Sobra akong nasasaktan sa hindi pagpaparamdam ni ej sa akin. Wala akong kaalam alam sa nangyayari sa kanya. Kahit ang estado ng relasyon namin ay hindi ko na din alam kung may patutunguhan pa ba.
Hanggang isang araw,
Tumunog ang cellphone ko, sobrang lakas ng ulan non, at na trap ako sa company. Hindi muna kami pinauwi dahil sa mga nagbagsakang puno sa labas ng company. hindi ko akalaing si ej ang tumatawag, dahil sa taranta ko agad ko itong sinagot.
She: babe?
Ej: kamusta ka babe? Nasan ka ngayon? Nakauwi ka na ba?
She: o-ok lang ako. Ikaw kamusta ka? Nasaan ka?
Ej:(wala siyang sinagot sa mga Tanong ko) nakauwi ka na ba?
She: hindi. Nandito ako sa work. Hindi kami pinauwi sobrang lakas kase ng ulan.
Ej: miss na miss na kita babe.. Mag iingat ka palagi.
She: nasaan ka babe? Please sabihin mo sakin. Pupuntahan kita..
Ej: mahal na mahal kita babe.. Sobra...
She: babe...hello babe...Yun na nag huling pag uusap namin. Huling beses na narinig ko ang boses niya. Napaiyak ako non sa sobrang saya dahil nakausap ko muli siya at lalo akong napaiyak dahil sa hindi ko maintindihang dahilan kung bakit kinakailangan niyang magmadali makipag usap.
November 12,2018
Dumating ang araw ng 5th anniversary namin, nag hintay ako maghapon non sa pag aakalang babatiin niya ako ngunit walang nangyari . nakalimutan niya ang araw ng aming anniversary.
naghintay ako hanggang mag pasko na baka sakaling batiin niya ako ng MERRY CHRISTMAS ngunit wala pa din, hinintay ko hanggang bagong taon na batiin niya ako ng HAPPY NEW YEAR ngunit wala padin, dumaan ang VALENTINE'S wala pa din. Nung march kase birthday ng mama ko, umasa ako na kahit kay mama magpaparamdam siya ngunit wala pa din. Nung april dahil kinagawian ng barkadahan namin ma umakyat ng bundok dahil sa semana santa, ngunit wala pa din. Dumating ang mayo umasa ako na babatiin niya ako ng HAPPY BIRTHDAY ngunit wala pa din. June, july, august SEPTEMBER birth Month niya, tinext ko ngunit walang reply. October wala pa din at November 2019. Isang taon na mula ng hindi siya magparamdam sa akin. Ika 6 na taong anibersaryo na sana namin.Sa isang taon kong paghihintay na walang kasiguraduhan kung babalikan pa ba niya ako, umasa pa din ako.
Hanggang isang araw, napansin ko na lang na hindi ko na siya ma search sa social media. Blinock niya ako. At sobra akong nasaktan. Don pa lang alam ko ng tapos na ang lahat sa amin.
Sobrang sakit pala ng ganito.
Sobrang sakit pala ma ghosting at maiwanan ng walang malinaw na dahilan.
Anong nangyari sayo ej?
Bakit mo ginagawa sakin to? Saan ako nag kulang? Nasobrahan ba ako sa pagmamahal ko sayo? Anong dahilan?Hanggang isang araw, binuksan kong muli ang kahon na laman lahat ng memories namen. Mga bagay na binigay niya sakin, mga pictures ng lahat ng lugar na napuntahan namin. Mga sulat na kahit hindi napapanahon ay ginawa pa din namin. Hanggang sa makita ko ang isang papel, nang buksan ko iyon, nakasulat don ang facebook account and password niya. naisipan ko buksan ang account niya hindi pa din pala siya nagpapalit ng password.
Gumuho ang mundo ko sa mga nakita kong post niya.
NOVEMBER 12,2019 May post siya na ULTRASOUND at hawak niya iyon, dahil tanda ko ang bracelet na soot niya, binigay ko yon sa kanya. Nanlamig ako at diko alam kung kaya ko pa bang makita ang mga ito. Binuksan ko ang mga comments, nagulat ako ng binasa ko ang comment section, buong kamag anak niya nag congrats sa kanya. Nanlamig ako nun at di makapaniwala, umiyak ako at sobrang nasaktan, pero hindi pa pala iyon, nag scroll pa ako at nakita ko ang post niya nung mismong birthday ko MAY 27, 2019 ikinasal na pala siya. Nakita ko ang larawan niya kasama ang babaeng buntis.
Sobrang sakit.. Sobra sobrang sakit!Kausap ko si bebs at naglabas ako ng sama ng loob ko. Humahagulgol ako ng iyak sa sobrang sama ng loob at sakit na nararamdaman ko. Nag inom ako nun at sinadya kong magpaka lasing.
She: bebs, ano bang nagawa ko? Anong mali saken? Bakit kailangan niya gawin to? Sobrang sakit bebs! 1 taon ko siya hinintay yun pala may pamilya na siya!
Karen: bebs.. Tama na yan...lasing ka na eh.
She: sobrang sakit.. Ang sakit sakit! Gusto ko siya puntahan! Gusto ko siya saktan!! Pero paano bebs! Ni hindi ko alam kung nasaan siya! Niloko nila akong lahat!! Ginago nila ako bebs!
YOU ARE READING
Pinagtagpo ngunit Hindi Tinadhana
RomanceAko si she, may boyfriend ako si ryle, 2 taon ang itinagal ng relasyon namin. Ngunit bigla na lang akong iniwan dahil mas pinili niya balikan yung ex niya. Nang mga panahong yon, may nagpakilala sakin, si EJ. 1 buwan ang nakalipas muling nagparamdam...