Chapter 2
Paglipas ng ilang taon. Nakalimot ako , sinobsob ko ang sarili ko sa pag aaral. Nilimot ko ang sakit at ang lungkot na mag isa.
Nang maihatid ako ng mga magulang ko rito sa Manila ay bumalik muli sila samin dahil naroon ang mga negosyo ng mga magulang ko.
Hindi rin naging mahirap ang pag pasok sa araw-araw dahil kailangan kong magising nang maaga para makapagluto at umuwi ng pagod at pagkatapos ay magluto. Naghanap din ako nang mga part time Job para lang makalimot pero sa wakas ay napagtagumpayan ko yon. Ngayon ay tanggap ko na ang lahat.
"daddy bakit po kayo napatawag?" nasa harap na ako ng apartment ko ng magring ang phone ko. Kakauwi ko lang galing sa part time ko. Kaya pagod na pagod ako.
"ang mommy mo" napipiyok na sabi ni Daddy. Bumilis ang tibok ng puso ko. "ano pong nangyari kay mommy?"
"bumalik ka muna dito satin, hindi na kaya ng mommy mo" sa sobrang kaba na naramdaman ko hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko. Matagal ng may sakit ang mommy ko kaya ako nagkaroon ng trahabo para lang matustusan ko ang gastusin ko sa araw-araw dahil na rin sa laki ng gastusin ng mommy ko sa ospital.
Pakiramdam ko tuloy pinaparusahan ako ng nasa taas bakit parati kong nararamdaman at nararanasan ng lahat ng ito hindi ko ba diserve maging masaya? Minsan gusto ko ng sumuko. Pero wala akong magawa kundi ang iiyak na lang parati ang sakit at itago ang totoong nararamdaman.
Boung lakas ang huminga ng malalim at mabilis na kumilos pumasok agad ako ng apartment at nagimpake para umuwi.
Halos wala pa akong tulog. Ilang oras din ang naging byahe. Halos sa daan palang ay naiiyak na ako,kinakabahan ng sobra.
Pagkita ko palang sa bungad ng bahay namin. Halos hindi na ako nakahakbang at nawalan na ako ng lakas, napaluhod na lang ako. Tumulo ang mga luha at walang ingay na umiyak.
Napakaraming tao, ang liwanag ng bahay. Mula sa kinatatayuan ko nakita ko ang isang kabaong. Inalalayan nila ang Daddy ko na nasa harap ng kabaong. Hindi ko na kailangan pang manghula dahil alam ko na kung sino ang naroon kung bakit ganon na lang ang itsura ng daddy at kung bakit napakaraming tao.
Pilit kong itinayo ang sarili ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Pero ininda ko ang lahat ng iyon at pilit na lumapit sa harap ni daddy at ni mommy na wala ng buhay.
"nandyan na ang anak ni Claridad" sabi ng isa sa mga kapitbahay namin.
Don lamang lumingon si Daddy. "Anak?!"
Mabilis niya akong niyakap, parehas naming sinalo ang bigat. Dahil pareho kaming nang hina. Inalalayan namin ang isa't isa para makalapit sa kabaong ni mommy. "Mommy?" nanginginig na sabi ko. Tumulo ng tumulo ang luha sa mga mata ko. Ang hirap dahil hindi ko man lang naabutan siyang humihinga. Iniisip ko kung hinahanp kaya niya ako? Hinintay niya kaya ako?Hindi rin namin pinatagal ang burol mga ilang araw lang ay inilibing na namin si mommy. Hindi dahil ayaw na namin siyang makita kundi para mapanatag na kami na nasa maayos na siya. Ilang araw na din akong umabsent sa klase at trabaho buti ay nakapag paalam ako sa prof ko at sa manager ng pinag tatrabahuhan ko.
Sarawi pa sakin ang sakit ng pagkawala ni mommy.
Pumunta ako sa puno kung saan malapit samin. Tiningala ko iyon na parang inaalala ang huling nangyari. Tanging ang puno na iyon ang naging saksi sa mga sakit na naramdaman ko sa unang kabiguan ng pag ibig ngunit ito rin ata ang magiging sandalan ko ngayong malungkot ako. Nahihiya na nga ako sa puno na iyon dahil puro sakit iyong nakikita niya sakin. Nakakatawa dahil mas pinili kong sandalan ang puno sa tuwing malungkot or di kaya ay napapagod. Kahit hindi siya nagsasalita yung lilim na binibigay niya sakin sa t'wing nasisikatan ng araw at ang sariwang hangin na pinapagaspas ng mga sanga niya nanagbibigay sakin ng kaginhawaan. Laking pasasalamat ko sa punong iyon.