Chapter 1

420 153 316
                                    

Belle's POV

"Ayoko na talaga. Lagi na lang ganito. Sawang-sawa na ako sa'yo, alam mo ba 'yon?"

Pilit kong pinakinggang mabuti ang usapan ng mag-jowang kasalukuyang nasa kalagitnaan ng pagkikipaghiwalayan. Hindi ko man sila kilalang personal, halata namang on the edge na ang relasyon nila.

"Palagi  mo na lang akong minamandohan! Selos dito, selos doon. Ano ba naman, Grace? Wala ka bang tiwala sa akin?"

Inayos ko ang isang earphone sa kabilang tainga na tila mayroong pinapakinggang tugtugin ngunit ang totoo eh wala naman. Tuloy lang ako sa pagsipsip sa straw ng iced coffee ko habang nakatingin pa kunwari sa cellphone. 

Deputa, mas malala pa ang magjowang to sa mga napapanood ko sa kdrama. Gusto ko tuloy mapatingin sa paligid ko kung meron bang nakatagong mga camera at nagsho-shoot pala talaga sila rito sa McDo. 

"Oo! Wala akong tiwala! Diba at niloko mo naman na ako dati? Tinanggap lang kita dahil akala ko mababago kita! Pero mukhang hindi pala talaga. 'Wag mo nang subukang lokohin pa ako dahil nahuli kita kahapon! Marami akong mata! Tapos na tayo."

Nagulat pa ako sa biglaang pagtayo ni ate sa upuan niya at may pagbagsak pa ng silya, dahilan para tuluyan na nilang maagaw ang atensyon ng ibang mga kumakain pa roon. Enjoy na enjoy niyo maging panoorin, huh? 

Ako rin kuno ay tinanggal pa ang dalawang  nakakabit na earphones sa parehong tainga, at umaktong napatingin pa sa kanila.

Sa loob-loob ko ay gusto ko talagang matawa sa magjowang ito. Sumosobra na naman ako sa pagiging tsismosa ko.

Hindi ko na pinansin pa ang dalawa nang makita kong naghabulan na sila papalabas ng fastfood chain resto na iyon.

Heto ay tuluyan na nga akong natawa sa dalawa nang palihim, at saka tumuloy na lang sa orihinal na plano kong mag-aral para sa quiz ko mamaya. Tinitigan ko muna ang tatlong cup ng large iced coffee ko, at muling sumipsip sa ka-oorder ko lang na panibago. 

Ilang minutong lumipas na pilit kong mag-aral eh wala talagang pumapasok sa utak ko. As usual, napatingin na lang ako sa gilid ko kung saan kita ang mga taong palakad-lakad sa labas.

May mga batang may backpack sa likod habang hawak sa kamay ang mga magulang. Mayroon ding mga mahaharot na magsyota na tila naglalambingan at takot na takot magkahiwalay at sadyang sa humaharang sa nilalakaran ng mga nasa likod nilang tao. 

Habang nalulunod ako sa pagsilay sa mga hindi mapakaling naglalakarang mga tao, bumalik sa dalawang magsyotang nag-aaway ang alaala ko.

Araw-araw na lamang kundi ba naman kamalasan eh nakakakita ako ng ganoong klaseng mga sitwasyon. Ni hindi ko na nga kailangan manood pa ng teleserye para makasilay ng mga awayang ganoon.

At sa araw-araw ding ginawa Ng Diyos, iyon ang isa sa mga napakaraming dahilan bakit ayaw ko sa commitment.

Dumaan ako sa napakaraming masalimuot na pagkakataon kung saan masasabi kong nagmahal nga ako, pero hindi naging sapat para tumagal sa isang ganoong klase ng relasyon.

Mas malala pa sa commitment sa pag-aaral ang kinakailangan siguro para makatagal ka ng mahigit sa isang taon. Isa iyon sa pinakamahirap na bagay dito sa mundo, para sa akin.

Nasusura akong inalis ang paningin sa labas at syaka ko ibinaling sa mga nakaupo sa loob ng McDo na ito. Bumalandra naman ang mag-jowa sa harap ko na naglalampungan at kulang na lang ay maghalikan pa sa harap ko mismo.

That was the last straw I had left for that moment. Inis na akong tumayo at syaka nagpasyang bumalik sa campus.

"Hoy Belle! Ano na, anong oras na naman? Enjoy ka na namang kumain mag-isa eh no?" kararating ko pa lang ay boses agad ni Damalaine ang narinig ko. 

Step forward to Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon