Chapter 5

161 13 0
                                    

SA GULAT ni Shola."Ahhh!" Napasigaw siya. Ngayon lang siya nakadama ng matinding takot kahit na hindi alam kung ano ang mangyayari sa kanya oras na nabunggo siya ng sasakyan. Nanglambot bigla ang kanyang tuhod siya ay napaupo kunti na lang maabot na siya nito.

Gulat din ang nagmamaneho."Muntik na, bro!" wika ng kasama nito.

Napatakbo si Alexis sa nakitang pangyayari  agad na dinaluhan ang babae."Miss, okay lang ba?" nag-alalang saad.

Hindi nakikita ng binata ang mukha ng dalaga. Dahil nakatakip ang mahaba nitong buhok.

Kinabahan si Shola, baka makita ng lalaki na nakamaskara siya kinapa ang  mukha, nagtaka siya dahil wala siyang masalat  nasa braso na pala niya ito nakahinga siya ng maluwag.

"Miss, halika dadalhin kita sa hospital." Hinawakan ni Alexis ang babae para alalayan. Akala kasi niya nabundol ito.

Tinabig ni Shola ang kamay ng lalaki, dahil tila napapaso siya sa pagkahawak nito.

"Miss...?" hahawakan sana muli ni Alexis ang babae.

"Huwag mo akong hawakan, okay lang ako!"

Hindi na naituloy ni Alexis ang tangka niyang paghawak sa babae."Tutulungan kita!"

"Hindi na kaya ko!"

Bumaba ang isang lulang ng kotse."Are you out of your mind? Where did you came from huh? Alam mong may kotseng parating tatawid ka na lang bigla, wala ba sa inyo ito ha! O, saan planeta ka ba galing?" Mataray na wila ng babaeng bumaba.

Hindi gusto ni Shola ang pananalita ng babae. Sa tingin niya masama itong tao. Hindi man niya naiintindihan ang ibang sinabi nito pero alam niyang hindi maganda ito. Humawak siya sa kotse para tumayo para harapin ang babaeng bumaba. Nakaalalay naman si Alexis sa babae baka bumagsak ito.

Nang makatayo na si Shola hinawi ang mahabang buhok palikod.

Namangha ang dalawang lalaki sa loob ng kotse ng masilayan ang mukha ni Shola."Bro, diyosa ba iyan ang ganda?"

Ang lalaking nagmamaneho nakatitig lamang kay Shola, nabato balani ito sa taglay na ganda ng babae.

Kahit si Alexis, napatitig din sa babae. Ang babaeng nagsalita nang makita ang mukha ni Shola nakadama ng inggit. Dahil kahit na walang make up ang mukha nito makikita mo ang kakaiba niyang ganda.

"Pasensiya na, tama ka walang ganito sa pinaggaling ko."

Ibinalik ng babae ang normal nitong mukha baka makita ng babaeng kaharap na naiingit siya sa ganda nito."So, you are ignorance? Kaya pala eh, get out there baka lamunin ka niyang nasa harapan mo!"

Akala ni Shola totoo ang sinasabi ng babae nataranta tuloy siya na may kasamang takot sa kanyang pag atras nawalang siya ng panimbang. Mabilis naman ang kilos ni Alexis nasalo niya ang katawan ng babae.

Napahalakhak ang babae sa nakitang takot at pagkataranta ni Shola."So stupid and silly you, really ignorance!" tawa ng tawa ito.

Ang init na nadama kanina ni Shola ng hawakan siya ng lalaki ay muli niyang naramdaman ito. At may kung anong kiliti siyang nadama sa kaniyang puso.

"Dadalhin talaga kita sa hospital," sabi ni Alexis.

Gustong tumutol ni Shola at sabihin huwag na pero wala naman lumabas sa bibig. At saka anong hospital ang tinitukoy nito?

"Ikaw miss, kasama mo ba si Enrique?" tanong ni Alexis sa babae.

Napangiti ang babae kay Alexis."Oh yes, why?"

"Sabihin mo sa kanya sumunod sa akin."

"Who are you anyway?"

"Inutusan ako ng kaniyang Ama para salubungin kayo rito."

THE RED MASK (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon