Sa buhay pag ibig , ang pinakamasakit na ata ang mag paubaya ka sa tao gusto mong mahalin habang buhay kahit alam mong hindi ikaw ang mahal.
Yung tipong pikit mata mo siyang binigay kahit gustong gusto mong abutin ang kamay niya at akinin siya. Napaka unfair ng lahat bakit kung sino pa yung pinili mong alayan ng pagmamahal mo ay hindi kayang masuklian ang pagmamahal mo.Ako nga pala si Marie. Graduating na next year sa High School. Sabi nila ang high school ang pinakamasayang karanasan na mangayayari sa buhay mo. Yung saya na hindi mo malilimutan, mga tawanan at iyakan ang unang minahal mo sa unang pagkakataon at unang kabiguan sa pag ibig. Lahat yata yan naranasan ko. Maging ang mabigo sa pag ibig.
Nang unang makilala ko si Adrian , don nagsimula na makaramdam ako ng kakaiba sa unang pagkakataon, nung una ay nakakatakot pero sa huli naging masaya ako sa pakiramdam na iyon. Naayaw ko ng mawala ang pakiramdam na iyon. Pero nagbago ang lahat ng makilala namin si Fabiana. Isa rin sa classmate namin Adrian. Maganda si Fabiana ang mahabang buhok nito at matingkad pa ito ang magandang kutis ng balat. Kahit na sino ata ay magkakagusto siya.
Samantalang ako? Ito, hindi ako kasing ganda ni Fabiana. Talino lang ata ang maipagmamalaki. Kaya kahit anong pilit kong agawin ang atensyon ni Adrian sa kanya ay hindi ko magawa. Nalulunod na lang ata sa sobrang sakit.
" ano ba yan , hindi niyo ba magawa ng tama yan? Fabiana?" sigaw ng lider nila sa cheerdance.
Maganda na tapos myembro pa ng cheerdance. Eh ako ? Ito presidente lang ng school. Hagardo versosa na ang peg ko. Ang daming papel ng school na kailangan isubmit sa commity at mga pasaway na estudyante na kailangan mong sawayin.
"Adrian sundan mo yon" walang atubiling tumakbo si Adrian para habulin si Fabiana ng sabihan ng lider ni Fabiana si Adrian.
Bakit siya nandon? Palaging nakabuntot siya kay Fabiana. Hays!
Aalis na sana ako don pero hindi ko napigilan ang sarili ko at sinundan ko sila. Pero mukhang mali ata na sinundan ko sila. Nakita ko silang magkayakap. Ang sakit sakit parang naninikip ang dibdib ko ng makita ko ang eksena iyon. Kahit kailan ata ay hindi iyon ginawa sakin ni Adrian. Mas madalas pa ata niya akong dambain sa tuwing mangungulit siya sakin. Sa tuwing malungkot naman ako ay tatawanan niya lang ako. Napaka unfair dba?
Kung gusto ko lang pigilan ang nararamdaman ko matagal na dahil nakakapagod din masaktan.
Pero dahil tanga ako nagbulagbulagan ako sa nakikita ko at nararamdaman ko kahit pa ata isampal sakin ang katotohanan ay baliwala sakin.
" mauna kana Kier , maglilipat kasi ng gamit si Adrian. Tutulungan ko". pauwi na kami sana nang maalala ko na maglilipat si Adrian ng gamit sa dorm niya. Dahil nga malayo ang bahay nila mula sa school. " hays! Alam mo nagpapakatanga kana, hindi kaba napapagod?" tanong Kier. Alam niya kasi ang nararamdaman ko kay Adrian. Buti pa siya napansin yon pero si Adrian wala , paano laging na kay Fabiana lang ata ang atensyon niya. "Kier hayaan mo na ako, pagnapagod na ako. Titigil na ako sa katangahan na ito pero sa ngayon hayaan mo muna ako, please?" napabuntong hininga na lang si Kier.
Nagpaalam siya sakin samantalang ako ay naghantay ng tricycle na maghahatid sakin kung nasan si Adrian ngayon. Pero bago yon naabutan ko ang isa sa mga kasama niya sa dorm si Alex.
"Pres? Saan ka?" tanong niya.
"kila Adrian, diba ngayon ang lipat niya? Half day lang siya kanina dba?" masayang sabi ko.
"nakapaglipat na siya kahapon pa"
"nasan siya ngayon? Bakit hindi siya pumasok?" nawala ang ngiti sa labi ko.