Chapter 16

11 1 0
                                    

.
.
.
.
My life before

Waine's P.O.V

~Flashback

"T-tita Hindi po ako nakabili kase po nasabat ako dyan sa Kanto... Nakuha po Yung pambili ko" pag-sisinungaling ko

"H-hala eh... Ayos ka Lang ba?! Anong ginawa sayo?! Sinaktan ka ba?! Nakilala mo ba Kung sino-sino sila?! Hali ka at ireklamo natin---" agad kong binawi Ang kamay ko na kinuha nya at aktong aalis, gulat naman syang tumingin saakin dahil sa inasta ko

'sorry'

" Hindi na po tita! Okay Lang po ako... Kaunting kurot Lang Naman po a-at sampal pero Yun Lang po! E-eto NGA po at may tita pang l-limang daan" iniabot ko sakanya Ang pero at iniwan Ang dalawang daan sa bulsa ko

" Hayss Ang inaalala ko Kung ayos ka Lang ba! Buti nalang at Hindi nila nalaman na may 500 pa dyan sa bulsa mo Kung Hindi siguro lasug-lasug ka ng umuwi! At siguradong patay ako dyan sa---" niyakap ko sya dahilan upang mapahinto sya

"Salamat po" bulong ko

" A-ano nananaman bang drama Yan Waine? Ah?" Matawa-tawang tanong nya pero hindi ko sya pinansin at niyakap ko Lang sya

"Salamat sa pag-aalala... Sa pag-aalaga, sa pag-gabay sa akin kahit Hindi mo ako Anak" sambit ko

" Hay naku Waine anong kailangan mo? Ah?! Pinapaiyak mo Lang ba ako?" Biro uli nya... Umalis ako sa pag-kakayakap at tumingin ng diretso sakanya

"I love you tita! Nasaan si mama?" Matamis na Sabi ko

" Hay naku! I love you too! Si mama mo Naman ay nandoon sa likod ng bahay nag-papakain siguro ng aso, pumunta kana doon at tulungan sya at hindi mag-drama ditk sa harap ko! Ako ng bibili" ngumiti ako at tinanguan sya

"Ingat po!" Sabi ko at nag-bybye.

Pumunta ako sa labas ng bahay at doon ay Nakita ko si mama na nag-papakain nga ng aso

"Ma..." Tawag ko sa atensyon nya

" O Anak nandyan kana pala! Nakapamalengke ka na ba?" Tanong nya na may ngiti sa labi

" Ahhh si tita nalang daw po Ang mamalengke at saka pala ma! Ako nalang dyan! Pahinga kana sa kwarto para makapag-relax Naman Ang magandang nanay ko" ngiting Sabi ko at kinuha Ang pag-kain na hawak nya

" Ang swerte ko Naman at may Anak along tulad mooo!" Mahabang sabi nya at hinalikan ako sa noo

" Sige sandali Lang at ipapahinga ko Lang Ang mga kamay at paa ko" tumango Naman ako at ngumiti... Ngumiti rin sya at pumasok na sa loob

Sinimulan ko namang pakainin Ang mga ask na Alam Kong nami-miss ko rin

Ano kayang mangyayari Kung iiwan ko sila? Siguradong Hindi Alam ni mama Ang gagawin nya pag-nagyari Yun.

Kahit anong siksik ko sa utak ko na sya Ang may kasalanan Kung bakit Wala ako sa piling ng mga tunay Kong magulang eh wala talaga akong galit na maramdaman... Siguro ay sapat na Ang dahilan na pinalaki nila ako ng maayos upang Hindi ako ako magalit sakanya.

Tumayo ako at pumasok ng bahay at saka nag-hugas ng kamay at saka pumunta sa harap ng kwarto ni mama

'm-mahal na Mahal Kita mama' bulong ko at pumunta na sa kwarto ko... Lumuluhang ni lock ko Ang pinto at saka dadahan-dahang kinuha Ang bag kong Malaki at doon ay inilagay Ang unang gamit ko... Ang litrato namin ni mama at ni tita.

Lumuluhang kinuha ko na Ang iba ko pang-gamit at inilagay na sa malaking bag ko... Tapos non ay itinago ko sa gilid ng kama Kung saan Hindi iyon makikita nila mama at tita...

Pinunasan ko Ang aking mga luha at lumabas ng kwarto sakto kk namang nakita so mama na nag-luluto na

"N-nandito na po so tita mama?" Tanong ko

"Ahh... Oo! Nandoon at naliligo" Sabi nya habang nag hihiwa ng patatas

"Ano kayang iluluto ng pinakamamahal Kong Ina?" Malambing na Sabi ko na pumunta pa sa harap nya

" Ay naku! Adobo Lang Naman Anak halika at mag-balat ka ng sibuyas dyan" utos nya at ginawa ko naman

'mamimiss ko po kayo' Sabi ko sa isip ko nanagdulot ng pangigilid ng luha ko

" M-mama... I love you!" Malambing na Sabi ko... H-hindi ko mapigilan eh

" Ano bang nagawa mo?! At napaka lambing mo ngayon? Umamin ka nga Waine! Anong ginawa mo?" Biro nya pero ngumiti Lang ako

" Walaaaaaa pooooo" mahabang Sabi ko at nag-tawanan kami

'sorry mama' bulong ko sa sarili ko

" Ma ako nalang dyan! Maupo kana ako na nag-luluto para matuto ako! at saka pinapanood Kita Kaya Alam ko na gagawin ko Kaya umupo kana---"

"Waine... Iba na yang kinikilos mo... Tinatakot mo ako" seryosong Sabi nya na nag-pahinto saakin

"Hahahahahaha! Mama! Best actress kana hahahahahahaha" kunwaring tawa ko pero Hindi sya kumikibo at seryoso Lang Ang tingin saakin

'kailangan ko itong gawin mama'

" Mama naman kase! Sige wag nalang akong maging malambing!" Kunwaring galit na Sabi ko

"Mas mabuti pa nga, kesa ganyan ka at iba Ang pakiramdam ko sayo!" Seryoso Sabi nya at nag-hiwa uli

"Mama Naman eh!!! Ngayon Lang akong mag-lalabing ---"

" Iyon na nga eh! Ngayon mo ka Lang umasta ng ganyan eh! Nakakatakot Waine, tigilan mo Yan" seryoso pa rin sya

" Sorry " bulong ko

" Mag-hiwa ka nalang dyan! Mamayang Gabi sa kwarto ko ikaw matutulog ah!" Seryoso pero parang takot na Sabi nya

'hindi Naman ako mag-papakamatay ma eh, pero parang Ganon narin siguro yun dahil Hindi nyo na ako makikita'

Who Are You 2  Fane's darkest secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon