Begin 10: All of a sudden.

26 0 0
                                    

Kathryn's POV

Here at school. Still no sign of Julia. What is really happening to her? I'm slowly getting mad but I don't want to. I want to understand her but she didn't let me to.

Parking 5 is back. I don't know where they have been. Atleast I won't get bored now in classroom cause Lester is back.

Home room pa lang naman kaya wala pang teacher. Nag open na lang ako ng notes. Ang tagal mag start eh magrereview na lang ako.

Nalaglag ko yung ballpen na pinapaikot ko sa mga daliri ko habang nagbabasa dahil sa gulat ng may tumabi sakin.

"Miss me?"

Miss? Huh!

I just glared at him. Nagbasa ako ulit. Hindi ko na pinulot yung ballpen ko, Nabadtrip ako bigla eh.

"So hindi mo ko papansinin?" Daniel asked. Inignore ko lang siya. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko siya pansinin. Siguro kasi akala ko okay na pero hindi pa pala.

"We were on gig. May pinuntahan kaming gig kaya umabsent kami ng ilang weeks. Pero excuse naman kami dahil famous naman kami." Di ko alam kung bakit pero parang bumuti yung pakiramdam ko. Hindi naman ako nagtanong pero bakit kaya greatful ako na sinabi niya?

"Who asked?" Pambabara ko na hindi pa rin siya tinitignan.

I heard him chuckled.

"Don't act as if you don't care Ms. Bernardo." Sabay kinurot niya yung left cheek ko. Katabi ko kasi siya nasa left side ko siya. Dyan talaga siya nakaupo at si Julia sa right side ko tapos katabi ni Julia si Kats at Seth tsaka Lester. Pero wala pa sila Lester si Daniel pa lang ang nandito.

"Bakit ka ba nangungurot? " sabay iritable kong hinawakan yung pisnge kong kinurot niya. Kainis 'to!

"Ang cute mo siopao." Nangaasar na naman ba 'to? Napatingin ako sa kanya. Inaabangan ko yung 'joke' na sasabihin niya pero nakatingin lang siya sa'kin at nakangiti siya ng pang-inosente. Napakunot noo ako. Nasaan si Daniel na mapang-asar? Sinabihan ba talaga niya ko ng Cute? Tsk. Ewan!

The bell rang. Umiwas na ko ng tingin. Bakit?

Nagsipasukan na rin yung mga students na nasa labas. Kasama na dun sila Lester, Seth at Kats.

"Hi Kath!" Tinignan niya yung right side ko na upuan. Kunot noo siyang nagtanong.

"Wala pa rin si engkanto? Bakit?" I just shrugged. Di ko alam isasagot eh. Alam na naman ni Lester ugali ko eh kaya naintindihan niya ko sa pag shrugged ko. Di ko alam.

Umupo siya sa upuan dapat ni Juls.

"Smile lang." Sabay hawak niya sa magkabilaang cheeks ko at inuunat na parang gusto niya kong ngumiti.

Nakakalungkot. Naalala ko na naman si Julia. Ang lungkot pag wala yung bestfriend mo noh!

Nginitian ko na lang si Lester pero alam niya na hindi abot mata yun. Buti na lang andito na si Lester.

Pumasok na yung teacher namin sa first subject. Math. Ugh. Si Julia magaling dito eh.

"Get one whole sheet of paper." Sir Cabillo commanded. Whaaaaaaaaaaaaat?! Wala nga kong naintindihan e. Takte yan! Julia naman e tsk.

I get my paper and start copying what he wrote on the board. Pssssh wala kong masagot.

Tumingin ako kay Lester na sumasagot na. Tumingin naman ako kay Daniel na pinapaikot yung ballpen sa daliri niya. I sighed. Tinignan ko paper ko. Nakasulat yung equation pero walang sagot. Ang dami ko na atang iniisip kaya di ko nafocus sarili ko kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Begin Again [KATHNIEL FANFICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon