“MCU! MCU!”, sigaw ng barker ng jeep. Minadali ko lalo ang paglakad. Hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit at hinigit patakbo.
“Dalawa?”, tanong ng kasama ko sa barker.
“Kasya pa. Dalawa sa kanan.”, sabi nito at pumasok na kami. May kasunod na pasaherong sumakay. Umandar na ulit ang jeep.
Umuulan noon at mahirap sumakay. Mabuti na lang at nakasakay agad kami ni Kevin. Tahimik lang ang lahat sa jeep. Kanya kanyang pwesto.. kanya kanyang tingin. May nakatingin sa may bukana ng jeep, may nakatingin sa daan sa harapan, at may nakatitig sa bintana sa likod ng pasahero sa harap nya. Mabagal ang daloy ng traffic. Bumper to bumper kumbaga.
Naramdaman kong humalik si Kevin sa sentido ko. He held my hand and squeezed it tight.
Ako nga pala si Pax. Isang taong may makulit na imahinasyon. Tulad na lang ngayon sa jeep. Kung ano anong thoughts ang pumapasok sa utak ko.
“Ang tagal naman. Mama sa saglit lang.”, naiinis na sabi ng isang ale saka bumaba.
Nilinga ko ang ibang pasahero. May isang pasaherong nakatingin sa daang tinatahak ng driver. Tsk.. Si kuya oh, seryoso sa panonood sa kalsada..
“Bayad po.”, sabi ni ateng naka-blue.
Ay walang pumansin?
“Bayad po.”, pagtawag nya ulit. Saka lang lumingon si kuyang nakatitig sa harap. Napailing ako. Alam nyo naman, hitik sa ideya ang utak ko.
Minsan sa buhay, mga taong masyadong nakafocus sa future nila. At sa ginagawa nilang yun, nakakalimutan nila yung mga taong kasama nila sa buhay.
Halimbawa lang ay si kuya kanina.
Diba?
Haaay.
Bumusina yung jeep na kasunod naming. Napalingon ako.
May isang Engineering Student na nakaupo sa may bukana ng jeep. Naka headset sya. Ang layo ng tingin. Parang ang laki ng problema nya..
Life is meant to be taken forward. Diba totoo naman? Pero bakit may mga taong parang nakatira sa nakaraan nila? Katulad ni kuyang estudyante.
Palihim kong pinagmasdan ang kinikilos nya.
Lagi syang nakalingon sa likod.
E forward kaya ang andar ng jeep. -________-
Pero ang maganda dun, umuusad sya.
Para bang.. sya yung taong ginagamit yung nakalipas para umusad sya takbo ng buhay. Ang mga nadaanan nya, ang mga nakita at naranasan nya noon ay ang mga bagay na babaunin nya sa pagsulong sa buhay.
Ang galing diba? :)
“Bayad po.”, narinig kong sabi ni Kevin. “Dalawa.”, saka inabot ng mga nasa bandang unahan. Sinandal nya ulit yung ulo nya sa akin. Tapos, nakita kong may isang batang babae pala sa harap ko. Nakatayo sya sa pagitan ng hita ng tatay nyang nakapikit.
Kumakanta sya.
“It's the Circle of Life
And it moves us all
Through despair and hope
Through faith and love
Till we find our place
On the path unwinding
In the Circle
The Circle of Life”
Ang galing nyang kumanta. :)
Tapos napansin kong hindi sya mapakali. Lingon sa labas, lingon sa harap. Pinapahaba pa ang leeg para makita ang bintana sa likod ko. Ngumiti sya sa akin. Ngumiti rin ako.
“Papa, malapit na tayo. Ayan na si Jollibee. Labas mo na po yung payong, umuulan.”, sabi nya saka tinapik ang tatay nya.
Sa byahe ng buhay, siguro sya yung taong lumilingon sa nakaraan, naghahanda sa hinaharap, at nabubuhay sa kasalukuyan.
Ang galing diba? :)
Lahat tayo, iba ibang klaseng pasahero.
Kahit anong klaseng pasahero ka pa sa jeep ng buhay, ang mahalaga pa rin, makakarating ka sa pupuntahan mo. Lahat kasi tayo may kanya kanyang destinasyon.
“Para po.”, sabi ng isang pasahero. Bumaba si kuyang estudyante, yung bata at ang tatay nya.
Minsan, may mauuna lang na umalis kesa sa atin.
At lahat tayo, may nakatakdang makasama sa bawat destinasyon na iyon.
“Para ho.”, sabi ni Kevin saka humawak sa kamay ko. “Tara na?”, nakangiting tanong nya.
Ikaw kaya? Paano ka sumakay sa jeepney ng buhay?
Okay, wala lang ito. Haha. :)
December, 2012
-XARISAVEE
