"Ken? Bakit san mo ko dadalhin? Tanong ko sa kanya.
Wow ah hindi nya man lang ako sinagot :3
Napunta kami sa mini garden ng school. Ang tahimik ni Ken. Kanina pa sya hindi kumikibo.
Pagpunta namin dun nabigla ako sa nakita ko.
Yung mini garden punong puno din ng mga bulaklak. Ang ganda. Bat dati naman pag pumupunta kami dito wala naman tong mga to?
I'll be your dream
I'll be your wish I'll be your fantasy
I'll be your hope I'll be your love
Be everything that you need
I'll love you more with every breath
Truly, madly, deeply doFavorite song ko yun ah?
I will be strong I will be faithful
'cause I'm counting on
A new beginning
A reason for living
A deeper meaning, yeahBat ganto bat kinakabahan ako?
Ang lakas ng tibok ng puso ko?
Totoo pala yung parang may mga paru-paro ka sa tiyan.I want to stand with you on
a mountain
I want to bathe with you in the sea
I want to lay like this forever
Until the sky falls down on meNakita ko si Ken na nakatingin lang sakin. Yung tingin nya parang may kakaiba e. Hindi ito yung Ken na nakilala ko.
And when the stars are shining
brightly in the velvet sky,
I'll make a wish send it to heaven
Then make you want to cry
The tears of joy for all the
pleasure and the certainty
That we're surrounded by the
comfort and protection ofThe highest powers
In lonely hours
The tears devour youHindi ito si Ken na hindi ako kinikibo dati.
Hindi ito si Ken na kaklase ko.
Hindi ito si Ken na inaasar ako nung bata ako.
Iba sya. Ibang iba sya ngayon.I want to stand with you on a
mountain
I want to bathe with you in the sea
I want to live like this forever
Until the sky falls down on meNagulat ako ng bigla syang magsalita.
"Alliyah."
"Pasensya na medyo kinakabahan ako first time ko lang kasing gagawin to e.
Siguro nakakabigla o baka hindi ka nga maniwala e. Pero gusto talaga kita Alliyah. Gustong gusto kita.Nakatingin lang ako sa kanya. Naghihintay ng susunod nya sasabihin.
Teka? Nagtatapat ba sya sakin?
"Gusto kong sabay tayong papasok. Gusto kong makasabay kang kumain. Gusto kong sabay tayong uuwi pag galing tayong school. Gusto kitang ihatid sa bahay nyo. Gusto kong makasama kang magdate. Gusto kong itext ka ng goodmorning o goodnight. Gusto kitang alagaan pag may sakit ka. Gusto kitang titigan ng matagal at sasabihin ko sa sarili ko na napakaswerte ko dahil akin ka. Gusto kong ipaalala sayo na kelangan mong kumain. Gusto kitang pasayahin pag malungkot ka. Sasabayan ko lahat ng trip mo sa buhay. Papasukin mo lang ako sa puso mo Alliyah."
Natutulala ako sa sinasabi nya. Totoo ba to? Sampalin nyo nga ako? Si Ken na inaakala kong bakla nagtatapat talaga sakin? Si Ken na galit ako dahil hindi ako pinapansin. Si Ken na kaaway ko simula nung bata ako. Si Ken-.
Argh ano ba tong nararamdaman ko?
Bat parang kinikilig ako?
Tae! Hindi ako to e :3"Wag kang mag-alala Alliyah. Maghihintay ako. Basta pabayaan mo lang akong mahalin ka. Na gustuhin ka. Na makasama ka. Kasi sa totoo lang ayun na yung matagal ko ng gustong gawin e. Pasensya na kung hindi kita madalas kibuin. Natatakot kasi ako dati e. Natatakot ako na baka ireject mo ko. Natatakot ako dahil alam kong galit ka sakin. Natatakot akong baka hindi mo rin ako magustuhan."
Syet ano ba tong mga pinagtatapat nya? Hindi ba bakla sya? O baka ako lang nag aakala nun? Pero naman kasi eeee. Sa ginagawa nya ngayon para na rin syang bakla. Nakakaiyak.
Alam kong nag aantay sya ng sagot ko. Pero kanina ko pa talaga hindi mahagilap yung dila ko e. Nawawala na ata.
Pero yung dibdib ko parang sasabog na. Masyado nakakagulat yung mga nangyayari sakin ngayon.
Bat ganun parang ang bilis.
Nung una pinansin nya lang ako. Tas ngayon nagtatapat na sya.
Ken! Ano ba talagang ginagawa mo sakin ha?I want to stand with you on a
mountain
I want to bathe with you in the sea
I want to live like this forever
Until the sky falls down on meUnti-unting gumalaw ang aking labi.
Napangiti na lang ako. Para kasing ito yung pinakamagandang sagot sa lahat ng mga sinabi nya.
Pagtapos nun biglang may nagputukan na mga fireworks sa langit. Kasabay ng pagputok ng puso ko sa sobrang saya.
