"I MARRIED MY EX"
BY: Iz sevz[Errors Ahead]
"Hoy bakulaw! Bakit ang bagal mo mag reply ha?" mensahe ko kay Zav
Panigurado nasa mga babae niya na naman ito jusko sarap talaga niyang ibitin patiwarik ang lakas mambabae eh napaka liit naman ng etits.
"Sige, nandiyan ka na naman sa mga babae mong malalaki dede ipukpok ko kaya sa iyo lahat ng melon at pakwan sa mundo noh?"
"Alam mo babe, mala-lansones man iyang hinaharap mo sa iyo ko pa rin gusto dumede. Mommy! Mommy!" Nabulunan naman ako sa ginagawa kong pag inom ng coke dahil sa reply niya.
Kung nandito lang siguro siya baka kanina ko pa siya binuhusan ng tubig. Kagigil!
" Awts, gege. Diyan kana sa layla, miya, lesley, pharsa, hilda basta dyan kana sa minamahal mong ml!"
"Ge, lods. Diyan ka na rin sa Jeydon, Deib, Elijah, Lysander, Choco, Knight—Diyan kana rin sa Wattpad mo."
"Ahy meron pa pala, diyan ka na rin pala sa mga kabet mong OPPA! OPPA!" At nagsend pa si bakulaw ng nakangusong pagmumukha niya with matching finger heart pa.
So cute na 'yan? Weh? Hindi ko alam pero parang naging isa akong kahoy na matagal ng nakaimbak—MARUPOK. Ang cute niya ackkk. My own kind of fictional characters and K-actors.
"Sorry na, I love you my own baby babe!"
"I love you too." oh diba pati siya marupok din hehehe enebe.
—
Bahagya akong napangiti dahil sa mga senaryong bumalik na naman sa isipan ko. Oo, lahat ng iyon ay alaala na lang na gusto ko pa rin na binabalik-balikan.
—
"Z-Zav? Bakit?" Naestatwa ako sa aking kinatatayuan habang nasa harapan ko ang boyfriend ko habang may kaakbayan siyang isa babae–Maganda at sexy na babae. Ang laki ng kaniyang pakwan at pwet na para bang pambato laban kanila Mhia Khalifa.
Saka wow ha, mukhang galing pa sila ng Starbucks. Samantalang kapag ako ang nag-aaya sa kaniya lagi niyang sinasabi na mag kopiko 3 in 1 na lang kami saka fudgee bar.
Gusto kong sugurin yung babae at sampalin pero naging advance ako mag-isip. Naisip ko na kapag iyan na karate ko baka ibash ako ng mga tao sa paligid kasi mas mukha pang ako iyong kabet o kaya kontrabida sa isang drama.
Wala akong ibang ginawa kundi maluha habang nakatitig sa minamahal kong lalaki. Iniisip ko tuloy kung paano ako magmamaka-awa kay kuya Sic Santos para lang gawing bida sa isang story niya ang boyfriend ko tapos Prologue pa lang ay patayin niya na bakulaw na lalaking ito.
"Anak, wala ka pa bang balak bumaba diyan at kumain? Ilang araw ka na rin nagkukulong diyan at ilang araw ka na ring hindi naliligo simula noong nakipag hiwalay ka kay Zav" Sigaw ni mama habang kumakatok sa pintuan ko.
Sorry ma, may mga stock ako ng pagkain dito sa kwarto.
"Pwede ba ma? Broken hearted ako kaya ayaw ko munang maglaba kaya ayaw ko pang maligo at kaya ayaw ko ding bumaba kasi paano ako bababa eh wala naman tayong hagdan dahil wala namang second floor ang bahay natin at kasi alam kong paghuhugasin niyo lang ako pag lumabas ako. Ayaw ko naman na idamay ang mga kapatid kong plato sa lungkot ng puso ko ngayon," sagot ko kay mama saka nagtaklob ng kumot.
"Hindi kana ba talaga lalabas diyan at magmumukmok na lang habang si Clyde ilang araw nang naghihintay sa iyo at natutulog dito sa sofa?"
Dali-dali akong kahit wala pa akong suklay at may muta pa ako sa mata dahil sa narinig nakita ko naman ang gulat sa mga mukha nila mama at ang bakulaw na si Clyde naman ay nagpipigil ng tawa dahil sa pagmumukha ko ngayon.
—
Hindi ko napigilang mapahagalpak ng tawa dahil naalala ko din ang kagagahan nagawa ko noon."Sorry po Father, mukhang naglalakbay na naman po kasi ang magiging asawa ko." Napatigil naman ako sa pag tawa dahil sa boses na iyon. Napatingin ako sa paligid ko at nakita ang nagtataka nilang mukha na para bang inaakalang nababaliw na ako samantalang ang mama ko at mga kaibigan ay para nang natatae dahil sa pagpipigil ng tawa.
"Pwede po bang kiss the bride na po father? Hindi na po ako makapag hintayin sa honeymoon eh," nahihiya kong paki usap kay father na ikinagulat niya maging ang mga tao rito saka sabay-sabay na nag tawanan.
Napatingin naman ako kay Zav na natatawa tapos nag lip bite pa ang gago hahaha.
Sinabi ko lang iyon kay father kasi baka lumipad na naman ang isip ko habang kinakasal kami at hindi ako makapag I DO.
"You may now kiss the bride," turan ni father at saka ako hinalikan ni Zav. Pinigilan ko agad ang halikan namin dahil baka dito na kami mag honeymoon.
Yes, I MARRIED MY EX. Ako lang pala itong loka-loka at inisip na pinagpalit ako sa mala-pakwan ang hinaharap eh iyon naman pala ay pinsan niya ito na galing sa ibang bansa at kaya niya ito inaalalayan at inaakbayan ay dahil may deperensya ang mata nung babae. So, ayon para kang pala akong tanga ng isang linggo sa kwarto dahil sa maling akala ko.
"Iniisip mo na naman iyong kagagahan nong babae ka noh?" na pabalik naman ako sa reyalidad dahil sa sinabi ni Zav habang sinusundot-sundot pa ang tagiliran ko.
"Sus kahit ano namang kagagahan ko mahal mo pa rin ako, kahit nga hindi ako maligo ng isang linggo sa akin ka pa rin bleh." panunukso ko dito na sinuklian niya ng pag halik sa akin.
Loh! Abuso ka ha!? Tadyakan ko kaya itlog nito sa harap ng mga tao.
"Ang ingay mo asawa, mamaya iyang ingay ng bibig mo mauuwi sa maingay na pag-ungol mo. I loveugh you." agad namang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.
Parang sirauloooo talagaaaa! Ackkkkk. Wrestlingen kita mamaya eh tamo.