beauty but us, your friends and family, beautiful or not we love you unconditionally" napangiti sya sa isinagot ng kaibigan. Yun naman ang importante para sa kanya.

"ahhhh. I love you too"

Ngayong araw ay meron syang photo shot para sa isang sikat na clothing line na ine-endorse nya. Kasama nya rin ang tatlong sikat na artista at dalawang pares ng sikat na love team. At ang alam nya ay ipapakilala na rin sa kanila ang pinaka-bagong mukha ng Jasz.

"oh gosh. Pwedi na akong mamatay" impit na tili ni Mhobby ng makita ang apat na naggagwapuhang mga artista.

"Mhearzle" agad syang nilapitan ni Jasper, ang anak ng may-ari ng Jasz na siya ring photographer slash director.

"Jasper, hi" bumeso sya dito ganon din ang dalawa nyang kasama. Lumapit rin sa kanya at bumati ang mga co-endorser ng Jasz ganon din ang mga staff.

Hindi rin naman nagtagal ang batian dahil kinailangan nyang mag-ayos. Suot nya ang isa sa Jasz creation na idenisenyo mismo ng CEO ng Jasz na ina ni Jasper. It's a white dress. It has a thin-ruffled sleeve with the touch of color sky blue and pale pink. It shows some of her skin but still decent. Perfect for both teens and more matured girls.
And for her make-up, does she even need that?

"I love your dress so much. May pa legs ang ate nyo" hiyaw ni Gabriel na kanina pa kinukulikot ang dress na suot nya lalo na ang laylayan noon na mas maikli ang right side kaya naman kitang-kita ang maganda nyang hita. Si Mhobby naman ay malamang ay nasa dressing room na ng ibang artista.

"tumahimik ka nga, nakakahiya" marahang saway nya sa kaibigan habang inaayos ang buhok.

"okey. Shut up na me" pagsuko ng kaibigan na nagpatuloy na ulit sa ginagawa kaninang pag-aayos ng gamit nya. "though we can't ignore the fact na sa lahat ng mukha ng Jasz ikaw ang paborito. Patunay nalang na mismong si miss CEO pa ang nagdedesign ng damit na isinusuot mo plus the fact na gusto ka ng anak nila" mahinang turan nito.

Totoo naman iyon. At hindi rin lingid sa kaalaman nya na may gusto sa kanya si Jasper dahil umamin na ito. Ang edad na lang siguro ang pumipigil dito para pormahan sya.

"alam ko yun pero wag ka nang maingay. Baka may makarinig sayo" muling pagsasaway nya dito. Baka nga naman may makarinig pa at isipin na napakayabang nya para isipin iyon.


Hindi rin naman nagtagal ay tinawag na sya palabas dahil ipapakilala na raw ang bagong endorser na makakasama nila.

" guys, meet Kye Villafuerte, the new face of Jasz clothing" pakilala dito ni Jasper Natigilan sya at nanatiling nakatitig dito hanggang sa isa-isa na itong bumati sa mga kasama maliban sa kanya. Hindi naman na iyon ikinagulat ng iba.

Si Kye Villafuerte, isa sa mga sikat at hinahangaang artista. At ito rin ang nag-iisang tao na nagpahayag sa national telivision ng pag-ayaw sa kanya.



"I'm excited to work with you guys. Well, maliban sa isa dyan" nakangiti pang pahayag nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Princess of the hidden kingdomWhere stories live. Discover now