Si Migs aka John Lloyd

53 0 0
                                    

“Magpapayat ka kasi. 

“Sayang maganda ka pa naman.”

“Para magka-boyfriend ka na.”

 ‘Yung totoo?

Based from experience tatlong bagay lang ang kinakabaliwan ng mga Pinoy:

1) Tsumismis ng walang sawa sa buhay ng iba. Kabit ng kapitbahay, jowa ng kaklase, at kung sinong ka-text ng katabi mo sa MRT. Ay, at isama na natin ang latest happenings sa buhay ni Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

2) Papayatin lahat ng matatabang babae na tingin nila ay “may itsura naman.” Alam mo yun, kasi “sayang.”

3) AT maghanap ng jowa. Ng true love. Ng destiny. Ng “The One.”

Ako nga pala si Ana. Writer. 

Eh… wannabe/struggling writer to be more exact.

Pangarap kong magkaroon ng sariling pelikula. Hindi ako yung bida ha. Ako sana yung manunulat.

Paborito kong eksena sa pelikula kapag unang beses nagkita ang bidang babae at bidang lalaki. Puwedeng love at first sight si kuya, at si bababe naman pakipot kuno. Or puwede ring nasa friendzone yung isa at nun nya lang marerealize na mahal nya pala yung isa kapag may third party na.

Hay.

Pero sa lahat ng love story sa pelikula. Pansin mo, lahat ng tao perfect?

Maputi, payat, mayaman. Mukhang mabango.

Kapag mataba naman, sure ako papayat yan at the end of the story. Or magpapapayat for the sake of “true love.”

Yung totoo bawal na ba magkalove-life pag di perfect?

“BFF, ang drama mo na naman,” sabi ng best friend ko na si Migs.

“Ikaw. Panira ka kahit kailan. Nakikikain ka na nga lang, reklamador ka pa.”

Binawi ko yung binili kong Tempura.  Pagtingin ko sa sitsirya halos kalahati na lang ang laman 

“Kapal talaga ng mukha mo, bro.”

Isang taon pa lang kaming magkakilala pero pakiramdam ko mahigit sampung taon na.

Isa si Migs sa mga taong pinanganak lang na pogi. ‘Yung tipong kahit hindi ata maligo ng tatlong araw mukha pa ring hindi napawisan. 

Gwapo, mayaman, …. kaso may pagka-tanga. Tanga sa pag-ibig 

Alam mo yung taong ibibigay lahat, susunduin at ihahatid ka sa bahay, ipapakilala ka sa magulang, bibigyan ka ng bulaklak kahit walang okasyon, pero at the end of the day eh ipagpapalit sa lalaking mukhang palaka.

Puwera biro, minsan sa kapwa babae pa na-inlove yung girlfriend nya.

Pero bilib pa rin ako kay Migs. Kahit ilang beses ng nabigo, fight pa rin. Parang walang nangyari. Hanap pa rin sa The One.

“Try mo kaya mag-Tinder,” sabi nya bigla.

“Ano yun”

“App para makahanap ka ng date. Gusto mo download ko sa phone mo?”

Kunwari wala lang akong narinig. Mayamaya narinig kong tumatawa ang loko 

Di ko talaga gets. Pakiramdam kaya ng mga tao meron akong sticker ng “Best before date” at kailangan ko ng makahanap agad ng boyfriend?

Shet. Ang tagal ko na nga palang single.

 “Huwag kang mag-alala. Para hindi ka tumandang dalaga…. balang araw papakasalan kita.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Balang araw papakasalan kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon