My Type of Boy

2.6K 11 0
                                    

Jm's POV

"Jm! Mamayang 9:00 p.m. ah?!"

sigaw ng kaibigan kong sina Bea at Trisha.

"Ok. Pero pag wala pa ako ng mga 9:30 ibig sabihin hindi ako pinayagan ni Dad."

"Oo sige! Bye muna! See you later Jm!"

kumaway nalang ako sakanila saka nagsimula nang maglakad.

silang dalawa ang magkasabay sa kabilang side at ako namang mag-isa dito sa kabilang side.

Nakakainis nga eh. Lagi nalang akong mag isa!

6:30 p.m. na. Pauwi na ako galing School bat ba kasi ang dilim, dilim dito eh! May poste nga isa lang naman! Mag-isa pa naman ako T_T

Ay bago ko nga pala makalimutan, mag-oovernight pala kami sa bagong bahay ni Trisha. Bagong lipat kasi sila kaya mang-gugulo na agad kami *evil smirk* pero ang problema ko eh hindi pa ako nagpapaalam sa Dad ko, pano pag hindi ako pinayagan nun? T_T

--

After 10 minutes na paglalakad sa madilim na Daan eh nakarating narin ako sa Bahay! Hay salamat buhay pa naman ako! XD

Pumasok na ako at dumeretsong kusina. Nandun naman palagi si Dad eh pano lagi na siyang umiinom simula nang mamatay ang Mom ko..

Pero hindi ko na ikwento kung anong nangyari kay Mom, baka maiyak ako eh :'(

"Hi Dad!"

pagbati ko sa Dad ko

"Oh anak! nandito ka na pala!"

"Umm.. Dad, magpapaalam po sana ako eh."

"Sure, ano yun anak?"

"Pwede po ba akong mag-overnight sa bahay nila Trisha? Pls Daddy!"

"Oh.. kanila Trisha ba? Sige, no problem anak."

"Talaga Daddy? Thank you!"

sabay halik ko sa pisngi ni Dad

"Sige Dad, mag aayos na po muna ako!" sabay takbo ko papuntang room ko.

Naligo muna ako tapos nag ayos na ako ng dadalin kong mga gamit. Syempre kasama na dun ang snacks yey! XD

I checked my clock at 8:45 p.m. na pala! ang bilis ng oras! T_T

Agad na akong tumakbo pababa ng hagdan at nagpaalam na kay Dad.

"Bye Dad!"

"Ohh.. bago ko po makalimutan, wag po kayong magpakalasing masyado ah? masama po yan."

"Okay anak! bye"

At yun kumaway nalang ako at lumabas na ng pintuan.

--

Nandito nanaman ako sa kalye malapit sa bagong bahay nila Trisha na nag iisang poste lang ang ilaw. Bat ba ganto dito? pag ako talaga naging Mayor eh magpapalagay ako dito ng spotlight dito sa lugar namin eh! XD

Nakakatakot rin pala dito sa bagong lugar na nilipatan nila eh. para pang may laging sumusunod sayo.

Pero para ngang may sumusunod sakin! Di kaya sila Trisha na to?! nako sana naman sinundo na nila ako sa kalye na to!

Nilingon ko ang likod ko at wala naman pero para talagang meron. Nako utang na loob, maawa kayo sakin bata pa po ako! marami pa akong pangarap sa buhay! magiging mag asawa pa kami ni fafa Bryle ko!

Opps Nako! nasabi ko nanaman yung pangalan ng Ultimate Crush kong si Bryle! E kasi naman eh!

Ay nako! di ka naman pinapansin nun eh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Type of Boy (One Shot BS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon