MARUPOK TURNS INTO MANHID

1 0 0
                                    

"Marupok turns into Manhid"
✏: Isiafajardo

Sa umaga't hanggang gabi
Nararamdaman ko'y puro pighati
Hiniling na sana'y lubayan ako kahit sandali
At kahit panandalia'y magkaroon ng ngiti sa aking labi

Ako sayo'y naninibugho
Ngunit patuloy pa rin kitang sinusuyo
Iniisip kung saan na ito patungo
Nagtatanong kung bakit ka na naman nagkaganito?

Kahit mali mo
Aakuin ko
Kahit di mo na ako pinapansin
Patuloy pa rin kitang kakausapin

Marupok nga bang maituturing?
Ang isang tulad kong sayo'y nahuhumaling
Siguro nga ako'y marupok
Kasi puso ko'y iyong natupok

Ngunit lahat ay may hangganan
Lahat ay may limitasyon
Ika'y hindi ko na maintindihan
Halo-halo na ang mga emosyon

Hindi ko na kaya pang panghawakan
Wag mong iisipin na ika'y aking bibitawan
Sadyang naglaho na ang panandaliang kasiyahan
Puso'y napuno na nang kalungkutan

Ang dating kay sigla
Ngayon napalitan ng panlalamig
Tila namanhid bigla
Ang puso kong biteran na sa larangan ng pag-ibig

Ngayo'y ang dating lamig
Ay kusa ng bumabalik
Ang salitang Pag-ibig
Ay hindi na nakapapanabik

*****

I forgot the day when i wrote it. Its has a story haha actually i didn't even thinking to write this one but my lil' sis approach me and say "Gawan mo akong poem i-post mo then share ko" then i ask her "Give me a title so i can make you one and dedicate it to you" so she gave me that title and i made her one lol. So shh~ i just tell something, dang! Bruh that time my lil sis and his bf isn't in a good term and maybe she requested it so that his bf have a clue on whats happening, i dunno if its that lol.

My PoetryWhere stories live. Discover now