How can I Fulfill My Dreams?

33 2 0
                                    

NOTE: This story is fiction. Hindi po totoo yung mga nangyari sa kanya. Gawa-gawa ko lang po ito kaya pagpasensyahan niyo na! Di ko matiis eh. 12.13.12. Nagkaaway kami ng mga kaibigan ko kaya yan ang result ng pagmumokmok ko! Hanggang ngayon wala pa ring improvement sa amin kahit kahapon lang kami nagkagalit. 

Anyways, "How Can I Fulfill My Dreams?" 

Si AnnaLee Sofie Javier ay isang junior sa Academy of Mary John. Ang pagiging junior sa kanya ay hindi madali kahit sinasabi niya na pinakamasaya ang pagiging junior. Pero dun sila nagkakamali, madaming problema ang dumarating sa kanya kaya napilitan siya magbisyo. Nagsmoke siya para mawala ang stress. Di niya yun intensyon ngunit para makalimot lang lahat sa problema. Hanggang sa ang problema ay dumating sa kanyang mga kaibigan. Minsan na lang sila makasama nito pero parang iba ang aura niya sa mga ito. Hindi sila nagkakapansinan at nagkukulitan. Pinalipas niya ang mga sitwasyong ganun kasi tanging mga kaibigan na lang niya ang natitira sa kanya. 

Dumating sa punto na hindi na kayang ilihim pa ang sama ng loob ng kaibigan niya sa kanya. Kaya ang tanging nakakasama niya na lang ay ang nakakaintindi sa kanya na si Sandra. Si Sandra ay kaklase niya simula pang 1st year. doon nagsimula ang galit nila kay Anna. Ang hindi pagpansin sa ibang kaibigan niya at kay Sandra na lang lagi nakatuon ang pansin niya. Wala na daw siyang pakielam sa iba basta't andun si Sandra pero naguguluhan siya sa mga sitwasyon kaya naisipan niya maginom ito. Walang makakapagpigil sa kanya kasi pati sariling kadugo niya wala nang pakielam sa kanya. Patong-patong na problema ang dumating sa kanya. 

Hanggang sa 1 month na ang lumipas hindi pa rin siya pinapansin ng mga ito at patuloy pa rin ang bisyo niya umaga hanggang madaling araw. Ang masaklap pa dito nakalipas na ang pasko hindi pa rin sila nagkakausap. Kaya malungkot ang pasko niya at ang tanging natitira sa kanya ay si Sandra! Tinulungan ni Sandra na itigil na ang pagbibisyo kasi nakakasama ito sa katawan pero hindi nakinig si Anna kaya naging adik pa siya. 

Hanggang dumating sa punto na nagka Lung cancer na siya. Nagingmalala na ito at hindi na naiagapan. Lagi siyang namumutla dahil hindi siya makahinga ng maayos at ang mahirap pa dito ay kasabay pa niya ang pagiyak pagnangyayari ito. Hindi niya sinabi ito sa mga kaibigan niya pati na rin kina Sandra dahil ayaw niyang mag mukha pang kaawa-awa. 

Dumating ang panahon na hindi na niya makaya ang sarili at nagbabago na ang itsura nito. Lumalaban pa rin siya pumasok kasi may gusto pa siya matupad.Pero lumalaban pa rin siya kahit hindi na niya maimulat ang mga mata niya. 

Handa na siyang sabihin kay Sandra ang lahat-lahat tungkol sa sakit niya. Kahit alanganin pa tong sabihin ang totoo. Marami na ang nagtatanong kung ano daw nangyari sa kanya pero wala pa rin ito sinasabi. Itinago niya ang sakit kahit sa mga tunay niyang kaibigian. 

Ayaw umiyak ni Anna dahil mahihirapan siya makahinga at di siya makapagsalita. Dahan-dahan umupo sila sa isang bench! Sila lang dalawa. Doon mismo sila nagsumpaan na hindi sila magiiwanan kahit anong mangyari. Sinabi na ni Anna ang lahat-lahat pero hindi ito maniwala at unti-unting pumapatak ang luha niya. Hindi mapakali si Sandra at naghgulhol. 

"Sandra, tanggapin mo lahat ng mangyayari ha? Kahit ayoko pa maging matatag ka!" sabi niya ito na may unti-unting pumapatak na luha.

"Di ko kaya! Bakit naman mangyayari ito? Lumaban ka rin! Paano na yung promises na ginawa natin?" sabi niya na hindi na mapigilan ang iyak nito.

Tumingin muna sa baba si Anna na parang naguguluhan rin. 

"Sandra....

Pagod na ako! Wala na akong rason pa para mabuhay! Lahat na lang kinuha sa akin.Wala ng itinra"

"Andito pa nmana ako diba? Di kita iiwan! "

Patuloy pa rin silang naiyak.

 "Mawawala rin naman ako dit eh!"

"Wag mo sabihin yan! Hind ka mawawala! Walang mawawala! Parehas tayong lalaban! Kahit anong dumating na problema mo, Hindi tayo magiiwanan! Lalaban tayo hanggang sa huli. Mangako ka sa akin! Hindi mo ako iiwan ha? walang iwanan! "

Hindi mapaliwanag ni Anna ang ngiti at luha na nasa kanya.

"Salamat Sandra pero.."

"Walang pero-pero! Mangako ka sa akin? Hindi ko kakayanin na mawala ka ng sobra!" 

"Sandra.."

Hinawakan ni Sandra ang linalamig na kamay ni Anna.

"Anna.. Paano  na yung mga pangako mo na gusto mo makatapos? Gusto mo rin magkapamilya? (Tumawa sila sa pagkakasabi nito) At yung papunta mo sa Paris?"

"Paano mo yun magagawa kung ngayon pa lang na malakas ka pa, mahina na agad ang tingin mo sa sarili mo."

Hindi makaimik si Anna dahil pangarap niya talaga makarating sa Paris. Ngunit unti-unti nang naglalaho ang maga yun.

"Wag mong tingnan ang sarili mo na mahina ka! Wag kong hayaan na kuhanin ka agad nila. Ipakita mo na malakas ka pa at kaya mo pa!"

"Salamat Sandra!"

"Basta Ipangako mo na walang iwanan!"

"Oo Sandra!"

Nagyakapan ang dalawa pero hindi maitatago ang sakit na pakiramdam sa kanya. Marami pa talaga siyang gagawin ngunit paano niya yun magagawa kung parang siyang isang kandila na unti-unting nauubos.

*

Papasok sila ng classroom nila ng..

"Anna Bakit nadugo ang ilong mo?" sabi ng isa nilang kaklase. Agad naman pinunasan ang ilong at nagpunta sa kanyang upuan para kuhanin ang towel. Inaalalayan siya papunta sa clinic pero pagkatayo pa lang niya natumba agad ito.

"Anna!" sigaw ni Sandra at ng iba pa niyang mga kaklase..

Dalidali siyang binuhat papuntang clinic, pinipilit ni Anna imulat ang mga mata pero ang tanging nakikita niya laang ay liwanag...

Life is too short for me but How can I fulfill my dreams?

NOTE: This is not based on true to life story! Wala lang talaga magawa ! At stress ako sa mga nagyayari sa akin. Wew. Enjoy nyo na lang p kahit super lame! Pero honestly, Nagkaaway nga kami ng mga kaibigan ko. Nakakamiss sila! :* LoveLots. <3

P.S Uhmmm. Di po ito yung pinaka una kong ginawang story pero pinaka una ko pong na publish ito. Well, Suggest po kayo kung One-shot or Story talaga? hehe. salamat! :*

Abangan: Love in Paris ^________^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How can I Fulfill My Dreams?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon