My Love Potion Didn't Work?

2 1 0
                                    

MY LOVE POTION DIDN'T WORKED?


Every since elementary, I really admire Ian. Halos lahat ata ng bagay-bagay na tungkol sa kan'ya ay alam ko. Mula sa kung anong gusto at ayaw niya pati na ang paborito niyang NBA player.


I always tell him how much I love him but it seems that he doesn't care about my feelings. Pero kapag naman mahal mo, magiging martyr ka na sa lahat ng bagay?


Well gan'on naman ang ginawa ko.


Kahit na simula't-sapul palang ay halos pagsasampalin na'ko ng mga kaibigan ko, para lang magising 'kuno' sa katotohanan.


But all things turned upside down when I finally found a solution.


“Hija, sigurado ka na ba sa gagawin mo?” tanong ng isang matanda sa'king harapan.


Tanging tango lamang ang naisip kong isagot sa kan'yang tanong.


Isang buntong hininga ang kan'yang pinakawalan.


“Akin na.” She said as she extends her arms to get the picture.


Halos dalawang minuto nitong pinagmasdan ang litratong nasa kan'yang harapan. At muling lumingon sa'kin.


“P'wedeng makita ang palad mo?”paghingi niya ng permiso.


Agad ko namang ipinakita sa kan'ya ang aking palad.


Nangunot ang noo niya habang ito'y pinagmamasdan. Tila ba'y may nababasa siya sa'king kapalaran.


“Mapaglaro talaga ang tadhana...”


Narinig kong may ibinulong siya subalit napakahina ito upang aking marinig.


Tumayo na siya at binitawan ang aking kamay saka pinagpagan ang gusot niyang palda.



Maka-ilang minuto siyang nawala sa'king paningin at ng bumalik na siya'y dala-dala na niya ang aking sadya.


“Dapat ay ikaw ang kan'yang unang makikita...”

-


“Ian!” pagtawag ko sa kan'yang pangalan at agad naman siyang lumapit sa'king p'westo.



Hinihingal siyang lumapit sa'kin.

“Dyanna? Bakit ikaw ang—”

“Oh, shut up!”pagputol ko sa kan'yang sasabihin. Inabot ko sa kan'ya ang isang tumbler na may lamang tubig. “ Just drink this, I know that your thirsty,” dagdag ko pa.

Kahit na nag-aalinlanga'y tinanggap niya pa'rin ito at ininom.

Saglit niya akong nilingon.

“Thanks.” Tipid na ngiti ang kan'yang pinakawalan bago muling bumalik sa court.

Shit. Gumana kaya 'yung, gayuma?

-

“Do you love me?”

A silence embraced the space between us.


Tila ba'y pinagtatambol ang aking puso dahil sa kaba. Sana... Sana...

“Dyanna? Are you sick?” umawang ang aking labi dahil sa kan'yang sinabi.


“Mahal mo na ba 'ko?” pag-uulit ko pa.


Eksahadera nitong ibinagsak ang kan'yang bag sa lamesa na nasa aming tapat.

Nanikip ang aking dibdib at nag-init ang sulok ng aking mga mata dahil sa kan'yang sinabi.



“Umuwi ka na, gabi na.”


Huling saad niya bago siya naglakad papalayo.




Isang tanong ang unang pumasok sa aking isip ng gabing 'yon.



Why it didn't worked?

-

“Tao po! Tao po!” nakailang kalampag na ako ng lumang pintuang nasa aking harapan at umaasang may mag-bubukas nito o may tutugon man lang sa'king tawag.


Halos mangiyak-ngiyak ako dahil namumula na rin ang aking kamay kakakatok sa pintuan na mahigit dalawang oras ng walang nasagot.



Dahan-dahan akong napaupo sa sahig at ginulo ang aking buhok sa inis.


“Bakit? Hindi ka ba talaga para sa'kin?” pagkausap ko sa'king sarili.


“Ineng?” isang boses ang aking narinig mula sa'king harapan.



Agad ako napatayo at pilit na pinunasan ang mga luhang kumawa sa'king mata.



“Nasa'n na ho ba dito 'yung nakatira?”


“Wala ng nakatira d'yan, ineng. No'ng isang linggo pa lumipat ang may-ari ng bahay na 'yan. At hindi rin namin alam kung saan nagpunta,” pagpapaliwanag nito sa'kin.


Bagsak ang balikat kong umalis sa lugar na iyon dahil wala naman na'kong napala.

Nilunod ko ang aking sarili sa alak para kahit man lang ay maibsan ang sakit sa'king puso.

All this time, mukha na pala akong tanga dahil sa pinaggagagawa ko para lang kahit konti'y maambunan man lang ako ng pagmanahal niya.


Pero hindi.

Lalo lang lumala. Siguro nga'y 'wag nalang akong umasa, ano?


Kaya nga, Dyanna. Stop na.


Isang paghablot ang gumising sa'king isip na nalunod na ata sa alak. Papikit-pikit pa ako ng pinagmasdan kung sino 'yon.


Speaking of the devil.


“Dyanna, umuwi na tayo,” seryoso niyang sambit at hinila ako palabas at ipinasok sa kan'yang sasakyan.


“For fuck's sake, Ian! Can you please stop acting that you fucking care about me?!” I shouted out of the blue.

He just stared at me and let me speak.


“Tangina, naman e. Ang dami-dami ko ng nagawa para mapansin mo'ko e,” saglit akong tumigil at pinunasan ang luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas. “Pero wala. Kahit gayuma, walang talab!” dagdag ko pa.


Siguro nga'y dahil na rin sa tama ng alak kaya ako nagkaroon ngayon ng lakas ng loob na sabihin ang lahat sa kan'ya ng harapan.

Pati nga 'yung tungkol sa gayuma'y nasabi ko na pero ni hindi man lang siya nagulat.


“Ano nga ba 'ko para sa'yo?”

Katahimikan.



“I love you.” pagak akong tumawa dahil sa ka'yang sinabi.


“Ano 'to, joke?” sinamahan ko pa ng pagpalakpak.



Kahit sa loob-loob ko'y may kaunting umaasa pa rin sana na totoo nalang ang sinabi niya.


“I know what you did—everything that you did.” ibinaling nito ang kan'yang tingin sa labas ng bintana.  “I'm sorry if I didn't tell you this before.”


“What are you trying to say?”



“Did you know that I didn't noticed that I fall unexpectedly —fast and deep.” natigalgal ako sa
kan'yang mga inamin.


“Am I dreaming?”

He looked straightforward directly to my eyes.

“You questioned yourself why your love potion didn't worked? Well...

Because I already in love with you. With or without love potion.”



My Love Potion Didn't Work?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon