Chapter ONE: Felix?

65 9 29
                                    

"Okay class, dismiss."

Cliche na ata na maituturing ang ganitong scene araw araw. Ito nga't pauwi nanaman ako. Tinatamad mag aral.

Nakakatamad. Ang toxic pero huwag nyo akong gayahin. Mag-aral kayo!

Nakakapagod.

Wala nga talaga siguro akong tinatawag nilang future.

Isa lamang akong karaniwang estudyante na makikita mong pupunta ng bahay, pupunta ng school, bahay nanaman.

Nakakatamad mabuhay.

Lalo't sa huli. Mamamatay lang naman tayo.

Para sa mga nagtatanong.

Bakit ba wala akong mga kaibigan?

Dahil I have transferred here. Cliche nga.

Dahil nga bagsak nanaman ako this school year, repeater kung tawagin, ilinipat na ako ni papa sa isa nanamang paaralan. Cliche ulit. Nakakapagod. Ayoko kasing mag aral. Nakakatamad promise.

Minsan nga naisip ko, ano bang role ko rito?

Hindi naman ako pwedeng maging Doctor, Engineer dahil sa baba ng mga marka ko.

Gigising ako ng maaga,

Pagpasok sa eskwela puro sermon ni mam. Eh sa ayaw kong mag aral. Bakit ba. Nakakapagod.

Pauwi na ako ng bahay nang may nakita akong matandang tatawid. Nakakainis, tinatamad akong tulangan syang tumawid. Eh sa naperfect ko yung character education dati, kaya ito, tutulungan ko syang tumawid. Hay.

“Tulungan ko na kayo la. "

Hindi na sya sumagot kaya inisip ko na tulungan na talaga sya. Tapos ngayon, naitawid ko na sya. Mabuting tao na siguro ako nito.

" Iho, pwede bang ihatid mo na rin ako sa bahay. "

Medyo abusada ka chang. Pero sige na nga.

Medyo malayo layo na rin kami sa lungsod. Tss.

"Pasensya kana talaga Iho ha. Hindi ko na kasi maaninag masyado ang daan."

Tugon nya.

Patuloy parin ang pag alalay ko sa kanya.

Puro na puno tong nakikita ko. Sana makatagpo ako ng Academy. Hahaha! Yung may magic. Saan ba kasi ang bahay nito.

Pagkatapos namin madaanan ang maraming maraming puno, at wala na ngang mga dumadaang sasakyan kaya lalakad ako nito sigurado. Tss. Pamilyar kayo sa scene na ganto? Yung cliche na mapupunta pala ako sa isang paaralan, tapos malalaman kong may magic pala ako. Hahah!

Kainis.

"Okay lang ba sayo Iho."

Syempre hindi chang. Pero kailangan kitang ihatid kasi Di kaya nang konsensya ko. Tss.

Kainis. Lalaki ako ha. Trip ko lang mag maldito.

Hanggang sa nag stop kami sa isang Gate. Parang napakalaking mansyon.

"Pero bahay ko yan Iho."

Parang bigla nyang nabasa isip ko. Pero guni guni ko lang yon dahil hindi naman totoo yon. Baka psychic. Psychologist siguro to. Retired physiciatrist?

"Sana all." Sabi ko.

"Bahay niyo yan la? Baka naman."

Tugon ko baka sakaling may pagkain sa loob. Patay gutom na kung patay gutom mga chong! Gutom na ako. At napagod ako sa kanya.

Midnight BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon