PANG-ANIM

23 4 0
                                    

NAGISING ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko agad akong bumangon at nag-ayos ng katawan lalo na't muka ng pugad ng ibon ang ulo ko. Ngumiti ako sa harap ng salamin sabay suot ng salamin ko para na rin maitago ang namumula kong mata. Napahawak ako sa tiyan ko ng tumunog ito hindi nga pala ako naghapunan

Bago lumabas ng kwarto naming mag-asawa ay napangiti pa ako ng makita ang masayang larawan namin noong kasal naming dalawa

Kent, my love I want to be with you til my last page.

Nakangiti parin ako hanggang sa makarating ako sa hapag-kainan kung saan ay natagpuan ko si Manang at ang isang babae na hindi pamilyar sa paningin ko

"Hija, gising ka na pala"ani manang habang iniintindi ang kambal kong anak lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi ng dalawa humagikhik naman ang kambal na ikinangiti ko

"A-a-ako n-nga p-pa-la si Rosa"nahihiyang sabi ng babae tiningnan ko naman sya simula ulo hanggang paa umiwas sya ng tingin

Muka ba akong nangangain? Hala!!!!

"Ako naman si Hery"nakangiting sabi ko sabay baling kay Manang "Anak nyo po? "Tanong ko

"Oo Hery sya ang bunga ng unang gabing pagsasama namin ni Nando"nakangiting sabi ni Manan na ikinatawa ko

"Nay!"suway ng babae na ikinangiti ko. I miss my mom

"Ilang taon ka na? "Tanong ko sa babae

"28 po"aniya na ikinagulat ko

"Ate pa pala kita"mahinang sabi ko

"May asawa ka na ba? "Tanong ko

"W-wala"aniya habang namumula ang pisngi napangisi nalang ako

"Sige na Hery ika'y kumain na at baka may gagawin ka pa kami na muna ang bahala sa kambal"ani Manang tumango nalang ako

Pagkatapos kong kumain ay naupo ako sa upuan sa veranda

Humarap ako sa laptop at tinawagan ang taong makakatulong sa akin

"WAAAAAAAAAAAAHHHHHH! "malakas na sigaw niya

"Rox! "suway ko

"IMISSSSSSSYOUUUUUUUUUUBESSSSSSSSSYYYYYYYY!!!!!! "hyper na sabi nya habang nakahiga sa kama nya napatingin ako sa gilid nya at doon ay nakita ko ang anak nya

"Sa bday niya dapat nandto ka ah! "Aniya ngumiti ako at tumango

"Namiss mo rin ba ako Ryña? "Nakangiting sabi ko umiling ako na ikinanguso nya

"You! "aniya sabay turo sakin "You so bad! "dagdag nya pa na ikinatawa ko

"I miss you besprend"malambing na sabi ko napangiti sya

"Namayat ka"sabi nya habang seryosong nakatingin sa akin

"Rox"mahinang sabi ko bago ko tinanggal ang salamin ko

Nanlaki ang mata nya

"Basta ba nagmahal ka kailangan masasaktan ka? "mahinang sabi ko at sunod-sunod namang tumulo ang luha ko "Kase Rox sobrang sakit nung nararamdaman ko"

"Parang kahapon lang sinabi nya sakin na mamahalin nya ako na parang kagaya noong una palang nya akong minahal pero Rox kagabi lang ay sinabi nya na mahal nya ako pero hindi na kagaya ng pagmamahal nya noong una"humihikbing sabi ko

"Hery"mahinang sabi nya

"Rox kase i always think what's wrong with me, I always ended up asking myself kung saan ako nagkulang kaya nagawa sakin ng asawa ko to"sabi ko habang nakatingin sa singsing na nagpapakita na kasal kaming dalawa at asawa ko sya hindi nya sinabi na hindi nya na ako mahal pero nagawa nyang iparamdam na iba na ang nagpapasaya sa kanya

Rockwell 1:I'm not(Completed) Where stories live. Discover now