Nakasuot ng puting uniporme, itim na pantalon, itim na sapatos. Sakbit ang kanyang pulang bag sa likuran. Ang kanyang paring kulot na buhok na walang pinagbago, suot ang itim nyang salamin habang nakikinig ng musika na may puting earphone sa tainga. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti sa sobrang saya. Kay gwapo pa rin ng aking nobyo.Hindi ako pwedeng magkamali dahil sya nga, Sya na nga.. Sya na nga ang boyfriend ko.
Mabilis akong tumakbo sa direksyon nya na bahagyang natatakpan ng ilang estudyante habang nagkukumpulan sa hall. Gustong isigaw ng mga bibig ko ang kanyang pangalan para malaman nyang narito na ako. Alam kong kaytagal na nya akong iniintay. Hindi na ko makapag-antay na mahagkan ang kanyang yakap.
Ang kaninang tahimik na ingay ng mga estudyante'y napalitan ng katahimikan na sa sobrang tahimik ay dinig ko na rin ang tibok ng puso ng pinakamamahal kong nobyo.
"ikaw nga, ikaw nga yan!" sambit ko habang sa wakas ay yakap ko na ang bisig ng taong mahal ko. Lahat ng pagod ko ay tila nawala. Ang mga araw na nasayang ay ngayo'y natuldukan na. Labis na tuwa ang aking nararamdaman na kasama ko na ang aking nobyo. Naghihiyawan na ang mga kaninang tahimik na estudyante marahil sa tuwang nararamdaman nila para saming dalawa. Ilang segundo ang lumipas, ninamnam ang yakap na akin pang mas hinigpitan. Bahagya kong nilinga ang mukha ng boyfriend kong kay tagal kong ginustong makita. Kita ko naman sa kanyang mga mata ang labis na pagkagulat bago binitiwan ang mga salitang....
"Sino ka?"
*authors note*
Please give me love and support *puppy eyes*
BINABASA MO ANG
Anything for him
Romance"Handa kong gawin ang lahat makita ka lang, kahit bumalik pa ako sa nakalipas makasama ka lang."