Chappy# Seven

0 0 0
                                    

RED

"Ohmy!..Sorry..Sorry talaga.Hindi ko sinasadya."Sabi ko at inalalayan akong tumayo ni Darren.Thanks naman.

Tinitigan niya lang ako at maya-maya ay lumakad at nilagpasan ako.

Grabe siya!namiss ko tuloy yung time na siya ang nagbayad sa mga pinili kong food ingredients,nagpo-pout pa nga siya nun at kinausap niya din ako.Hindi na ba yun pwedeng ibalik? I mean yung kausapin niya ako at magpout siya kung hindi ko pansinin.Yun ang gusto kong ibalik,punyemas naman kasi ng lalaking yun,palagi lang akong minamalas kung sakaling magkakita o magkasalubong kami.

Pero infairness mas okay yun kesa hindi niya ako kausapin at pansinin.

"Hey! Red..What's with that face?"napabalik ako sa realidad ng magsalita si Darren,medyo natatawa pa ang mokong.

"Bakit anong meron sa mukha ko?...I know I'm beautiful,and that's obvious."Sabi ko kahit alam ko naman ang ibig niyang sabihin.

Nakangaga kasi ako at tulalang sinundan ng tingin si Black hanggang sa mawala sa'king paningin.

"Haha! assumera ka talaga.."Sabi niya at pinulot na ulit ang mga binili ko,ay hindi pala,pinili ko binili niya.

"Tara na nga it's already time for lunch."Sabi niya at lumakad na kami palabas sa mall.Tiningnan ko naman ang relo ko para malaman ang oras,at tama nga siya,it's already 11:50 na so it's time for lunch.

Sa favorite restaurant niya na naman kami kumain.Okay lang naman sakin,siya naman ang mag babayad,kakain lang naman ako basta wag lang spaghetti nasusuka ako nun.Simula pa bata ako,ayaw ko nang kumain ng spaghetti kasi pagkatapos kong kainin ay masusuka talaga ako,ewan ko kung bakit.

Mabilis lang kaming natapos kumain ng lunch.May pupuntahan na naman kami,pero hindi sinabi ni Darren kung saan,mamaya na lang daw niya sasabihin.

Okay basta wag lang ang isurprise ako,ayaw ko lang talaga ng mga surprises,hindi ko din alam kung bakit ayaw ko niyan.

"Puta! saan ba kasi tayo pupunta?"tanong ko na naman,siguro panlima ko nang ulit sa tanong na ito.

"Basta mamaya sasabihin ko din sayo."Yan din lagi ang isasagot niya sakin.

Halos ilang oras din ang biyahe namin hanggang makarating kami sa kung saang lupalop ng mundo ito,at dahil hindi nga sinabi ni Darren kung saan ito,galit ako sa kanya ngayon,kasi na surprise ako sa view ng lugar.Tangina! anong lugar ba kasi toh?

"Nature Park to,basi sa reaction mo noong nakipag friend ako sayo,diba sa park yun na medyo malapit lang sa school natin?"magtanong pa sana ako kung anong pangalan ng lugar na ito pero hindi natuloy kasi sinabi niya na parang na basa niya ang isip ko.

Tumango lang ako sa tanong niya,hindi kasi bumuka ang bibig ko.Na-a-appreciate ko talaga ang lugar na ito napaka ganda,pero kahit na maganda ang lugar na'to galit pa din ako kay Darren dahil na surprise niya ako.

"Base kasi sa reaction mo nun,parang first time mo pang nakapunta sa ganoon na lugar or should I say,first mo pang nakapunta sa park.Kaya naisipan kitang dalhin dito. Do you like it?"Nilingon niya ako,inilibot ko naman ang paningin.Maganda talaga may mga naglalakihang puno sa mga gilid ng lugar at sa pagitan ng dalawang puno na nasa harap namin ngayon ay may bench,mga sampung lakad na lang marating na namin yun.Hindi madsyadong mainit dito kasi may mga dahon ng mga kahoy na nagsisilbing umambon para hindi masyadong mainit,maaliwalas din ang hangin dito.May iilang swing din na may nakaupo at nagdedate may mga batang naglalaro.Hindi naman masyadong maraming tao dito mabilang lang gamit ang mga daliri sa kamay.

Marami ding mga huni ng ibon at nagliliparan.Kaya ang ganda ng lugar,at ang ganda rito pumunta kapag may problema siguradong gumagaan ang pakiramdam mo.

UNEXPECTED IN LOVE(Phantom Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon