Story 4- A Beginning of an End

45 28 1
                                    


"I just need to close my eyes and jump"

Pabulong na sabi ko sa sarili ko. I'm tired of this life and i want to end this shit, I wish this cliff is high enough to kill me.

"One....Two....Thr..­.."

"Hoy! Anong ginagawa mo? Cliff diving? Walang dagat diyan tanga"

Napahinto ako sa nang biglang sumigaw ang lalaki na nasa likod ko.

"Alis, pakialamero"

Pasigaw na sagot ko, did his eyes just rolled? Bakla ata.

"Bahala ka basta kung ako sayo wag ka ng tumalon bali lang maabutan mo, sige ka masakit pa naman yan."

Tumingin ako sa bangin dahilan para mapalunok ako dahil mukhang tama siya.

"Wala na bang ibang bangin dito?"

Wala sa sariling sabi ko, dinig kong natawa siya sa sinabi ko.

"Meron, get off that cliff sasamahan kita"

Marahan niyang inilahad ang kamay niya at agad ko naman itong inabot.

He smile at me and for an unexplainable reason I felt comfort.

"Let's go?"

Di na ako nag atubiling sumagot at tumango nalang ako. Wala akong ibang ginagawa kundi tumango ng tumango dahil sa mga tanong nitong lalakeng to.

"Malayo pa ba?"

Mahina kong tugon

"Hey! Cheer up we're almost there"

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Di ko mapigilang ilibot ang paningin ko dahil sa mga alitaptap sa paligid pati tunog ng mga kulisap ay rinig na rinig ko rin.

"We're here"

Rinig kong sabi niya, tumingin ako sa harap at namangha ako sa ganda ng nakikita ko. Tanaw na tanaw mula rito ang mga nagagandahang ilaw mula sa syudad. Agad akong nagtungo sa dulo ng bangin, randam na randam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking mukha. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinilayan ang napagandang tanawin na nasa harap ko sa huling pagkakataon.

"One....tw...."

Pero biglang may humawak sa kamay ko

"Do you really think I brought you here to watch you kill yourself?"

Seryoso niyang tugon, pinilit kong kumawala sa hawak niya pero napakalakas niya.

"Can you just let me go, you asshole"

Tugon ko sa kanya

"I wont, just jump and you'll also kill me"

Sabi niya habang mas hinigpitan ang pag hawak sa kamay ko. Tinignan ko siya sa mata at kita ko na para bang nag aalala siya sakin. Di ko na napigilang humikbi mula sa kinatatayuan ko

"Please let me go I'm fucking tired"

Di ko napigilang ipakita ang lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko nalang na hinila niya ako at niyakap, I can't explain why but i found comfort between his hands.

"Hey, dont cry im here, you're not alone"
.
.
.
.

Nakatulala ako ngayon habang pinagmamasdan ang nagagandahang city lights.

"I never knew that this beautiful place exist"

Mahina kong tugon sa sarili ko habang ramdam ang napakalamig na simoy ng hangin. Iginawi ko ang mata ko sa lalaking nasa tabi ko, he's still with me and we're sitting here in the cliff.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tale of love (Short stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon